(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Win Gatchalian na suriin ng Senado ang implementasyon ng National Service Training Program (NSTP), partikular ang Reserve Officers’ Training Course (ROTC)na bahagi nito. Sa gitna ito ng patuloy na pagbaba ng mga graduate ng ROTC na magboluntaryo sa Ready Reserve. Sa Senate Resolution No. 97, sinabi ni Gatchalian na kailangan ang isang komprehensibong pagsusuri sa NSTP law, lalo na sa ROTC component, upang masukat kung gaano ito kaepektibo at makapagbalangkas ng panukalang batas o mga amyenda sa kasalukuyang batas upang mapalakas ang Reserve Force ng…
Read MoreMonth: August 2019
PABAHAY SA YOLANDA VICTIMS 70% NANG TAPOS
(NI BETH JULIAN) HALOS makukumpleto na ang pabahay para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa Region 6. Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Kiko Nograles kung saan ibinalita nitong nasa 70 percent nang tapos ang pabahay sa Region 6 at 30 percent na lamang ang hindi pa natatapos. “Sa aming record, 70% na sa buong Region 6 ang completed na, kaya mga 30% na lang ang hindi pa tapos. May ilang munisipyo na may problema pa, pero tiniyak naman ng National Housing Authority (NHA) na hindi sila magpapabaya at…
Read MorePAGBABALIK NG NUTRIBUN APRUB SA DEPED
(NI MAC CABREROS) PABOR ang Department of Education (DepEd) sa hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na pagpapakain sa mga bata ng masustansyang tinapay na nutribun. Ayon sa DepEd, sang-ayon sila sa anumang feeding program na makatutulong sa kalusugan at edukasyon ng mga bata. “Mahalaga na malakas ang katawan ng mga bata para makapag-aral ng maayos,” pahayag DepEd. Binanggit na hindi natututo ang isang bata kapag kumakalam ang tiyan at mahina ang katawan dahil sa malnutrisyon. Batid din ito ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro kaya kanilang isinulong ang pamimigay…
Read MoreVAPE ISINAMA SA DAGDAG-BUWIS, ALAK, PASADO NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) TILA wala nang urungan ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga nakakalasing na inumin matapos pagtibayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas. Sa botong 184 yes vote, 3 ang no vote at isang abstention, pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 1026 na magtataas ng buwis sa mga lahat ng alak sa bansa. Tanging ang bersyon na lamang ng Senado ang hinihintay para tuluyang maging batas ang panukalang ito at maipatupad sa susunod na taon o sa 2020 kung saan…
Read MoreAPL.DE.AP MAGPAPASIGLA SA SEA GAMES
(NI JEAN MALANUM) ANG sikat na Fil-American singer na si apl.de.ap ang magpe-perform sa opening at closing ceremonies ng 30th Southeast Asian Games. Sa opisyal na signing ceremony kahapon sa House of Representative, inihayag ni House Speaker at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chair Alan Peter Cayetano ang pagkuha sa serbisyo ni apl.de.ap para sa biennial meet. Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay, si apl.de.ap ay ipinanganak sa Barangay Sapang Bato sa Angeles City at miyembro ng Grammy Award-winning hip-hop group na Black Eyed Peas. Unang magtatanghal si…
Read MoreNUNAL: CANCEROUS BA ANG LAHAT NG URI NITO?
Ang nunal ay may medical term na melanocytic nevus. Ang melanocytic nevus (nevi kung plural) ay binubuo ng masses of melanocytes, ang pigment producing cells ng ating balat. Gayunman ayon sa pag-aaral, may iba’t ibang klase ng skin lesion (sugat) na kahawig ng nunal. Kabilang dito ang seborrheic keratoses, skin tags, dermatofibromas, lentigines, at freckles o pekas. BAKIT NAGKAKAROON NG MGA NUNAL? Alam ninyo ba na sa unang 12 linggo ng pagbubuntis, habang nade-develop ang fetus ay nagkakaroon ng melanocytes – ito ang skin cells na nagpo-produce ng ordinary skin…
Read MoreCARPIO, LEONEN TUMANGGI SA NOMINASYON BILANG SC CJ
(NI HARVEY PEREZ) KAPWA tumanggi sina Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio at Court Associate Justice Marvic Leonen sa awtomatikong nominasyon sa Judicial Bar Council (JBC) bilang susunod na Supreme Court Chief Justice kapalit ng magreretiro na si SC Chief Justice Lucas Bersamin. Nabatid na si Bersamin ay nakatakdang magretiro sa Oktubre 18 pagsapit niya ng 70-anyos mandatory retirement. Wala naman partikular na dahilan na sinabi si Leonen sa kanyang pagtanggi sa nominasyon. Gayunman,sinabi niya na ang kanyang desisyon ay “the right thing to do for myself, this Court,…
Read MoreNUMBER CODING SCHEME SUSPENDIDO NGAYON
(NI ROSE PULGAR) INIANUNSIYO kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ngayong araw ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. Base sa traffic advisory ng MMDA, sinuspinde ang pagpapatupad ng UVVRP bilang paggunita ng ika -36 na kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. Ibig sabihin, dahil sa suspensiyon, malayang makabibiyahe ang mga sasakyan anuman ang nasa hulihang digit ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahin lasangan sa Metro Manila. Bukod sa anunsiyo ng MMDA, nag-abiso rin ang pamahalaang…
Read MoreMALALIM ANG DAHILAN SA PAG-DECLINE SA AUTOMATIC NOMINATION
Ayon sa source ng inyong lingkod na naramdaman o batid ng justices na wala nang pag-asa na pipiliin sila ng Malacañang kaya iniurong na nila ang kanilang automatic nomination. Paliwanag ng source na sa limang nominado ay dalawa sa kanila ay tinaguriang dilawan, o naitalaga ng dating administrasyon kaya malabong italaga sila ni Pangulong Duterte bilang susunod na chief justice (CJ) ng Supreme Court (SC) na ipapalit kay CJ Lucas Bersamin na magreretiro sa Oktubre 18, 2019, na bukod sa dilawan ang isa sa kanila ay may kaparehong problema ni…
Read More