(NI ABBY MENDOZA) NAKALUSOT na sa Ikalawang Pagbasa sa House of Representatives ang ika-4 na package ng Comprehensive Tax Reform Program ng Duterte administration. Layunin ng House Bill 304 o Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act of 2019( PIFITA bill) na ayusin ang komplikadong sistema ng pagbubuwis sa passive income tulad ng interest at dividends at financial intermediarie. Ayon kay Committee chairman Rep. Joey Salceda aabot sa P4.2 Billion ang kikitain ng gobyerno sa nasabing tax reform package dahil sa pagtataas sa 15% ng income tax rate sa interests,…
Read MoreMonth: September 2019
DILG, PALALAKASIN ANG UGNAYAN NG BARANGAY AT OFW
Binisita ng Ako OFW ang opisina ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino nitong Martes upang talakayin ang mga suliranin ng mga OFW at pamilya ng mga ito. Hindi talaga nagkamali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtatalaga sa dating barangay captain ng Quezon City para pamunuan ang mahigit na 42,000 na barangay sa buong Pilipinas. Ang kanyang kasanayan sa pamamalakad ng barangay ang naging dahilan upang mabilis niyang maunawaan ang mga isyu na aming tinalakay. Higit na nakatutuwa na may mga sarili na pala siyang plano at inisyatibo…
Read MorePAMILYA AMPATUAN NAGPATULONG DIN KAY PANELO
HINDI lamang ang pamilya ni convicted rapist-killer Antonio Sanchez ang sumubok na makiusap sa legal na usapin kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na mapalaya sa Bureau of Corrections (BuCor), kundi maging ang pamilya Ampatuan na dawit sa Ampatuan massacre noong 2009. Lumapit din umano ang Ampatuan family kay Panelo, at iginiit na walang katotohanan ang pagkakadawit ni Datu Saudi Ampatuan Jr. sa krimen. Nagtungo ang ina nito na si Bai Soraida Biruar-Ampatuan at misis na si Jehan-Jehan Ampatuan-Lepail sa Malacanang para makiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit sa halip ay…
Read MoreDRUG CLEARING MAS MADALI DAHIL SA PAGHAHATI NG MGA BARANGAY
Tunay na malaking bagay ang pagkakahati-hati ng isang lugar sa Navotas City na naging tatlong barangay dahil mas napadali ang drug-clearing operations dahil ang mga ito ay epektibong nadeklarang drug-cleared areas ng Philippine Drug Enforcement Agency. Kaya agad namang ipinaabot ni Mayor Toby Tiangco sa chairmen ng Barangays North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran, Proper at Dagat-dagatan ang pagkilala sa kanila sampu ng kanilang mga kasamahan at constituents. “Ipinapakita lamang nito na tama ang naging desisyon natin na hatiin ang NBBS. Dahil dito, naging mas madali at epektibo ang pamamahala…
Read MoreGULO SA PAGPAPATUPAD NG BATAS
Sa nangyaring kapalpakan sa Bureau of Corrections malaking gulo ang iminarka nito sa mga opisyal at ng mismong pamahalaan. Malaking stigma ito sa sistema ng ating batas na para bang mismong ang nagpapatupad sana ng tuwid na batas ay hindi makaintindi sa nilalaman mismo ng batas. O baka naiintindihan naman nila pero dahil sa mga pansariling interes e hindi bale na lang na baluktutin ang tama at ipagpatuloy ang kanilang mga pansariling kagustuhan para sila lamang ang mga makinabang. Nagpalaya ang BuCor ng mga presong nahatulan dahil sa karumal-dumal na…
Read MoreFAELDON: WALA NA AKONG PASAN SA BALIKAT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BAGAMA’T late ng limang oras, sumipot din sa pagdinig ng Senado hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sinibak na si Bureau of Correctiosn (BuCor) Director Nicanor Faledon. Kasabay nito, inamin ni Faeldon na masaya siya sa kanyang sitwasyon ngayon lalo pa’t wala na siyang pasan sa kanyang balikat. “I’ve never been happier than now. In a way na pag wala nang yoke sa balikat mo, you can soundly sleep,” saad ni Faeldon. Ipinaliwanag ng legal counsel ni Faeldon na si Atty. Jose…
Read More10 CONVICTS, SUMUKO NA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi lalagpas sa 10 heinous crimes convicts na maagang napalaya ang sumuko na sa gobyerno matapos ang ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte na 15 araw para bumalik sa kulunghan ang mga ito. Sa pagtatanong ni Senador Panfilo Lacson, sinabi ni Guevarra na unang batch pa lamang ito ng mga sumuko simula noong Miyerkoles ng gabi at sinisimulan na rin anya ang recomputation sa kanila. “That’s a good development,” saad naman ni Lacson. Kasabay nito, nangako si Guevarra na magpapalabas ng…
Read MorePAGKALAT NG FAKE NEWS SA YOUTUBE, INUPAKAN
(NI NOEL ABUEL) KINASTIGO ni Senador Leila de Lima ang patuloy na pagbabalewala ng video-sharing website YouTube sa nagkalat na fake videos at fake news. Ayon kay Senador Leila de Lima, mistulang nagagamit ang nasabing video-sharing website para makapagpakalat ng mga pekeng videos at pekeng balita kung saan dapat na umanong kumilos ang Google Philippines para masawata ito. “YouTube has been instrumental in the spread of fake news because it became a convenient space for fake news purveyors to spread false content to further their own personal and political agendas,”…
Read MoreGALIT NG HIGIT 2-M MAGSASAKA SASABOG NA
(NI BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang lider ng militanteng grupo na posibleng natatakot ang gobyerno sa tinatawag na ‘social volcano’ o ang pagsabog ng mga magsasaka, sa P15,000 na pautang sa mga ito matapos malugmok sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law. Ginawa ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang pahayag matapos ilunsad ang Survival and Recovery Assistant Program for Rice Farmers (SURE-AID) kung saan pauutangin ng tig-P15,000 ang mga magsasaka na babayaran sa loob ng 8 taon na walang interes. “In order to pacify the looming…
Read More