IKINATUWA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-downgrade sa alert level sa Middle East dahil nangangahulugang hindi magkakaroon ng evacuation sa overseas Filipino workers (OFWs) lalo na sa Iran at Lebanon. Gayunpaman, sinabi ni Makati Rep. Luis Campos Jr., hindi dapat tuluyan nang itiklop ang evacuation plan at patuloy pa ring bantayan ang situwasyon sa Gitnang Silangan. “We support the downgrading of alert level while keeping in place a ready evacuation plan,” ani Campos. Magugunita na noong Miyerkules ay itinaas ng gobyerno sa alert level 4 ang situwasyon sa Middle…
Read MoreMonth: January 2020
P1M VALENTINES 10-BALL OPEN CHAMPIONSHIP
HINDI lang pamboksing at pang-basketball si Senador Manny Pacquiao kundi pang-billiards na rin siya. Katunayan ay pangungunahan niya ang P1 Million Valentines 10-ball Open Championship na gaganapin sa Bacolod City, Negros Occidental simula Pebrero 3 hanggang 14. Ang naturang torneo ay hatid ng Manny Pacquiao Promotions sa pamamahala nina tournament organizerMary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano. Ipatutupad ang double knockout format sa torneo na lalahukan nina 2017 World Pool champion Carlo Biado, 2015 Manny Pacquiao (MP) 10-ball champion Jericho Bañares, former All Japan winner Lee Van Corteza, Johann…
Read MoreSILVER PLAY BUTTON AGAD SI KATHRYN SA KANYANG UNANG VLOG
SWAK: Kasabay ng pagpasok ng taong 2020, sinimulan ni Kathryn ang vlog niya sa You Tube at ilang oras lang kaagad na nagkaroon na ito ng 100 thousand subscribers. Kaya unang post pa lang niya, nakatanggap na siya agad ng Silver Play Button mula sa You Tube. Kaya na-inspire si Kathryn na mag-post uli ng ilan niyang experience sa kanyang vlog. Ang tanong ng mga fans, may ipu-post kaya siya nung nag-shoot sila ni Alden Richards sa Hongkong? Matataypan daw kaya ito ni Daniel Padilla? KC IPINAGTANGGOL NI GABBY SEE:…
Read MoreMALAKANYANG NAKIRAMAY SA PAGPANAW NG SULTAN NG OMAN
LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang pagpanaw ng Sultan ng Oman na si Sultan Qaboos bin Said. “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte expresses his sincere condolences and offers his fervent prayers to the government and people of the Sultanate of Oman as they mourn their beloved leader,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Sinabi ni Panelo na para sa Malakanyang, si Sultan Qaboos ay “man of vision and foresight” kung saan ay ginawa nitong makabago at matatag ang kanyang bansa simula nang maupo siya noong…
Read MoreDAR HINIKAYAT ANG DA EMPLOYEES: MAGING PRODUKTIBO
Maririnig sa Filipino folk song na “magtanim ay ‘di biro ‘ ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay. Sabi sa awitin, dahil maghapong nakayuko ang mga magsasaka, hindi ang mga ito makaupo at hindi rin makatayo. Kaya naman sinabihan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang kanyang mga tauhan na maging produktibo sa kanilang trabaho. Ayon kay Dar, kailangang ililis ng mga mga empleyado ng kanyang tanggapan ang manggas ng kanilang mga barong at uniporme upang mas mahusay na magampanan ng mga ito ang…
Read MoreKONTRATA NG WATER FIRMS IPAPASA SA CRONIES?
(Ni: NELSON S. BADILLA) IBINUNYAG ng isa sa mga malaking samahan ng mga manggagawang Filipino ang pinaniniwalaan nitong ‘masamang plano’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbira sa dalawang kumpanyang may kontrol sa negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan. Ayon kay Leody de Guzman, tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), malaki ang kanilang duda na kaya binibira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korporasyong hawak ng mga Ayala at Pangilinan ay para agawin at ibigay sa kanyang mga malapit na kaibigan o cronies.…
Read MoreFIBA WINDOWS BILANG “PINTO”
PASOK na ang Pilipinas maging ang Indonesia at Japan sa 2023 FIBA World Cup championship dahil sa pagiging host nga mga ito ng nasabing basketball event. Ang tatlong bansa ay nagsanib puwersa at nanalo sa isang bidding upang maging hosts ng quadrennial basketball conclave kung saan ang Pilipinas ang tatayong main host. Tiyak man sila sa World Cup, sasabak pa din ang mga ito sa sinasabing “Qualifying Windows” o ang Home and Away Games na kahit na mabokya sa panalo ang tatlong bansa, pasok pa din sila sa 2023 World…
Read MoreDOMINIC: ‘WE ALMOST SEPARATED…WE ARE NOT PERFECT!’
Noong nakaraang taon ay muntikan nang magkahiwalay sina Dominic Ochoa at ang make-up artist na si Denise Go. Nagkaroon umano nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa kaya nakaranas nang matinding pagsubok ang kanilang relasyon. “I ran for the office and after that we almost separated because of miscommunication which is nangyayari. Akala natin okay tayo but right there and then, noong last rally namin doon kami nag-away, doon kami naghiwalay, parang boom! Tapos hindi ka pa nanalo, parang mabigat. Pero at the end of the day, it’s all communication.…
Read MoreMARK SINGER PAR EXCELLENCE
Gusto ko iyon magiging concert na 1 for 3 nila Mark Bautista, Aicelle Santos at Christian Bautista. Tatlo sila na iba-iba ang range ng boses at talents kaya talaga ngang complete concert na matatawag ito. Isa sa pinaka-paborito kong singer si Mark Bautista dahil ang lamig ng boses at buong-buo. Iyon rendition niya ng When I Fall In Love, ang ganda-ganda, very soothing ang dating at para bang ang roma-romantic. Isang bagay pa napakabait at professional ni Mark na lalo pang nakadaragdag sa appeal niya as a singer. Very respectful…
Read More