Balik-probinsya fake news BUS TERMINAL DINAGSA NG STRANDED PASSENGERS

LAGUNA – Dumagsa ang mahigit 100 pasahero sa bus station ng Jac Liner sa Brgy. Turbina, Calamba City, na nagnanais na makauwi sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa ulat, patuloy ang pagdating ng mga pasahero na gustong magbalik-probinsya sa Sorsogon, habang ipinaiiral ang enhanced community program. Kinukumpirma pa ng Public Order and Safety Office ng Calamba City ang nasabing impormasyon hinggil sa umano’y balik-probinsya program ng Sorsogon. Itinanggi naman ito ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Castilla sa Sorsogon, at binigyang-diin na walang katotohanan ang…

Read More

SARILING ULO PINASABOG NG PRESO 

CAMARINES Sur – Sabog ang utak ng isang preso makaraang paputukan ang kanyang sentido ng baril na kinuha niya sa isang jail guard, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Melchor Salire, 27-anyos, may kasong rape, nakakulong sa Millennium Tower Building, Provincial Jail and Penal Farm sa Brgy. Tinangis sa bayan ng Pili sa Camarines Sur. Batay sa report ng Camarines Sur Police Provincial Office, dakong alas-5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng naturang piitan. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, pinatong umano sa lamesa…

Read More

11 KATAO HULI SA PILAHAN NG DROGA 

CAVITE – Tinatayang mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska at 11 katao ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa kabila ng ipinaiiral na calibrated community lockdown sa Imus City sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong mga suspek na sina Rolando Herrera, 50; Robert Dennis Gamat, 44;  Eduardo Herrera, 57;  Ediel Baltazar Jr., 38;  Robert Buhat, 30; Marvin Omer Tan, 37; Kevin Vergel, 30; Joseph Wilson Llarena, 46; Andres Lumuwas, 58; Nelson Cabisares, 38; Leopoldo Alvarez, 44, pawang mga…

Read More

NIRATRAT SA LAOT 1 PATAY, 2 MISSING

SULU – Lumutang na bangkay ang isang mangingisda sa dagat habang nawawala ang dalawa pa nitong kasama matapos silang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nasa karagatang sakop ng lalawigang ito. Kinilala ang napatay na biktimang si Crispin Manhuyod Cuer Sr., residente ng Brgy. Dumagoc, Pagadian City. Habang pinaghahanap naman dalawa niyang kasama na sina Nicanor Cuer at Joseph Delmiquez. Batay sa report ng Pagadian City-PNP, dakong alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa karagatang sakop ng Pangutaran, Sulu. Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang pitong mangingisda ng bangkang…

Read More

PUI NAGBIGTI  SA OSPITAL 

LUCENA – Nagpakamatay ang isang lalaking person under investigation (PUI) na naka-confine sa isang COVID-19 hospital sa Lucena City noong Lunes ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat ng Lucena PNP, nakita na lamang ng mga security guard ng Quezon Medical Center na nakabigti ang pasyente sa Room 2 ng QMC-PHILHEALTH San Lazaro ward ng nasabing ospital. Hindi naman pinapasok ng pamunuan ng ospital sa loob ang mga imbestigador dahil ang pinangyarihang ward umano ay ang pinagdadalhan ng mga suspected case ng COVID-19 sa probinsya. Sinabi ng mga security guard, sa…

Read More

Dapat bayaran hanggang Hunyo 2020 PHOENIX NI DENNIS UY MAY UTANG NA P30-B SA 11 BANGKO

MAHIGIT sa P30 billion ang utang ng Phoenix Petroleum na pag-aari ni businessman Dennis Uy sa 11 bangko na dapat niyang bayaran sa loob ng unang anim na buwan ng 2020. Ayon sa local website na bilyonaryo.com.ph, ang P30.167 billion na utang ng Phoenix ay mas mataas ng 40 percent sa P21.479 billion short-term loans ng kompanya noong 2019. Bago matapos ang taon, ang Phoenix ay may P20 billion pang utang na dapat bayaran. Dahil dito, umaabot sa P50 billion sa P64 billion na utang ng Phoenix ang depat bayarab…

Read More

63 CHINESE, 13 PINOY HULI SA NCRPO OPS VS ILLEGAL POGO SA MAKATI

UMABOT sa 63 na mga Chinese  at labing tatlong  Filipino ang nadakip sa operasyong pinamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa isang ilegal na kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Lungsod ng Makati umaga ng Miyerkoles. Ayon sa ulat ng Public Affairs Office (PIO) ng NCRPO, na pinamumunuan ni Major Britz Estadilla, hindi pumalag ang mga nahuling empleyado sa POGO company na pag-aari ng isang “Xiao Bao.” Bago magkaroon ng “enhanced community quarantine’ (ECQ) dulot ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19), marami nang…

Read More

SOLON SA DOH: MAGHANDA SA WORST CASE SCENARIO SA GCQ

PINAGHAHANDA ni Senador Sonny Angara ang Department of Health (DOH) sa posibleng worst case scenario sa sandaling alisin na ang enchanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Sa gitna ito ng pangamba ng senador sa posibilidad na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), mas marami ang lalabag sa quarantine rules. Isama anya rito ang posibilidad na marami ang hindi susunod sa social distancing, partikular sa public transportation. Sa ganitong senaryo anya posibleng tataas pa ang bilang ng mga tatamaan ng virus kaya’t dapat nakahanda ang DOH. Dapat anyang isaalang-alang…

Read More

MASS TESTING BAGO ANG MODIFIED ECQ

MALAKI ang posibilidad na magpatupad ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila (MM) kapag naisailalim na ng mga Local Government Unit (LGU) sa mass testing ang kanilang nasasakupan hanggang Mayo 15. Ayon kay National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na ipinatutupad na ang mass testing sa buong National Capital Region (NCR) kasama ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naka-quarantine sa MM. Sinabi ni Galvez, sa sandaling ma-identify na ang mga possible carrier ng COVID-19 at ma-isolate na ang mga ito ay magsasagawa ng rekomendasyon ang…

Read More