MAGPAPATUPAD ng road closure at rerouting scheme ang Manila Police District-Traffic Enforcement Unit sa araw ng Sabado at Linggo dahil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan sa lungsod ng Maynila. Sa Enero 18 at19 ay ipatutupad ang nasabing pansamantalang pagsasara ng ilang kalye upang bigyang-daan ang mga parada at prusisyon na idaraos para sa naturang relihiyosong okasyon. Batay sa ipinalabas na dalawang traffic advisory ng MPD-TEU, nabatid na dakong 11:00 ng tanghali sa Sabado, Enero 18, ay pansamantala nilang isasarado ang mga kalsada ng Jesus/Nagtahan,…
Read MoreMonth: January 2020
SAN BEDA BINOKYA ANG LETRAN
BLINANGKO ng San Beda ang Letran, 13-0 sa 95th NCAA men’s football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium. Umatake si Rosi Sumudivila sa 11th, 38th at 54th minute para sa Red Booters na nakatuon sa paghablot ng kanilang ika-22 titulo. Habang umiskor si reigning MVP Jessie Semblante (15th, 66th minute), magkasunod na goal ang sinipa ni Kenneth Payosalan (56th, 59th) at si Maurice Humol (90th) ay umiskor sa second half stoppage. Nagsumite rin ng goal sina Christopher Villanueva (first half stoppage time), Keith Edulan (51st), Miguel Pasion (58th) at Reinhard…
Read MoreBONGBONG MARCOS NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA TAAL VICTIMS
NAGSAGAWA si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng relief operations sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Tuy sa lalawigan ng Batangas nitong Huwebes ng umaga. Kabilang sa tumanggap ng relief goods na ibinahagi ng dating senador ang 214 residente sa Luntal Elementary School sa Barangay Luntal; 230 residente sa Lumbangan-Talon Elementary School sa Brgy. Lumbangan. Nakinabang din sa donasyong tulong ng dating senador ang 175 indibidwal sa Talon Barangay Hall sa Brgy. Talon, 184 residente sa Palincaro Barangay Hall sa Brgy. Palincaro/Malibu. Ikinatuwa rin ng 306 residente ang…
Read MoreGINEBRA, 2019 GOVERNOR’S CUP KINGS
GAYA nang inaasahan, hindi na pinahaba ng Barangay Ginebra ang serye kontra Meralco Bolts at kinuha ang Governor’s Cup crown, 105-93, Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena. Ito ang ika-12 overall titles ng Gin Kings at ikatlo sa Governors’ Cup sa loob ng apat na taon para kay Jus-tin Brownlee. At lahat nang ito’y laban sa Meralco ni coach Norman Black. Nagsumite si Brownlee ng 24 points, 10 assists at 7 rebounds, habang si Stanley Pringle ay nagdagdag ng 17 points at 8 assists sa kanyang kauna-unahang PBA…
Read MorePINOY RIDER, PAPADYAK PARA SA CHINESE TEAM
PAPADYAK para sa isang Chinese team ang Philippine cycling member na si Dominic Perez. Ang 25-anyos na si Perez ay kinuha ng Team SSIOS Miogee, isang Chinese Continental Team. Dahil walang representative ang Pilipinas sa 25ht edtion ng Le Tour de Langkawi na gaganapin sa Malaysia, nagpasya si Perez na tanggapin ang alok ng Miogee. Kabilang sa mga makakasama niya sa nasabing team sina Le Tour de Filipinas champion Jeroen Meijers, isa pang Dutch na si Andre Looij, Georgious Bouglas ng Greece, Fabricio Ferrari ng Uruguay at Edgar Nieto ng…
Read MorePAG-ASA SA PNP TOP POST, LUMALABO KAY CASCOLAN
SI Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ay isa sa tatlong kandidato upang maging hepe ng Philippine National Police (PNP). Ang dalawa pa ay ang “mistah’ niya sa Philippine Military Academy (PMA) ‘86 na si Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na sa ngayon ay officer-in- charge ng PNP at si Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo, hepe ng PNP directorial staff. Si Eleazar ay miyembro ng PMA class ‘87. Nanganganib na masilat si Cascolan na maging PNP chief kapag nasilip ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang naging…
Read MorePAGSASAMANTALA SA KALAMIDAD LAGI NA LANG
TUWING may kalamidad na nangyayari sa ating bansa, ang laging kabuntot na problema ng mga biktima ay ang pagsasamantala ng mga tiwali at gahamang negosyante. Laging nagkakaroon ng overpricing sa mga produktong kailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagsasamantalang ginawa ng mga nagtitinda ng N95 face masks makaraang pumutok noong Linggo ang Bulkang Taal. Wala tayong ideya kung magkano talaga ang retail price ng isang N95 face mask pero mismo ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nagsasabi na mayroong overpricing sa kanilang isinagawang test buy. Alam…
Read MoreLEGENDARY ANG PAGIGING CHARITABLE NINA DINGDONG, LUIS AT ALDEN
Kung minsan talaga, hindi mo masisisi ang mga artistang napipikon sa mga basher. Lahat ng gawin nila hinahanapan ng mali. Ilan sa mga artista na tutoong matulungin at aware sa mga nagaganap ay sila Dingdong Dantes, Luis Manzano at Alden Richards. Tunay at galing sa puso ang pagtulong nila, hindi nila ipinag-iingay, hindi sinasabi sa media pero alam mo na kumikilos sila para tumulong. Mula’t sapul sa umpisa pa lang ng career nila, nandun na sa puso nila ang pagmamahal sa less fortunate. Mababalitaan mo na lang na may natulungan…
Read MoreALEX ENGAGED NA KAY MIKEE
Bukod sa pagsabog ng Bulkang Taal, masasabing big news ang recent engagement ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, ang social media star, singer-actress-comedienne at celebrity endorser na si Alex Gonzaga at ng fiancé na nito ngayon, ang businessman-politician na si Mikee Morada. Inihayag nina Alex at Mikee ang kanilang engagement sa ika-32nd birthday mismo ni Alex last Thursday, January 16 sa get-together ng kanilang respective families and close friends na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel. Bukod sa engaged couple and their respective families, nag-aabot din ng pagbati sa dalawa ang…
Read More