VILLAR, HAHARANGIN SA WATER SERVICE

Rep Arlene Brosas-5

IPINASASARA ng isang mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso ang “pintuan” para kay dating Senate President Manny Villar kaugnay sa water distribution service  sa Metro Manila sakali man at bawiin ang kontrata mula sa Manila Water at Maynilad. Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, bagama’t suportado ng kanilang grupo ang pagbawi sa kontrata mula sa dalawang water concessionaires, hindi maiwasang mangamba sila na ililipat lamang ito sa ibang negosyante tulad ni Villar, may-ari ng Prime Water. Kaya naman, hinamon ni Brosas si Pangulong Rodrigo Durete na rebyuhin, rebisahin at…

Read More

REV-ANCHOR PAMALIT SA REV-GOV

PUNA

POSIBLE raw ipalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Revolutionary Ancestral Honor Recognition (Rev-AncHoR) sa Revolutionary Government (Rev-Gov) sa ilalim ng 1899 Constitution. Sinabi ito ni Atty. Melchor Magdamo sa inyong lingkod nang siya ay kapanayamin kaugnay sa revolutionary government. Sa paliwanag ni Atty. Magdamo, ang 1899 Constitution na tinawag Revolutionary Constitution ay ginawa ng mga tunay na Pilipino na namuhunan at nagbigas ng sariling dugo at pawis upang mapagtagumpayan ng lahi ni Juan dela Cruz ang pagtatatag nito. Ayon sa ating kaibigang manananggol, kailangan lang daw ni Pangulong Duterte na…

Read More

GAMBOA BAGONG PNP CHIEF

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa bilang sunod na hepe ng PNP. “We have the PNP chief. I’m going to appoint you as the regular PNP. But you, Secretary Año and I will have a long, long talk first,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa Pasasalamat Gathering For Eagles SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City. Hinangaan ng Pangulo ang ipinakita sa kanyang katapatan ni Gamboa. “Pinakita mo sa akin ‘yung sincerity mo. I’d…

Read More

LASON AT HINDI PATABA

FOR THE FLAG

PINAG-IINGAT natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagtatanim at pag-aani ng talong at mais. Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na magdagdagan ang kanilang kita ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim. Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng ­kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan…

Read More

DISASTER AWARENESS, CLIMATE CHANGE ITURO

Lapid-Rodriguez

ISANG panukalang batas ang inihain ni Sen. Manuel “Lito” Lapid na nagnanais na maituro sa mga paaralan – elementarta at sekondarya, ang  disaster awareness at disaster mitigation upang mamulat ang kabataan sa peligro ng kalamidad. Sa Senate Bill No. 1140, nais ni ni Lapid na isama sa kurikula ng elementarya at sekondarya ang pagtuturo ng natural at man-made disaster upang magkaroon ng kaalamanan ang kabataan sa disaster preparedness. Malaki ang paniwala ni Lapid na mahalaga para sa kabataang Filipino na magkaroon sila ng sapat na kahandaan sa kalamidad na maaaring…

Read More

VOTERS’ REGISTRATION SINUSPINDE NG COMELEC SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG BULKANG TAAL

comelec

IPINAG-UTOS ng Commission on Elections ang pagsuspinde sa voters’ registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal kasama na rin ang ilang lugar sa Palawan at Cotabato. Inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang pagsuspinde sa pangkalahatang  pagpapatala ng mga botante na dapat ay magsisimula ng Lunes, Enero 20, 2020 at matatapos sa Setyembre 20, 2021. Bunga ng pagsabing ng taal, suspendido ang pagpaparehistro sa ilang lugar sa Cavite at Batangas na lubhang apektado ng ashfall na nasa loob ng 14km danger zone tulad ng Agoncillo, Alitagtag,…

Read More

JANE, NANGUNGUTANG NOON PARA MAY MAKAIN

Ngayong buwan ay nakatakda nang simulan ang shooting ng pelikulang ‘Darna’ na pagbibidahan ni Jane de Leon. Ilang taon na ring pinakaaabangan ng mga manonood ang bagong proyekto. Sobrang excited na ng dalaga lalo pa’t nakita na rin daw nito ang costume design ni Darna na kanyang gagamitin. “No’ng pinakita po sa akin ‘yung costume, pina-check lang sa akin kung gusto ko, or any suggestions, ganyan. Pero siyempre sa Mars Ravelo family pa rin nakasalalay ‘yung huling sagot natin diyan,” nakangiting pahayag ni Jane.  Puspusan na ang ginagawang training ng…

Read More

‘WAG SANA MAKAAPEKTO SA D’ NINANG NI AI AI ANG FRUSTRATED HOMICIDE NI JIRO

Haynakoh, kung kailan ipalalabas na ang Regal movie ni Ai Ai de las Alas na D’ Ninang, saka naman inaresto si Jiro Manio sa kasong pananaksak o frustrated homicide sa Marikina. Porke tinulungan noon ni Ai Ai si Jiro sa pagpapa-rehab, ayan at nababanggit sa tuwi-tuwina ang Comedy Concert Queen. 27-anyos na si Jiro. Kung makipagsapakan man iyan, pam-barangay na usapin iyan. Pero iyong manaksak ka… ibang usapan na iyan. Huwag naman sanang makaapekto sa bagong movie ni Ai Ai itong ginawa ni Jiro, ‘no?! SA NETFLIX MAY EKSENANG HOMOEROTIC…

Read More

11 PBA, 13 AMATEUR PASOK SA GILAS POOL

GILAS POOL

LABING-ISANG PBA players ang kasama sa 13 amateur standouts sa Gilas Pilipinas pool para sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan. Ang 11 ay sina NLEX’s Kiefer Ravena, Barangay Ginebra San Miguel’s Japeth Aguilar, TNT KaTropa’s Roger Pogoy, Troy Rosario and Ray Parks Jr., NorthPort’s Christian Standhardinger at Columbian’s CJ Perez. Kasali rin sa pool sina Phoenix Pulse’s Matthew Wright, NLEX’s Poy Erram, Blackwater’s Mac Belo at Magnolia’s Marc Pingris, na huling nakasama sa Gilas noong 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament. Kasama naman sa…

Read More