ABS-CBN FRANCHISE INUPUAN NG 4 NA SPEAKER NG KAMARA

INUPUAN ng Speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso sa nakaraang tatlong Kongreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, unang inihain ni dating Isabela Rep. Giorgiddi Agabao ang House Bill (HB) 4997 noong 16th Congress, panahon ni dating House Speaker Feliciano Belmonte Jr., para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Ini-refer ito ng House committee on rules sa Franchise committee na pinamumunuan ni dating Marikina at ngayo’y Mayor Marcelino Teodoro noong Setyembre 9, 2014 subalit hindi inaksyunan hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino.…

Read More

PAYO NG MALAKANYANG, ABS-CBN DUMULOG SA KONGRESO

PINAYUHAN ng Malakanyang ang pamunuan ng ABS-CBN na dumulog sa Kongreso para sa kanilang legislative franchise renewal to operate. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, wala na sa kamay ng Executive department ang kapangyarihan ng pag-iisyu ng prangkisa. Aniya, may session ang Kongreso kaya marapat lamang na samantalahin ng ABS-CBN ang pagla-lobby sa mga mambabatas para mapag-usapan at maaksyunan ang kanilang prangkisa na nakabinbin sa Kongreso. Sinabi pa ni Sec. Roque na maling ibunton ang sisi kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hindi pagkaka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN dahil ito…

Read More

ABS-CBN SIGN OFF, DRAMA PARA SA SIMPATYA?

HINDI isinasantabi ng isang dating mambabatas sa Kamara na posibleng ‘drama” lang ng ABS-CBN ang agarang pagsasara ng mga ito matapos matanggap ang cease and desist order (CDO) mula sa National Telecommunication Commission (NTC) upang makahakot ng simpatiya at suporta sa publiko. Sa kondisyong huwag siyang pangalanan, sinabi ng dating mambabatas na hindi kinakailangang magsara ang ABS-CBN dahil maaari nilang iapela ang CDO ng NTC kung ginusto nila. “Nagtaka nga ako bakit sila nag-sign off agad. Puwede naman iapela yung CDO at habang naka-pending ang appeal, puwede nilang ituloy ang…

Read More

Pagsasara ng ABS-CBN KASALANAN NI CAYETANO

IGINIIT kahapon ng isang mambabatas na “kasalanan” ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pagsasara ng ABS-CBN Broadcasting Corporation nitong Mayo 5. Sa pagtumbok na ito ni BUHAY party-list Rep. Jose “Lito” Atienza Jr., idiniin din niya na ang kapwa niya mambabatas na si Speaker Alan Peter Cayetano ang siyang pangunahing salarin sa pagpapatigil ng telebisyon at radyo ng ABS-CBN sa lahat ng panig ng bansa. Nagpasya ang National Telecommunications Commission (NTC) na mag-isyu ng “cease and desist order” laban sa kumpanyang kontrolado ng pamilya Lopez dahil wala itong “valid Congressional…

Read More

Kung isyu ng press freedom ang ABS-CBN shutdown BAKIT DI KAYO NOON NAG-INGAY? -DEFENSOR

Mga ‘hugas-kamay’ sa Kongreso binuweltahan PINALAGAN ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pagkampi ng ilang kasamahan nila sa Kamara sa paninisi ni Solicitor General Jose Calida kaya nag-sign off ang ABS-CBN. “Frankly, I am baffled by this sentiment,” ani Defensor. Kabilang sa mga mambabatas na nanisi sa liderato ni House Speaker Alan Cayetano si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na nagsabing “Kasalanan namin ito. This is the failure of Congress to do its job. But I will say it squarely now: kasalanan ni Speaker Cayetano po ito”. “In the…

Read More

POGOs, OBLIGAHIN SA GAMING EMPLOYMENT LICENSE O GEL IDs

IGINIIT ni House Ways and Means committee chairman Albay Rep. Joey Salceda sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na obligahin na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na magkaroon ng Gaming Employment License o GEL ID ang kanilang mga dayuhang empleyado. Sinabi ito ni Salceda sa harap ng inaasahang pagbabalik-operasyon ng POGO sa gitna ng COVID-19 pandemic. Paliwanag ng kongresista, makatutulong ang GEL ID para madaling matukoy ng gobyerno ang mga lehitimong POGO at may kakayahang magbayad ng tamang buwis. Sa GEL ID na ibibigay ng PAGCOR sa bawat…

Read More

Sa paghahabol sa SAP distribution deadline SOCIAL DISTANCING SA QC, PATULOY NA NALALABAG

DUMAGSA ang mga tao sa iba’t ibang barangay sa buong Quezon City dahil sa paghahabol ng lokal na pamahalaan sa itinakdang deadline ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash assistance na P5K-P8K mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kabilang sa mga barangay na dinagsa ng mga tao para kumuha ng kanilang ayuda mula sa SAP ay ang mga barangay ng Matandang Balara, Batasan, Pasong Tamo at iba pang lugar sa nasabing siyudad. Sa nabanggit na mga barangay, dahil…

Read More

19 REPATRIATED OFWs, POSITIBO SA COVID-19

TINATAYANG 19 na repatriated overseas Filipino workers (OFWs) ang nasuri na positibo sa COVID-19. Sinabi ni Carlito Galvez Jr., head of the National Task Force Against COVID-19 sa regular Laging Handa briefing na 2,100 OFWs na sapilitang umuwi dahil sa pandemic ang nasuri para sa COVID-19 nang dumating sa bansa. “So far, 19 po ang positive, and we are waiting for an official report from the Philippine Red Cross,” ayon kay Galvez. Aniya, ang mga quarantine facilities para sa mga magbabalik-bayan na OFWs ay halos puno na dahil 23,480 OFWs…

Read More

BAGONG SWABBING CENTER SA MAYNILA, BUKAS NA

BINUKSAN na ang bagong tayong swabbing center ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Maynila matapos itong inspeksyunin ng mga awtoridad kahapon. Ang Palacio De Manila tent na matatagpuan sa Roxas Boulevard at ginawang swabbing center ay binisita kahapon nina COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Health Secretary Francisco Duque III at Philippine Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia. Ang naturang pasilidad ay mayroong 65 specimen collection booths na itinayo para tiyakin ang proteksiyon ng health workers. Dito rin posibleng ma-detect ang mga pasyenteng may virus…

Read More