DUTERTE ‘MAINIT’ NA SA BIR EXAMINERS

bir1

(NI BETH JULIAN) MAINIT na rin sa mata ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ay matapos  makarating sa Pangulo ang raket ng BIR examiners. Sa sumbong na natanggap ng Pangulo, sinasabing hindi umano nakararating sa gobyerno ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga negosyante o kompanya. Sa deskripsiyon ng Pangulo sa raket ng mga taga-BIR, kunwari ay ia-assess ng examiner ang halaga ng buwis na dapat bayaran ng isang negosyante at magtatakda ng halaga pero bahagi lamang nito ang ireremit o…

Read More

STL BALIK-OPERASYON NA

(NI ABBY MENDOZA) BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan. Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte  matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board. “Pursuant to the recommendation of PCSO, the…

Read More

SOLON SA HOG FARMERS: MAKIPAGTULUNGAN SA DA

hog55

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY CJ CASTILLO) UMAPELA si Rizal Rep. Fidel Filipe Nograles sa mga hog farmers sa Montalban, Rizal na makipagtulungan na lang sa otoridad upang hindi lumala ang problema sa kanilang kabuhayan. Ginawa ni Nograles ang pahayag  sa gitna ng mga pangambang nagkaroon ng swine flu dahil sa pagkamatay ng dalawang baboy kaya isinailalim sa Department of Agriculture (DA) protocol ang tatlong barangay sa Montalban na kinabibilangan ng Macabud, San Isidro at San Jose. “While the DA has yet to confirm the cause of these deaths, it is in…

Read More

FATS? KAILANGAN NG KATAWAN NATIN IYAN

FATS-1

(Ni Ann Esternon) Totoo, pero dapat in mo­deration lamang ang pagkonsumo nito. Ang taba o fats ay may iba’t ibang halaga sa atin. May tinatawag tayong “the good, the bad, and the in-between.” Dapat nating iwasan ang trans fats, bawasan ang saturated fats, at sa halip ay palitan ito ng essential polyunsaturated fats. Talakayin natin kung bakit masama sa atin ang trans fats, kung bakit okay ang polyunsaturated at monounsaturated fats, at kung bakit hindi basta-basta sa saturated fats. Noon kasi, kapag sinabing fats ay iniiwasan na natin ito kaagad…

Read More

SWINE FLUE DAPAT SUGPUIN – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-1

Dapat magkaisa sa pagsugpo ng swine flu ang lahat ng nagmamay-ari ng babuyan at nag-aalaga ng baboy sa Montalban (Rodriguez) upang matiyak na hindi kakalat ang swine disease bagamat kinukumpirma pa lamang ang ulat. Sinuportahan ni Congressman Juan Fidel Nograles, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Rizal ang pagkilos ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA), sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal at iba pang ahensiya na naatasang i-monitor at gumawa ng kaukulang aksiyon upang mabilis na masugpo ang banta ng posibleng sakit sa baboy. “Habang hindi pa…

Read More

SOLON NA ‘BAGMAN’ NI GUANZON MASISIBAK

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong matanggal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ‘congresswoman’ na ‘bagman’ ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. “Kung totoo at mapatutunayan (ay matatanggal),” ani ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa press conference nitong Huwebes sa Kamara kaugnay ng alegasyon ni Cardema na isang congresswoman ang bagman ni Guanzon. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Cardema na humihingi umano ng P2 million si Guanzon kapalit ng pagpayag nito na siya ang first nominee ng Duterte Youth kung saan idadaan ang pera sa congresswoman.…

Read More

CARDEMA KAY GUANZON: CELLPHONE IPA-FORENSIC EXAM NATIN!

(NI JEDI PIA REYES) HINAMON ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maipasailalim sa forensic exam ng kanilang mga cellphone patungkol sa umano’y pagbabanta sa huli. Sinabi ni Cardema na handa siyang isumite sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang cellphone at dapat ay ganito rin ang gawin ni Guanzon. “I challenge you, Guanzon, ipakita mo ang messages ng threat,” ani Cardema. “Magpa-forensic tayo ng telepono, Ma’am,” dagdag pa nito. Naninindigan si Cardema na hindi nito binantaan si Guanzon at hindi rin…

Read More

BATO NA-HIGHBLOOD SA ROTC HEARING 

bato99

(NI DANG SAMSON-GARCIA) UMINIT ang ulo ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture hinggil sa panukalang ibalik ang mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC). Ito ay nang paringgan siya ng isang resource person na si Raoul Manuel, deputy secretary general ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) hinggil sa naging posisyon sa napipintong paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Sa gitna ito ng paghahayag ni Manuel ng kanilang pagtutol sa mandatory ROTC sa senior high school dahil…

Read More

HINDI DAPAT MAKALAYA

SA TOTOO LANG

Nakalulungkot kung mapalalaya si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez para sa good conduct time allowance (GCTA) na nasa batas. Iyan ang mainit na balita ngayon na humatak muli sa publiko na magbalik tanaw sa krimeng ginawa ng nasabing alkalde. Marami ang tutol dito at naroon ang simpatiya sa mga naulila ng mga naging biktima ng alkalde. Nakulong si Sanchez noong 1995 nang mahatulan ng seven terms ng reclusion perpetua. Ang krimen ay naganap noong 1993 kung saan dinukot ang UP Los Baños students na sina Eileen Sarmenta na 21-anyos…

Read More