(SAKSI NEWS TEAM) HINDI pa man gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng University of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO workers, na nababahala sila sa sitwasyon at ngayon pa lamang ay nangangamba nang mawalan ng trabaho. “Sa mga nangyayari ngayon at sa mga nababasa mo, nakakatakot na baka isang araw magising ka na lang na wala ka na palang mapapasukan kasi ipinasara na,” pahayag ni Virmel Villareal, 31, nagtatrabaho sa Synnex-Concentrix, isang BPO…
Read MoreMonth: January 2020
PRODU-DIRECTOR KUMITA NG LIMPAK-LIMPAK
Gumastos ang movie producer na si Atty. Joji Alonso ng P3.5M para sa (K)AMPON na nag-first shooting day na. Bida sina Kris Aquino at Gabby Concepcion sa nasabing film project. Naligwak sa MMFF 2019 ang nasabing horror project, kaya hindi na natuloy ang shooting niyon. In-invest na lang ni Atty. Joji ang pera niya sa pelikulang The Panti Sisters, na kumita ng limpak-limpak sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino. Blessing-in-disguise na na-shelve ang (K)AMPON. FIESTA SA KATAWANG LUPA NI MARCO SA NETFLIX Nasa Netflix na ang hit movie na Just…
Read More30% NG MAGMA HINDI LALABAS SA BITAK – PHIVOLCS
AABOT pa rin sa tatlumpung (30) porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng malaking at mapanganib na pagsabog ang Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sinabi ni PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum Jr., mayroong namo-monitor na bagong magma sa ilalim ng main crater ng bulkan bagaman wala ng usok at bumababa na rin ang mga naitalang volcanic quakes. Ani Solidum, kahit 30-porsiyento na lang ang tinatawag na probability nang pagsabog, mataas pa rin ang antas ng bantang ito lalo na sa mga nasa loob ng…
Read MoreMIKA REYES, TUMALON SA STA LUCIA
TIYAK na mas palabang Sta. Lucia Lady Realtors ang mapapanood sa 2020 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix matapos nilang kunin ang serbisyo ng middle blocker na si Mika Reyes. Ang 25-anyos na si Reyes ay five-time PSL champion at isa sa key players ng Petron Blaze Spikers. Inaasahang malaki ang maitutulong ng pagdating niya sa Sta Lucia, na hindi pa nananalo nang sumali sa liga noong 2017. Hanggang eighth-place finish lang ang naabot ng Lady Realtors sa import-flavored conference na magsisimula sa susunod na buwan. Isang malaking challenge naman para…
Read MoreKATHRYN: ‘MEDYO PRIVATE KAMI AS A COUPLE!’
Malaki ang pasasalamat ni Kathryn Bernardo sa lahat ng tagahanga at netizens na nag-subscribe na sa kanyang sariling YouTube channel na ‘Everyday Kath.’ Kahit dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang simulan ng aktres ang naturang channel ay mayroon na itong mahigit isang milyong subscribers. Nakatanggap na rin ng ‘Silver Play Button’ o parangal mula sa pamunuan ng YouTube si Kathryn. “Oo nga eh, kinikilig nga ako eh. Kasi siyempre sobrang baguhan ako sa mundo na ‘yan,” nakangiting bungad ni Kathryn. Ayon sa aktres ay talagang naisipan niyang magkaroon ng…
Read MoreMGA PINOY ININSULTO NG IBON FOUNDATION
MALINAW na pang-iinsulto sa mga Filipino ang naging pahayag ng iBON Foundation at ng ilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon na umanoy nabibigyan lamang daw ng maling datos o impormasyon ang publiko kayat nakakuha ng +72 points o excellent net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ng Social Weather Stations bago matapos ang 2019. Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, matalino at marunong kumilatis at mag-analisa ang mga Filipino hinggil sa kung ano at alin ang totoo at maling impormasyon na kanilang natatanggap. Ayon kay Andanar, mas mainam na…
Read MoreMAMASAPANO PROBE IKAKASA MULI
BUBUKSAN muli ni Senador Richard Gordon ang imbestigasyon sa Mamasapano clash matapos ipawalang-bisa ng Sandiganbayan ang kasong graft at usurpation laban kina dating PNP Chief Alan Purisima at Special Action Force (SADF) chief Getulio Napenas. Sa panayam, sinabi ni Gordon na masyado siyang nadismaya sa desisyon ng Sandiganbayan na pinawalang-sala sina Purisima at Napenas kaya’t kanyang kakausapin si Senador Grace Poe na buksan muli ang imbestigasyon. “I’m severely disappointed, I am totally devastated by it. Mamasapano is one of the great injustices of our time. We sent people who are…
Read MoreMAGMA NG BULKANG TAAL NASA BUNGANGA NA
MALABO pang kumalma ang bulkang Taal sa Batangas mula sa nalalapit na pagsabog nito. Ito ang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na bagamat hindi nila batid kung kailan ang nakatakdang pinaka malakas na pagputok ng bulkan ay nakasisiguro silang hindi pa ito ligtas dahil nakitaan na ito ng magma sa bunganga nito. “This is a dilemma kung paano natin iinterpret ‘yung nakapondo na magma na dumaan sa mga nagkabitak bitak na lupa sa bulkan,” pahayag ni Mariton Bornas, ang hepe ng Volcano Monitoring and Eruption…
Read MoreABAP SUPORTADO NG POC
2020 Olympic qualifiers pinalilipat KASABAY ng pulong na isasagawa ng International Olympic Committee (IOC) hinggil sa isyu ng bagong coronavirus sa China, sinuportahan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang suhestyon ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na ilipat sa Pilipinas ang torneong nakatakdang gawin sa Wuhan, China. Ang nabanggit na siyudad sa China ay host ng Tokyo 2020 Olympic boxing qualifers para sa Asia at Oceania sa Pebrero 3-14. Kinumpirma ng China’s National Health Commission kahapon ang 291 kaso ng pneumonia-like virus. Sa Wuhan nagsimula ang virus…
Read More