SAYANG ang “Murang Kuryente Act” kung hindi pa ito maipapatupad simula ngayong buwan bunga dahil sa kabagalan ng Department of Finance (DOF) at Department of Energy (DOE) na tapusin at ilabas ang implementing rules and regulation (IRR) ng nasabing batas. Alam naman nina DOF Secretary Carlos Dominguez III at DOE Secretary Alfonso Cusi na hindi maaaring ipatupad ang batas kung wala itong IRR. Noong Nobyembre 27 o 90 araw matapos maging ganap na batas ang Murang Kuryente Act ay dapat nagsimula na ang implementasyon ng batas na ito. Kaya, noong…
Read MoreMonth: January 2020
MANILA WATER, MAYNILAD P119.5-B ANG TUBO
Binira ng consumers group dahil pinagkakitaan ang pribatisasyon (Ni: NELSON S. BADILLA) NANAWAGAN kahapon ang isang samahan ng mga consumer at dalawang organisasyon ng mga manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko na ang distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan, sapagkat pumabor lamang ito sa mga water concessionaire. Sa eksklusibong panayam kay Rodolfo “RJ” Javellana, pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), idiniin nitong “palpak ang pribatisasyon” ng distribyusyon ng tubig sa NCR at mga karatig lalawigan, sapagkat pinagkakitaan lamang ng Manila Water…
Read MoreMGA FILIPINO BA KAYO?
HANGGANG kailan kaya magiging makatao ang mga negosyante sa ating bansa, ka-saksi?? Talaga bang walang mga puso ang mga lintang negosyanteng ito na kahit nasa hindi magandang kalagayan ang ating mga kababayan tulang nang mga nagsilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal ay wala pa ring iniisip kundi ang kumita? Sana, mabago naman ang pananaw ng mga negosyanteng ito dahil buhay, kaligtasan at kalusugan ng ating mga bababayan ang nakataya sa pangyayari. Sobra ang pagiging suwapang ng mga mangangalakal na ito kasi yung P30 hanggang P35 na face mask ay…
Read MorePAYO NG DOH SA PUBLIKO KAPAG NAGKAUBUSAN NG MASK: DIAPER, PANTY, BRA GAMITIN
PINAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang mga Filipino na maging creative o malikhain sakali at hindi nakabili ng N95 o iba pang face surgical mask na panlaban sa ash falls mula sa Bulkang Taal sa pamamagitan ng ilang gamit na nasa bahay mismo tulad ng bra at diaper. Sa isinagawang press briefing ng Laging Handa team sa New Executive Building (NEB) Malakanyang ay sinabi ni DOH Asec. Maria Francia Laxamana na ang isa pang substitute o pamalit sa N95 mask ay magmistulang ninja. Ang gagawin lamang aniya ay balutin …
Read MoreWALANG PORK
BONGANG-BONGGA ang pasok ng taong 2020 sa ating bansa dahil sa wakas, unang linggo pa lang ng Enero ay ganap ng isang batas ang 2020 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P4.1 Trilyon na buong-buong pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang budget at walang na-veto kahit isang kusing. Malayong-malayo ito sa nangyari noong nakaraang taon kung saan kalagitnaan na ng Abril napirmahan ni PRRD ang 2019 pambansang badyet at may na-veto pang – ‘insertions’ na umaabot sa P95.3 bilyon. Ang super delay na budget ng 2019 ay naging dahilan…
Read MoreTAAL UPDATE: BAHAY, HAYOP NALIBING SA ISLA
TUMAMBAD sa mga rescuer ang mga hayop at bahay na nalibing sa abo kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Matapos bahagyang humupa ang pagbuga ng Taal Volcano kahapon, lakas-loob na pinasok ng mga rescuer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Volcano Island sa layong makapagsalba ng mga nalabi pang buhay na hayop sa isla. Kasabay ng mga rescuer na nagtungo sa isla ang ilang kalalakihang residente na nagnanais pang makapagsalba ng naiwang ari-arian. Subalit tumambad sa kanila ang nakapanlulumong larawan ng isla na dating tirahan ng nasa 5,000 mga…
Read More2020 PNG SA MAYO
ISASAGAWA ang taunang 2020 Philippine National Games (PNG) sa Mayo, limang buwan matapos ang 30th Southeast Asian Games kung saan tinanghal na overall champion ang bansa. Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram, ang “national open” ay bukas sa lahat ng national sports associations (NSAs), upang mapanatiling nasa tamang kondisyon ang mga atleta. Ang PNG, na inorganisa ng PSC, ay isang daan din upang maipakita ng mga atleta na karapat-dapat silang mapabilang sa training pool ng pambanang koponan. “It has been our policy that all national…
Read MoreISDA LALASUNIN NG SULFURIC ASHFALL
NANAWAGAN si Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa Batangas Provincial Goverment at sa Department of Agriculture na agad maibigay ang ilang porsiyento ng calamity funds at Quick Response Funds para sa agarang tulong sa mga magsasakang biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. Sa ngayon, ayon kay Rep. Cabatbat, umaabot na sa 200,000 ng mga kababayan natin sa Batangas ang apektado at kailangang lumikas. Pero ilan doon ang magsasaka na iniwan hindi lang ang bahay kundi ang kabuhayan nila. “Masaya tayo sa report ng DA na walang malaking perwisyo ang naidulot…
Read MoreSUNOG SUMIKLAB SA KAPUSO NETWORK
NASUNOG ang bahagi ng compound sa loob ng GMA 7 Network sa Kamuning sa lungsod ng Quezon nitong Martes. Sa report ng Quezon City Fire Bureau, unang sumiklab ang sunog sa loob ng isang canteen sa Kapuso compound. Alas-11:31 ng umaga nang magsimula ang apoy na agad itinaas sa unang alarma. Ngunit agad namang itong naapula alas-11:45 ng umaga. Inaalam pa kung ano ang naging dahilan nang pagsiklab ng apoy sa canteen. Pinalabas ang mga empleyado ng GMA network habang inaapula ng sunog. (JG TUMBADO) 513
Read More