WATER SERVICE KAY VILLAR MAS LALALA

Ariel Casilao

(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang mas mahal, lalong lalala ang serbisyo kapag ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaalyadong si dating Senate President Manny Villar ang water distribution service sa Metro Manila. Ito ang babala ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na tutol na ipasa sa pribadong kumpanya ang water service distribution kapag hindi kinagat ng Manila Water at Maynilad ang bagong water contract na binuo ng mga economic manager ni Duterte. Hindi isinasantabi ng dating mambabatas ang posibilidad na ibibigay ni Duterte sa Prime Water Infrastructure Corp., na…

Read More

LENI PANG-FAKE NEWS

FOR THE FLAG

Para kay Leni Robredo ay 1% lamang umano ang epekto ng war on drugs ng pamahalaan. Ngayon sino naman ang maniniwala sa kanya? Anong nangyari sa milyon-milyong sumuko  sa pamahalaan? Ano na ang libo-libong naka-graduate sa mga rehabilitation center? Ano na ang bilyon-bilyong pisong nakumpiskang ilegal na droga? Ano na ang mga druglord, drug pusher at drug user na napaghuhuli ng awtoridad? Ano na ang bumukas na kooperasyon ng iba’t ibang bansa ukol sa mga international syndicate ng droga? Mukhang naging bulag at bingi na ang bise presidente. Sa katunayan,…

Read More

TATLONG BAYAN MAGMIMISTULANG ‘GHOST TOWN’ SA PAGPUTOK NG BULKANG TAAL

Phivolcs Director Renato Solidum-2

POSIBLENG maging ‘ghost town’ ang tatlong bayan sa paligid ng bulkang Taal sa Batangas kasunod ng pagsabog nito kahapon ng tanghali matapos ang sunud-sunod na paglindol at pagbuga ng usok. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, dakong alas-11 ng umaga nang dumami ang naitalang volcanic earthquakes kasabay ng pagtaas ng tinatawag na steaming activities sa crater nito. Umabot aniya ng isang kilometro ang taas ng pagsabog o phreatic eruption kaya’t minabuti nang itaas ang Alert Level 3 sa bulkang Taal. Inirekomenda rin ng Phivolcs ang paglilikas sa mga residente sa…

Read More

PAGLABAN SA NAGBABADYANG KRISIS SA SUPPLY NG TUBIG

Sa Ganang Akin

HABANG ang lahat ay nakatutok sa kontrobersiyang dala ng mga Concession Agreement (CA) ng Maynilad Water Services, Inc. at ng Manila Water Co., isang matinding krisis naman ang pinaghahandaan ng dalawang nasabing kumpanya. Bunsod nang nananati¬ling kritikal na lebel ng Angat Dam ay nanganganib na makaranas ng malubhang kakulangan sa supply ng tubig ang Metro Manila kasama ang ilang mga lugar sa Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan. Tinatayang nasa bilang na 16.5 milyong konsyumer ang maaaring tamaan ng nakaambang na krisis sa supply ng tubig sa bansa. Sa kasalukuyan, 97%…

Read More

CARDINAL TAGLE GAMIT SA SCAM

SCAM ALERT-3

GINAGAMIT umano ng sindikato sa kanilang multi-million donation scam ang pangalan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para makapangalap ng pera sa pamamagitan ng text messaging. Nabulgar sa publiko ang modus operandi ng sindikato  matapos na maglabas ng babala ang ilang telecommunication company sa bansa  na nagsasabing huwag maniwala sa text na nanghihingi ng donasyon para kay Cardinal Tagle sapagkat iyon ay ‘scam’. Sa mensahe ng Globe at TM sa milyon-milyon nilang subscriber, nilinaw nito na modus at peke ang donation drive na kumakalat sa pamamagitan ng text message.…

Read More

SERENA WILLIAMS KAMPEON ULIT

SERENA WILLIAMS-3

IBINIGAY ni Australian Open champion Serena Williams ang napanalunang prize money sa Australian bushfire victims. Maliban sa $NZ65,000, dinoneyt din ni Williams sa auction para pa rin sa Australian bushfire relief ang may signature na damit na isinuot niya sa unang round ng WTA Auckland Classic. Matapos ang tatlong taon na paghihintay ay muling nagkampeon sa WTA si Williams nang talunin sa Auckland finals si Jessica Pegula 6-3, 6-4. Target ng 38-anyos na tournament top seed na mapantayan ang record ni Margaret Court na 24 Grand Slam titles sa Melbourne…

Read More

900 PULIS SA BANSA, OBESE – PNP

NASA 900 na pulis sa bansa ang ikinukonsiderang obese o “hebigat” ang kanilang pangangatawan. Ito ang lumabas sa datos ng pambansang pulisya, pero ayon sa tagapagsalita na si Police Brigadier General Bernard Banac, maliit na porsyento lamang ito sa kabuuan ng kanilang hanay. Sa katunayan ani Banac, limampu’t apat na porsyento umano ng kanilang personnel ang mayroong normal na timbang. Habang nasa tatlumpu’t anim na porsyento naman aniya ang mga overweight o lumagpas sa tamang timbang na akma para sa kanilang height o taas. Kaugnay nito ay patuloy umano ang…

Read More

SCALAWAG COPS TARGET NI AÑO

Secretary Eduardo Año-4

NANGAKO si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na tutugisin ang lahat ng mga tiwaling pulis na sangkot sa korapsyon at malawakang bentahan ng droga  sa bansa. Sinabi ng kalihim na maibabalik lamang nila ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa Philippine National Police kung mawawalis nilang lahat hanggang sa kahuli-hulihan ang mga police scalawag. Ayon pa kay Año,  “The PNP is really doing good in its campaign against illegal drugs and criminality. Unfortunately may kaunting sumisira ng imahe at ito ang tatanggalin natin.” Ginawa…

Read More

SPECIAL TREATMENT KAY PAROJINOG

Vice Mayor Nova Princess Parojinog

PNP Custodial Center kinuwestyon (Ni: NELSON S. BADILLA) PINAGPAPALIWANAG ng korte ang warden ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center at mga abogado ng detenidong si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog matapos matuklasang nakalabas ito ng piitan noong Nobyembre, 2018. Pansamantala umanong pinalabas ang kontrobersiyal na dating Ozamiz City vice mayor noong Nobyembre 12, 2018 para dalawin ang kapatid na nakakulong sa Camp Bagong Diwa. Nililitis sa Quezon City Regional Trial Court ang kaso ni Parojinog hinggil sa ilegal na droga at ilegal na pagtangan ng baril, samantalang…

Read More