(Ni DAHLIA S. ANIN) Nanatiling nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes dahil mas lumakas pa si Bagyong Liwayway at isa na itong severe tropical storm ayon sa PA-GASA. Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente ng Batanes dahil sa posibleng paglakas ng hangin doon. Sa huling tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 250 kilometro Si-langan-Hilagang-Silangan ng Calayan, Cagayan o 205 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Basco, Batanes. Nagtataglay ito ng lakas ng hangin na aabot sa 95 kph malapit sa sentro at bugso na aabot…
Read MoreMonth: September 2019
FAELDON ‘NAGSISINUNGALING’
(Ni DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO si Senador Panfilo “Ping” Lacson na nagsisinungaling lamang si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon sa usapin hinggil sa muntik nang maagang paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. “Obviously he (Faeldon) is lying or he was lying yesterday, he is lying today. Yun lang ang conclusion. There is no logical conclusion except that he is not telling the truth,” saad ni Lacson matapos ang kanyang pagtatanong kay Faeldon sa pagpapatuloy ng pagdinig hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Sa…
Read More2 US FUGITIVES, IDE-DEPORT NA
(Ni FRANCIS SORIANO) Anumang araw ngayon buwan ay ide-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang US fugitives na Wanted sa Fraud, Money Laundering at sankot sa large-scale fraud cases ng federal authorities na isinampa sa Texas. Kinilala ni BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, ang dalawang fugitives na sina Robert Wayne Boling Jr., 38 at Allan Albert Velarde Kerr, 30. Ayon Mabulac, ang dalawang suspek ay maituturing din undesirable aliens dahil mga undocumented. “They will be sent home to face trial for the crimes they allegedly committed. Also, their…
Read MorePILING SUBJECT LANG SA HOMEWORK
(Ni MAC CABREROS) Inihayag ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na piling subject o asignatura na lamang ang papayagang ipa-homework sa mga mag-aaral. Sa panayam ng media, sinabi ni Sec. Briones na maglalabas sila ng panibagong patakaran at panuntunan hinggil sa nasabing usapin kung saan limitado ang ipapagawang assignment gaya ng Mathematics. Sa ngayon, aniya, umiiral ang polisyang walang homework/assignment kapag weekends upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga bata at magulang na mag-bonding. Naiulat na ipinanukala sa Kongreso nina Rep. Evelina Escudero at Alfred Vargas na ipagbabawal ang…
Read MoreAPELA NG SOLON SA MALACAÑANG: FAELDON HUWAG NANG I-RECYCLE
BASURA lang ang nire-recycle at hindi government officials. Ito ang pahayag ni Albay Rep Edcel Lagman kasabay nang panawagan nito kay Bureau of Corrections (Bucor) Chief Nicanor Faeldon na magbitiw na sa pwesto. Pinayuhan din niya si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang i-recycle pa o ilipat sa ibang ahensya si Faeldon. “The colossal blunder committed by Faeldon clearly shows that damaged and wayward officials who have previously committed malfeasance, misfeasance and nonfeasance should not be recycled to other government positions where they could commit similar culpable acts akin to…
Read MoreANGEL LOCSIN NAG-SORRY SA MGA TAGA-GENSAN
(NI REY PUMALOY) BINIGO ni Angel Locsin ang mga taga-GenSan na makita siya nang personal. Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Kapamilya at “The General’s Daughter” star sa Twitter post niya sa hindi niya pagdating sa event na dapat niyang dadaluhan. Malaki ang rason ng hindi pagsipot ni Angel sa GenSan. Naka-attach sa kanyang tweet ang doctor’s diagnosis na nagkaproblema si Angel sa kanyang kaliwang muscle ng kanyang likuran. “Parathoracic Muscle Strain left and difficulty in breathing” ang nakasulat sa test kay Angel. Nakasulat sa test na “3 days” ang…
Read MoreBLOWOUT LOSS
MULING tumikim ang Gilas Pilipinas ng blowout loss, sa pagkakataong ito’y sa kamay ng powerhouse Serbia, 126-67 kagabi sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Dahil sa kabiguan, hindi na makauusad sa next round ang Philippine team. Laban sa Italy noong Sabado ng gabi kung saan natalo rin ang Gilas Pilipinas, 108-62, mas maganda ang ipinakitang laro ng mga Filipino, subalit, sadyang malakas ang Serbian team sa pangunguna ni NBA star Nikola Jokic. Bukod kay Jokic, hindi rin napigilan ng Gilas sina Bogdan Bogdanovic, Nemanja Bjelica, at Miroslav Raduljica na…
Read MoreDEPLOYMENT BAN SA LEBANON NANANATILI
(NI ROSE PULGAR) MULING nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa mga Filipino na naghahanap ng trabaho sa abroad na nananatili ang deployment ban sa Household Service Workers sa bansang Lebanon. Ayon sa regulasyon ng Pilipinas, iligal para sa mga Filipino na maglakbay patungo ng Lebanon upang magtrabaho bilang domestic helper o kasambahay. Iligal din mag recruit, manghikayat o maging daan sa paglabas sa Pilipinas tungo sa Lebanon upang manilbihan bilang katulong sa bahay. Ang sumuway sa nasabing kautusan ay papatawan ng karampatang kaparusahan, ayon sa batas. Ang mga undocumented Filipino…
Read MoreMANGINGINOM NA PINOY DUMARAMI
TARA! ALAK PA! (Ni ANN ESTERNON) Sa pag-aaral dumarami na ang mga Pinoy na sumusobra sa pag-inom ng alak. Ang tawag sa kanila ay mga binge drinker. Ang sobrang pag-inom ay isang seryoso pero maiiwasang public health problem. Ito rin ay magastos at nakamamatay o deadly pattern of excessive alcohol use. Sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute na nasa ilalim ng Department of Science and Technology noong nakaraang taon, inihayag nito na aabot na sa 10 milyong Pinoy ang nalululong sa alak. Sa pag-aaral, kaya ng mga Pinoy…
Read More