MISTERYOSONG VIRUS BINABANTAYAN

duque21

IPINAG-UTOS ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III sa Bureau of Quarantine na higpitan ang kanilang ginagawang monitoring sa international airports sa  mga pumapasok sa bansa upang hindi makapasok ang misteryong sakit na kumakalat sa bansang China. Gayunman, sinabi ni Duque na nananatiling ligtas ang Pilipinas mula sa misteryosong virus na namiminsala sa isang lungsod sa China sapagkat wala pang natukoy ang BoQ na hinihinalang kaso na may kinalaman sa naturang mysterious virus. Ayon kay Duque,  may nakahanda silang sistema upang agarang matugunan ang sakit sakaling may matukoy…

Read More

LADY BLAZERS PANALO SA LADY ALTAS

NCAA 95a

BUMIDA ang mga newcomer ng College of Saint Benilde sa kanilang debut game sa NCAA Season 95 women’s volleyball noong Biyernes sa Arena, San Juan City kung saan tinalo nila ang University of Perpetual Help, 25-17, 14-25, 25-17, 25-20. Naging susi sa panalo ng Lady Blazers sina Gayle Pascual na galing sa University of Santos Tomas, at rookie Mycah Go mula sa Hope Christian High School. Nagpakawala si Pascual ng 14 kills sa kabuuang 15 points sa kanyang NCAA debut para sa Lady Blazers, habang si Go ay nagdagdag ng…

Read More

FAJARDO PASOK PA RIN SA GILAS

June Mar Fajardo

NILINAW ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na kasama pa rin sa Gilas Pilipinas si June Mar Fajardo. Ayon sa SBP, hindi totoong tanggal na bilang miyembro ng Gilas ang five-time PBA Most Valuable Player. Matatandaan na maraming fans ang nadismaya at nagalit sa hindi pagkakasama ng pangalan ng San Miguel big man sa 24-man players na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers. Ngunit katwiran ni SBP president Al S. Panlilio, sa Asia Cup qualifiers lang hindi kasama si Fajardo. Dagdag pa ni Panlilio, nais lamang nilang magpahinga ng matagal…

Read More

1ST BATCH NG REPATRIATED OFW’S PARATING NGAYON

Defense Department Spokesman Director Arsenio Andolong

NGAYON araw ng Linggo inaasahang darating ang unang batch ng  overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Iraq na pinabalik sa bansa dahil sa patuloy na iringan ng bansang Iran at Estados Unidos. Ayon kay Defense Department Spokesman Director Arsenio Andolong,  nanatiling naka- alerto ang DND dahil sa nakaamba pa ring panganib sa buhay ng libo-libong OFW’s  matapos itaas sa maximum ang security level sa bansang Kuwait simula Enero 9, 2020. Nabatid  na ang unang batch  na mare-repatriate ay nasa Philippine Embassy sa Baghdad na dadalhin muna sa Doha sa Qatar…

Read More

PINAS, HOST NG 3rd BADMINTON ASIA 

Badminton

IPINAGKATIWALA sa bansa ng Badminton Asia ang hosting ng 3rd Badminton Asia Team Championships na gaganapin sa Pebrero 11 hanggang 16 sa Rizal Memorial Coliseum. Ayon kay  Badminton Asia chief operating officer Chit Boon Saw, ito ay dahil sa nakikita niyang pagsigla ng sport sa Pilipinas. “I think the Philippines is one of the fastest developing nations in badminton. And it is good to bring an event like this in a developing badminton country,” wika ni Saw. Unang naging host ang bansa ng Asian Championships noong 2001. “The game can…

Read More

DFA KAKALAMPAGIN NG ANAKBAYAN

ANAKBAYAN

MAGSASAGAWA ng kilos protesta ang grupong Anakbayan sa harapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard, Pasay City upang kalampagin ang gobyerno sa kawalang proteksyon sa  overseas Filipino workers (OFWs)  sa  Gitnang Silangan at iba pang parte ng Asya. Ang gagawing rally ay kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu bilang Middle East envoy. “The United States’ terror tactics in West Asia have been putting innocent lives in danger, including Filipino overseas workers,” ani Alex Danday, Anakbayan…

Read More

CP SNATCHING VS. GEN. BATHAN

SEC AÑO-GEN BATHAN

IPINAG-UTOS ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police  ang pagsisiyasat  sa mga napa-ulat na pang-aabuso ng mga pulis  noong traslacion ng Pooong Itim na Nazareno kabilang na ang  pang-aagaw ng cellphone ng isang heneral sa isang TV reporter. Ang kautusan sa imbestigasyon ay ipinasa ni Año kay PNP Officer-In-Charge Lieutenant General Archie Gamboa dahil ang pangyayari ay kaugnay sa kauna-unahang pangangasiwa ng PNP sa isinagawang Translacion ng Black Nazarene. Sinabi ni Año na nanghihinayang siya sa magandang resulta ng Traslacion na pinangasiwaan ng pulisya at…

Read More

MERALCO VS GINEBRA: TOSS COIN SA GAME 3

BOLTS-GIN

WALANG tulak-kabigin sa PBA Governor’s Cup finals trilogy ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra kaya’t masasabing anybody’s ballgame ang Game 3 ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Ganap na alas-6:30 magsisimula ang ikatlo sa best-of-seven series ng dalalawang koponan na sa ngayon ay kapwa may 1-1 kartada. Unang inangkin ng Gin Kings ang Game 1, 91-87, noong Enero 7. Pero agad nakabawi ang Meralco sa Game 2 noong Biyernes sa Quezon Convention Center sa Lucena. Nagkaalaman lamang ng nanalo sa huling mga segundo ng laro kung saan nakaungos ang Bolts…

Read More

‘TAX FREE OT PAY’ NAPAPANAHON – FFW

FFW

SOLIDO ang suporta ng tatlong malalaking alyansa ng mga unyon ng mga manggagawa sa bansa  kaugnay sa panukalang batas ni Senador Ralph Recto na magtatanggal sa buwis sa bayad sa mga manggagawang nag-over time sa trabaho. Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW), “napapanahon at makabuluhan” ang panukalang batas ni Recto. Ang pahayag ni Matula ay reaksyon ng FFW sa Senate Bill No. 601 ni Recto na mag-aamiyenda sa Seksiyon 32 (B) (7) ng National Internal Revenue Code of 1997 upang walang ibabawas na…

Read More