PH NASA LISTAHAN NG TAIWAN SA ASF

(NI ROSE PULGAR) DAHIL kabilang ang Pilipinas na nasa listahan sa high-risk areas ng African swine fever (ASF) sa bansang Taiwan, simula nitong Lunes, ang lahat ng Pinoy na magtutungo sa nabanggit na bansa  na may hand carry baggage ay mahigpit na isasailalim sa inspection. Kahapon ay inianunsiyo ng Central Emergency Operation Center na mayroon aniyang ilang  unreported cases ng ASF, na  na-detect  sa area ng Bulacan at Rizal. Dahil dito, ang Pilipinas ay inilagay sa listahan ng Taiwan na high-risk areas ng ASF. Sinabi ng Department of Agriculture (DA)  na ang…

Read More

MAYAMAN ANG RECTO BANK SA LANGIS AT NATURAL GAS

SIDEBAR

Sa Agosto 28, ay nakatakdang pumunta muli ng China si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ikalimang pagbisita niya rito at ikatlong pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jingping. Inaasahang isa sa mga pangunahing agenda ng pulong ng dalawang lider ang tungkol sa joint exploration ng Reed Bank (Recto Bank) kung saan nagkaroon ng insidente noong Hunyo kung saan nabangga ng isang Chinese fishing boat ang bangkang de-katig ng mga Filipinong mangingisda. Base na rin sa mga naging pag-aaral, umaabot sa 5.4 bilyong bariles ng langis ang makukuha sa Reed Bank at…

Read More

ANYARE SA TAX CREDIT SCAM?

FOR THE FLAG

Mukhang nagkakalimutan na ukol diyan sa multi-bilyon pisong tax credit scam. Maipaalala ko lang mga kabandila, 1999 hanggang 2001 ako’y nagsilbi bilang press consultant sa Philippine Board of Investments (BOI), isang ahensya ng pamahalaan na naatasang mag-promote ng investment climate sa bansa at humimok ng investors mula sa iba’t ibang nasyon. ‘Yan ding mga taong nabanggit ko na ang isa sa suliranin ng BOI ay ang pagkakadawit nito sa multi-bilyon pisong tax credit scam, na maya’t maya ay naipupukol sa imahe ng ahensya, bagaman sa Department of Finance ito pinal…

Read More

SECURITY AGENCY NG SINALAKAY NA POWER PLANT IIMBESTIGAHAN 

npa

(NI NICK ECHEVARRIA) PINAIIMBESTIGAHAN ni  Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang posibleng pagkakaroon ng kapabayaan ng security agency ng isang pribadong kompanya sa Balingasag, Mindoro na sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), Lunes ng umaga. Nagtataka si Albayalde kung bakit hindi man lang nakuhang ipagtanggol sa kabila ng malalakas na armas na hawak ng mga tauhan ng AY76 , ang security agency, ng Minergy Power Corporation, nang lusubin ng mga NPA ang power plant na kanilang binabantayan. Mabilis din umanong nadisarmahan ang mga blue guards ng nasabing…

Read More

RESULTA SA EDDIE GARCIA PROBE NG DOLE ILALABAS NA SA AGOSTO 30

eddigarcia22

NAKATAKDANG  isapubliko ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Agosto 30 ang final resolution nito sa kanilang imbestigasyon sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia habang nagsu-shooting para sa isang teleserye ng GMA Network na ngayon ay na-shelve na. Inutusan din ng DOLE ang GMA na isumite sa kanila ang listahan ng lahat ng location shoots para sa mga teleserye nito para maisama ito sa inspeksyon. “There was lack of compliance with the requirement that in every activity there should be a safety officer. They didn’t have…

Read More

120 CHINESE WORKERS NA-DENGUE SA BATAAN

bataan44

(NI JAY-CZAR LA TORRE) BATAAN – Umabot sa 120 manggagawang Chinese national ang tinamaan ng sakit na dengue sa Bayan ng Mariveles, ayon kay Dr. Godofredo Galicia, Jr. miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Base sa datos ng Bataan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, sa 400 kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa buong lalawigan, 120 ay nagmula sa GN Power Coal Plant kung saan nagtatrabaho ang mga banyagang manggagawa. Sinabi rin ni Dr. Galicia na lumalabas sa pag-iimbestiga ng mga kawani ng panlalawigang kalusugan, kakulanganan sa kalinisan ang pangunahing sanhi ng…

Read More

2020 BUDGET: WALANG PORK BARREL — CAYETANO

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang parked funds  at walang pork barrel sa P4.1 Trillion 2020 national proposed budget. Matatandaan na may P55-B parked funds ang naisiwalat sa 2019 budget at ang ganitong mga insertions ang dahilan kung bakit tumagal ang pag-apruba ng budget. Binigyang-diin ni Cayetano na ngayong 2020 budget ay walang katulad ng isyung babalot sa aaprubahang budget at magiging transparent umano sila sa pag apruba nito. Ang parked funds ay ang pondong inilalaan sa mga piling distrito na hindi nalalaman ng…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG BUMABA

angatdam77

(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang sunud-sunod na pagtaas ng antas ng tubig sa Angat dam, bahagya itong bumaba, ayon sa monitoring ng Pagasa. Bumaba sa 177.39 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 177.60 noong Lunes. Bukod sa Angat ay bumaba rin ang tubig sa La Mesa dam ng 0.03 meters o 76.63 meters mula sa 76.66 noong Lunes. Maging ang Ipo dam ay bumaba rin sa 100.33 meters mula sa 100.49. Gayundin ang Pantabangan dam na bumaba na sa 195.51 mula sa 195.58 meters. Ang Magat…

Read More

MRT-3 NAGKAABERYA ULIT; HALOS 800 PASAHERO PINABABA

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) NAPILITAN ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) na pababain ang may 780 pasahero nito mula sa kanilang sinasakyang tren dahil sa dinanas na aberya sa area ng Makati City, Martes ng hapon. Batay sa advisory, sinabi ng DOTr-MRT3 na dakong ala-1:01 ng hapon nang tumirik ang tren sa southbound lane ng Ayala Station. Electrical failure na dulot ng mga luma nang electrical sub-components, gaya ng main chopper, regulator, at insulator ang dahilan ng aberya. Kabilang, anila, sa remedial measure na kanilang isinagawa…

Read More