GIRIAN SA CLEARING OPS

MANILA CLEARING OPS

Winalis na sagabal sa Traslacion, nagbalikan MUNTIK mauwi sa gulo ang clearing operations ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Manila City Hall sa ilang lugar na daraanan ng Traslacion ngayong Huwebes nang pumalag ang ilang residente. Kahapon ng umaga ay muling nilinis ng mga tauhan ng city hall at pulisya ang ilang kalsada matapos magbalikan ang mga binaklas na obstructions kamakailan kabilang ang mga vendor. Unang sinuyod ng mga miyembro ng Hawkers ng Manila City Hall ang paligid ng Quiapo Church kung saan nasita ang mga bumalik…

Read More

DEPENSA NG MERALCO ‘DI UMUBRA SA GINEBRA

GINEBRA-6

IT takes two to tango. Ganito rin sa basketball kung saan pinatunayan ng Barangay Ginebra na hindi sila mapipigilan ng depensa lang ng Meralco Bolts. “Ginebra does a good job clogging the paint defensively. They want you to shoot from the outside. Normally, we do a very good job of shooting at the high percentage. But today, we did not,” wika ni Meralco coach Norman Black makaraan ang Game 1 nila ng Ginebra. “I thought that hurt us a great deal. Even if we had some open looks, we just…

Read More

PANIWALA NG MAYORYANG PINOY, AYON SA SWS:  PNP TOTOONG MAY NINJA COPS

NINJA COPS

MARAMI pa rin sa mga Filipino o 78% ang naniniwalang mayroong tinatawag na “ninja cops” sa Philippine National Police (PNP). Bahagi ito ng resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) simula noong Disyembre 13 hanggang 16 ng nakaraang taon. Ang ninja cops ay ang mga pulis na sinasabing nagbebenta ng mga nasamsam na ilegal na droga mula sa mga nakumpiska sa bawat operasyon nito. Sa nasabing survey, pitong porsyento ang hindi naniniwala sa akusasyon habang 15 na porsyento naman ang “undecided” o walang maisagot sa usapin. Samantala, aabot…

Read More

160 PEDOPHILES BLACKLISTED SA PINAS

Bureau of Immigration-3

HINDI na pinahihintulutang makapasok sa bansa ang 160 foreign sex offenders, ayon sa kautusan ng Bureau of Immigration (BI). Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI port operations division chief Grifton Medina, sinabi niya na ang nasabing bilang ng registered sex offenders (RSOs) ay blacklisted na sa bansa mula noong isang taon. Ayon sa opisyal, bahagyang mas mataas ang bilang nito kumpara noong 2018 na may 145 aliens lamang. Ang RSO ay ang mga dayuhan na nasentensiyahan ng sex crime sa kanilang bansa o nakalabas lamang sa kulungan…

Read More

SHARON SA PELIKULA, MARYA SA TV

judy ann santos-maricel soriano

Una na nating naibalita rito  na gagawa ang megastar Sharon Cuneta ng apat hanggang limang pelikula raw. Hindi naman siguro isiisiksik lahat ito sa iisang taon. Basta ang unang pelikula ay tampok silang mag-ina ni Frankie Pangilinan ay nakatakdang ipalabas sa Mothers’ Day. Kung ang Megastar ay tutok sa pelikula, ang Diamond Star naman ay sa TV magcoconcentrate. Nabalitaan natin na kasama siya sa bagong teleserye na papalit sa “Kadenang Bulaklak” na nakatakdang magtapos sa February. Nakaka-excite ito dahil nakatakdang makasama ng Diamond Star ang pawang magagaling at premyadong mga…

Read More

REP. VELASCO APRUB SA DRUG WAR NI DUTERTE

REP VELASCO-3

Ama isinabit ni De Lima sa ilegal na droga (PFI Reportorial Team) IPINAGTANGGOL ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte Administration sa harap ng pagbatikos dito ni Vice President Leni Robredo. Katwiran ni Velasco, 79% ng Pinoy ang satisfied sa anti-drug campaign batay na rin sa Social Weather Station (SWS) survey. Banggit pa ng kongresista, mula nang ilunsad ang drug war noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security. Sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)…

Read More

HIRIT NI MARCOS SA PET: BOTO SA MINDANAO IPAWALANG BISA

BONGBONG MARCOS-3

(Ni: NELSON S. BADILLA) DAPAT ipawalang bisa ng Korte Suprema ang mga boto sa tatlong lalawigan sa Mindanao noong 2016, sapagkat dinaya ng kampo ni dating Rep. Ma. Leonora “Leni” Robredo ang halalan sa maraming presinto sa tatlong lalawigan sa nabanggit na isla upang manalong pangalawang pangulo ng bansa. Ito ang layunin ng inihaing memorandum ni Marcos nitong Lunes na humihiling sa mataas na korte na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET) na magkaroon ng “teknikal na pag-aaral” sa mga lagda ng mga botante ng Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan…

Read More

PINAS, BUKAS SA IRAN ATTACK?

Rep Ferdinand Gaite-2

Sa pagpayag ni PDu30 na maging ‘transit’ ng Kano – solon (BERNARD TAGUINOD) HINDI maiwasang pag-initan ng Iran ang Pilipinas dahil papayagan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing “transit” ng mga Amerikanong sundalo ang bansa kapag nauwi sa giyera ang tensyon sa Gitnang Silangan. Mistulang naguluhan din si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil habang umaapela si Duterte sa Iran na protekhan ang mga Filipino sa kanilang bansa, ay papayagan nito ang Amerika na gamitin ang Pilipinas bilang kanilang transit point. “This is a conflicting policy statement by…

Read More

JUDAY: ‘NAPAPAGOD ANG TAO SA MAHAHABANG TELESERYE!’

JUDY ANN SANTOS-2

Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Tatlong buwan lamang sa ere ang naturang programa. Ayon kay Juday ay sadyang isang season lamang ang kanilang napagkasunduan ng pamunuan ng ABS-CBN nang ialok ang proyekto sa kanya. “When they presented Starla to me, talagang one season lang siya. At that time kasi, masyado nang napapagod ang mga tao sa mahahabang teleserye,” nakangiting kwento ni Judy Ann. Para sa Young Superstar ay posible pa naman nilang pahabain ang istorya ng Starla pero talagang kinakailangan na rin…

Read More