(NI NOEL ABUEL) HINDI dapat ituon lamang ng gobyerno ang contingency plan nito para mailikas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Iran at Iraq kung patuloy na lumala ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Ito ang sinabi ngayon ni Senador Imee Marcos sa harap ng banta ng Iran na gagantihan nito ang Amerika at mga kaalyado nitong bansa sa Middle East bunsod ng pagkakapatay sa top military leader nito na si Qasem Soleimani sa isinagawang US air strike noong Biyernes sa Baghdad, Iraq. “Hindi…
Read MoreMonth: January 2020
TAX-FREE OVERTIME PAY IGINIIT SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINUHAY ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panukala nito na gawing tax- free ang overtime pay ng mga government at private sector workers. Sa panukala ni Recto, nais nitong amyendahan ang tax code upang maisama sa mga tax-exempt items ang overtime pay. Aminado ang mambabatas na magdudulot ito ng kabawasan sa kita ng gobyerno subalit mas maraming income naman anya ang matatanggap ng mga manggagawa na kinalaunan ay gagamitin nila sa panggastos. “This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate…
Read MoreDOH DOBLE-INGAT SA MISTERYOSONG SAKIT
DOBLENG pag-iingat ang ginagawa ng Department of Health laban sa mga biyahero mula China kung saan isang sakit na misteryoso pa ang pinagmulan – na may sintomas ng pneumonia – ang tumama sa halos 60 katao. Gumagamit ang health officers sa airport ng thermal scanners sa mga pasaherong galing ng China, na kailangng sumailalim sa physical examination at quarantine kung may sinat, ubo at sipon ang mga ito, ayon kay DOH spokesperson at Undersecretary Eric Domingo. “Medyo doble-ingat lang naman po tayo. Basta po galing China, mas tutok lang ang…
Read More5.4 LINDOL YUMANIG SA DAVAO ORIENTAL
NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang southern province ng Davao Oriental, madaling araw ng Lunes kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 72 kilometers southeast ng Governor Generoso town, ayon pa sa Phivolcs. May lalim na 50 kilometers, ang lindol ay naramdaman na ‘parang may nagdaan na mga truck’, ayon kay Governor Generoso. Habang inaasahan ang aftershocks, hindi naman ito makalilikha ng pinsala. Noong Disyembre, niyanig ng 6.9 magnitude quake ang katabing Davao del Sur na ikinasawi ng 11 katao…
Read MorePAGTAKAS NG MGA AMPATUAN POSIBLE – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinaisantabi ni Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang posibilidad na tatakas ang mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre lalo na si Zaldy Ampatuan. Ginawa ni Mangudadatu ang pangamba matapos muling hilingin ni Zaldy sa Korte na payagan siyang sumailalim sa therapy, rehabilitation at medication matapos umano itong ma-stroke. Sinabi ng kongresista na hindi siya tutol sa pagpapagamot ni Zaldy subalit kailangang mag-ingat umano ang Korte dahil kapag nakatakas umano ito ay mahirap na itong mahuli. “My 10-year court battle with this family showed me how devious and…
Read More2019 BOC COLLECTION TUMAAS
(ni JO CALIM) UMABOT sa labindalawang (12) porsiyento ang itinaas ng koleksyon ng Bureau of Customs (BoC) para sa taong 2019 kumpara sa nalikom nito noong dalawang magkasunod na nakaraang taon (2017 at 2018). Umabot sa P670 bilyon ang target collection ng BoC noong 2019 na 12% na mas mataas sa P598 bilyon noong 2018 at nakalikom ang BoC sa kanilang target collection ng P481 bilyon noong 2017. Sa isinagawang panel discussion ng Tax Management Association of the Philippines-general membership meeting kamakailan, sinabi ni BoC Deputy Commissioner Edward Dy Buco …
Read MoreWSC 2020 MAY TRIBUTE KAY RAY ALEXANDER
(NI DENNIS IÑIGO) MAGSISIMULA na naman ang pinakaaabangang “Olympics of Sabong” o World Slasher Cup 2020 ngayong buwan. Ang taunang 9-cock invitational international derby ay papagaspas sa Enero 20 hanggang 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, bagong rebranded na Araneta City sa QC. Sa taong ito, maliban sa tagisan ng mga pinakamahuhusay na local at international fowl fighters at cockers sa ruweba, bibigyan din ng tribute ang kinikilalang legendary gamefowl breeder na si Ray Alexander. Si Alexander na namayapa noong Hulyo 2019 sa edad na 82 ay isa sa nagpasimula…
Read MoreBOC NAGLABAS NG SARILING BERSYON NG ‘‘CUSTOMS 101”
LAYONG madaling masundan ng kanilang stakeholders at partners ang mga kalakaran sa Aduana, minabuti ng Bureau of Customs na magpalabas ng kanilang bersyon ng “Customs 101”. Sinabi ni BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na panuntunan ay mapapadali na ang computation ng duties and taxes ng items na ipinadadala sa pamamagitan ng express shipment. “Customs 101 has been created to make it easy for businessmen into export and import to compute the cost of their shipment,” ayon kay Guerrero. “This is aside from the truth…
Read More113 EKTARYANG KAGUBATAN MASISIRA SA KALIWA DAM
(NI BERNARD TAGUINOD) TINATAYANG aabot sa 113 ektaryang kagubatan ang masisira sa sandaling ituloy ng gobyerno ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam na popondohan ng China sa halagang P12.5 Billion. Ito ang napag-alaman sa Bayan Muna party-list group sa Kamara na mahalaga sa kalikasan lalo ngayong lumalala ang climate change, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. “The construction of the Kaliwa Low Dam will destroy 113 hectares of forest reserves within the already critical Kaliwa Watershed,” ayon kina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Eufemia Cullamat. Hindi pa…
Read More