EX-MAYOR PATAY SA AMBUSH

SULTAN Kudarat – Blangko pa ang mga awtoridad hinggil sa posibleng motibo sa pananambang na ikinamatay ng dating alkalde na naging bise-gobernador, makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang minamaneho ang kanyang truck, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Rolly Recinto, residente ng Purok Inamnama, Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat. Batay as report ng Sultan Kudarat Police Station, bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa national highway ng Brgy. Bilumen, Lambayong, Sultan Kudarat. Lumabas sa paunang imbetigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi…

Read More

“It’s true. Time heals all wounds”–Pops Fernandez

Bago ko ikuwento ang nasakaihan namin sa press con ng Pops Fernandez-Martin Nievera show na Two-Gether Again! sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21, 2020 na gaganapin sa Theatre ng Solaire, gusto namin i-congratulate ang lay-out artist natin na si Gerry Roman for winning one of the major prizes ng press con na yon kahapon na ginanap sa West Avenue Suites, Quezon City  Napaluha si Pops sa Q&A. Pati mga followers namin sa Facebook ay napaluha rin nang napanood ang video. Say ng ex-misis ni Martin :…

Read More

SPILL OVER BINABANTAYAN

Lt Gen Felimon Santos Jr

Palasyo, AFP nakatutok sa US-Iran tensions BINABANTAYAN ng Malakanyang at pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng paglawak ng tensyong namamagitan sa Amerika at Iran. Kasabay nito ang pag-alerto ng AFP sa kanilang Defense and Military Attaches sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan. Tiniyak ni Armed Forces chief of staff Lt. Gen. Felimon T. Santos, Jr. na nakahanda ang Hukbong Sandatahan sa posibilidad na kumalat pa sa ibang mga bansa sa Middle East ang tumitinding tensiyon sa pagitan ng US at Iran. Ayon kay Santos, mahigpit…

Read More

PARKING OPERATORS DAPAT MANAGOT

Rep Eric Yap

KAILANGANG magkaroon  ng pananagutan ang mga parking operator sa bansa lalo na sa mga mall kapag ninakawan ang kanilang mga kostumer dahil hindi naman libre ang pagparada sa kanila. Ang aksyon ng Kongreso ay bunsod ng pambibiktima ng basag kotse kamakalawa ng gabi kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa loob ng SM Centerpoint sa Sta. Mesa, Manila kung saan ninakaw ang mahahalagang gamit nito tulad ng pera, laptop, alahas, ATM cards at IDs. “Maghahain tayo ng panukala sa Kongreso upang tiyakin na mapapanagot kayo sa mga pangyayaring gaya nito.…

Read More

KAMPANYA KONTRA POLIO PINALAWIG HANGGANG ABRIL

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) ang mga karagdagang rounds ng Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) sa lahat ng rehiyon sa Mindanao at National Capital Region, kung saan tatagal ang kampanya hanggang Abril 2020 sa layong makamit ang 95% coverage sa lahat ng identified areas para matiyak na walang hindi mababakunahang bata. Para sa NCR, dalawang karagdagang rounds ang nakatakda sa Enero 27 hanggang Pebrero 7, at Marso 9 hanggang 20. Para sa Mindanao, isang “limited response round” ang idaraos sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga City, Isabela City at Lambayong,…

Read More

SAGABAL SA DARAANAN NG TRASLACION, WINALIS

iskomoreno44

PUSPUSAN na ang paglilinis sa lungsod ng Maynila para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Huwebes (Enero 9). Kaugnay nito, aalisin ng mga law enforcement ang lahat ng obstruction sa kalsada tulad ng mga nakaparadang sasakyan pati na rin ang mga vendor sa lahat ng kalsadang daraanan ng Traslacion, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno. “Nananawagan tayo na iyong mga itinakdang daraanan ng Poong Nazareno ay kailangan ma-clear of all types of obstruction. Pag sinabing obstruction, hindi lang sasakyan pati ho mga vendor,” ani Isko sa isang panayam. Ipinaalala…

Read More

ANGKAS, PAG-AARI NG DAYUHAN

angkas12

Posibleng madiskwalipika sa paglabag sa batas (Ni: NELSON S. BADILLA) POSIBLENG matanggal ang Angkas bilang pampublikong transportasyong motorcycle taxi dahil sa tahasang paglabag sa batas na nagbabawal sa mga dayuhang negosyante na magkaroon ng higit 40 porsiyentong pag-aari ng sapi sa isang kumpanya sa bansa. Ngunit, ang tuluyang pagtanggal at pagdiskwalipika sa Angkas ay nakasalalay kay Transportation Secretary Arthur Tugade alinsunod sa nadiskubre ng Department of Transportation – Technical Working Group (TWG). Ang TWG na pinamumunuan ni Antonio Gariola Jr. ay inaprubahan ng Kongreso para siyang mamahala sa “pilot run”…

Read More

“MIRACLE” NI AGA, KAKAYANING MAG-600M

Pelikula nila ni Vice, Extended Pa! As the MMFF came to a close yesterday, walang pagtatanggi na ang biggest winner ay hindi si Aga o Vice kundi – (as what Vice said) , tiba-tiba si Boss Vic ng Viva. Viva kasi ang nag-co-produce ng “The Mall, The Merrier” with Vice Ganda and Anne Curtis at kasosyo naman nila si Aga sa “Miracle In Cell # 7.” There are certain things to be learned from the box office results of films shown sa MMFF. 1. Naghahanap na ang mga tao ng…

Read More

P200K KUSH, LIQUID MARIJUANA ‘DI NAKALUSOT SA CAIDTF AT PDEA

BOC-NAIA-4

(Ni JOEL AMONGO) AABOT sa P200,000 halaga ng kush weeds at liquid marijuana ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency sa Pasay City noong Lunes. Nakadeklarang isang pares ng sapatos at tsokolate ang laman ng parcel subalit nang isailalim sa eksaminasyon ay natuklasang apat na pakete ng hinihinalang kush weeds at 10 cartridge ng liquid marijuana. Nabatid na ang parcel na ilegal na droga ang nakalagay ay naka-consigne sa isang indibidwal na mula sa Sampaloc, Manila. Siniyasat ng CAIDTF at…

Read More