NATIONAL TAX PINATATAASAN NI PANGILINAN

(NI NOEL ABUEL) PINAAAMYENDAHAN ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang Local Government Code (LGC) of 1991 na naglalayong dagdagan pa tinatanggap na national tax. Ayon kay Pangilinan, malaking bagay ang ibinibigay na tulong ng mga local government units bilang frontline providers sa pagbibigay ng tulong sa nasasakupan kung kaya’t mula sa 40 porsiyento ay dapat na maging 50 porsiyento ng national taxes sa halip na national internal revenue taxes.“Pinakaunang takbuhan ng ating mamamayan ang mga LGUs. Kailangang sapat ang kita para matugunan ang pangangailangan ng ating mamamayan,” aniya. “The bill will harmonize the…

Read More

BAGYONG ‘LIWAYWAY’ NAMATAAN SA SURIGAO DEL SUR

pagasa rains

(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang paglabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ni bagyong ‘Kabayan’, naging isang ganap na bagyo na rin ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao, ayon sa Pagasa. Pinangalanang ‘Liwayway’ ang bagong bagyo  na magdadala ng mahina hanggang malakas na pag ulan sa CARAGA at Davao dahil sa extension ni ‘Liwayway’. Pinag-iingat ang mag residente sa nasabing lugar na nakatira sa bahain at landslide-prone na lugar. Sa ngayon ay wala pang cyclone wind signals ang nakataas sa mga nasabing lugar. Huling namataan si ‘Liwayway’…

Read More

SUBPOENA VS FAELDON, INILABAS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGPALABAS na ng subpoena ang Senado laban kay Bureau of Corrections (BuCOR)director Nicanor Faeldon upang maobliga itong dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa isyu ng muntik nang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez mula sa New Bilibid Prisons. Ipinalabas ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ang subpoena na pirmado ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, Sabado ng gabi makaraang magpadala ng sulat si Faeldon na hindi makadadalo sa hearing ngayong araw dahil sa imbitasyon sa kanyang ng Canadian embassy.…

Read More

KALIDAD NG LOCAL PRODUCTS NG PINAS BUMABABA

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga economic managers na bumuo ng mga hakbangin upang palakasin ang exports ng bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa local industries. Sa briefing para sa panukalang 2020 budget, ipinaalala ni Angara na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya kung mapalalakas ang export. Sinabi ni Angara na bagama’t isa ang Pilipinas sa fastest growing economies sa Asya, patuloy namang bumababa ang exports. Isa aniya sa posibleng gawin ay ang magpokus sa mga innovation sa iba’t ibang rehiyon upang maging kaakit-akit ang produkto…

Read More

HONTIVEROS: FAELDON SINUNGALING, SIBAKIN!

(NI NOEL ABUEL) SAPAT na ang mga dahilang natuklasan na may kinalaman si Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon sa pagpapalaya sa ilang Chinese drug lords at sa tangkang pagpapalaya kay dating Caluan mayor Antonio Sanchez para sibakin at kasuhan ito sa korte. Ito ang iginiit ng isang senador kasabay ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na sa Bucor si Faeldon na hindi na pinagkakatiwalaan ng taumbayan. Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na base sa naglabasang ulat, si Faeldon ang lumagda sa release order ni Sanchez na…

Read More

JULIA BARRETTO MAGLILIPAT-BAHAY NA

SA kanyang Instagram post kahapon, ibinahagi ni Julia na maglilipat-bahay na siya: “I went to do a little shopping since I am already moving into my new home.” Nilinaw niya rin na hindi siya lalayo sa mommy Marjorie niya: “I will only transfer a few steps away from my mom’s house. My mom is my bestest friend and my number one source of strength. Though she has raised me to be independent and brave, I still don’t see any reason why I should be far away from her. Kailangan ko pa…

Read More

PAGIGING MAGALANG: KULTURANG PINOY

MAGALANG

MANO PO Tradisyon na sa mga Filipino ang pagmamano. Isa itong kaugalian bilang paggalang, pagbati o pagkilala sa mas nakatatanda sa atin katulad sa mga magulang, mga lolo at lola, mga tiyo at tiya, sa mga ninong at ninang. Ang kaugaliang ito ay ipinapakita rin sa mga pari ng mga simbahan, mga ibang lider ng isang organisasyon. Minsan pa nga kahit ang nakatatanda lalo na ang mga lolo at lola na hindi naman talaga kaano-ano ay binibigyan din natin ng paggalang na ito. Ito ay gawi kung saan kinukuha natin…

Read More

DEPORTASYON NG 4 PINALAYANG CHINESE, PIPIGILIN

guevarra12

(NI HARVEY PEREZ) IPINAPIPIGIL ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa  Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon ng apat na Chinese convict sa kasong drug  na pinalaya sa  New Bilibid Prison(NBP) dahil sa   Good Conduct Time Allowance . Ayon kay Guevarra, mananatiling naka hold ang apat na  Chinese  hanggang makumpleto ng  joint committee, ang 10 araw na gagawing pagrebisa sa  rules at guidelines ng  Republic Act No. 10592,  ang batas na nag-amyenda sa  probisyon ng Revised Penal Code sa time allowances and credit para sa preventive imprisonment. Kaugnay nito, kinumpirma  ni…

Read More

SPHINX INTERNATIONAL GROUP, TINATAWAGAN NG PANSIN; BANTAY OFW HELP CENTER, ILULUNSAD NA

AKO OFW

Isang sumbong ang aking natanggap sa pamamagitan ng ating Bantay OFW Mobile Apps na kung saan ang ating kabayani na si Geraldine Ortillo na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia ay humihingi ng tulong. Ayon sa salaysay ni Ortillo, mahigit limang buwan na siyang hindi binabayaran ng kanyang sweldo. Malapit na rin siyang umuwi ng Pilipinas at nababahala na siyang tuluyan na pauwiin na hindi bayad ang kanyang pinaghirapan. Ang problemang ito ni Ortilla ay nagmula pa nang siya ay unang dumating sa kanyang employer at tila nakagawiian na diumano ng…

Read More