KRITIKAL umano ang isang dating pulis makaraang maka-engkuwentro ang mga pulis nang magtangkang takasan ang Quarantine Control Point sa Quezon City kaninang umaga.Natukoy ang mga suspek na ang mag-amang Joselito delos Santos, Sr. at Joselito, Jr., 24-anyos, kapwa residente ng Baesa, Caloocan City. Ayon kay QCPD Chief Police Brigadier General Ronnie Montejo, dating nakatalaga sa kanilang yunit at nasibak sa tungkulin nuong taong 2018 ang nakatatandang delos Santos habang estudyante sa Criminology ang anak nito. Batay sa paunang imrpomasyon ng Quezon City Police District (QCPD), unang pinigil sa checkpoint sa…
Read MoreMonth: May 2020
78 TESTING CENTERS TARGET NG GOBYERNO
PUNTIRYA ng gobyerno na umabot sa 78 testing centers sa buong bansa sa Mayo 30. Ayon kay BCDA President Vince Dizon na kung maaabot ang nasabing target ay kakayanin na ng pamahalaan na makapagsagawa ng 30 thousand test kada araw. Hanggang kahapon ani Dizon ay nasa 5,000 per day pa lamang ang nagagawang testing. At sa harap ng pagdaragdag ng mga testing center, sinabi ni Dizon na may pakikipag-ugnayan na silang ginagawa sa mga university para sa kakailanganin nilang volunteers. At maging si Executive Secretary Salvador Medialdea aniya ay nanawagan…
Read MoreDSWD umiiwas masisi 7.7M PAMILYA NGANGA PA SA AYUDA
IKINAIRITA sa Kamara ang tila paghuhugas-kamay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mabagal na distribusyon ng Social Amelioration fund sa mga mamamayan na apektado ng enhanced community quarantine. Ayon sa Makabayan bloc sa Kamara, hindi katanggap-tanggap na isisi lamang ng DSWD sa mga Local Government Unit (LGU) at maging sa beneficiaries kung bakit umaabot sa 7.7 milyong pamilya pa ang hindi nakakatanggap ng SAP. Ginawa ng nasabing grupo ang pahayag matapos lumabas sa ika-6 na report ng Malacañang na umaabot pa lamang sa 11.4 milyong pamilya ang…
Read MoreSolon sa pagpalag ng OFWs sa PhilHealth REPASUHIN ANG IRR NG UHC LAW
HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) sa ilalim ng RA No. 11223. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangang magsagawa ng panibagong pagsusuri ang DOH sa implementasyon ng UHC matapos pumalag ang overseas Filipino workers (OFWs) sa 3% kaltas sa sahod nila bilang pambayad sa premium contributions. “PhilHealth and DOH should immediately reassess and amend the IRR in close consultation with OFWs,” ayon kay Hontiveros nitong Martes sa harap ng paghihirap…
Read MoreInupuan noong panahon ni Noynoy ABS-CBN OFF AIR MUNA
IPINATITIGIL na ang operasyon ng ABS-CBN network kasunod ng napasong legislative franchise nito noong Lunes, Mayo 4. Nagpalabas kahapon ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na nag-aatas sa ABS-CBN para maipatigil ang operasyon nito. Sa apat na pahinang order ng NTC na pirmado ng commissioners nito sa pangunguna ni Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagpapaliwanag din ang media network sa loob ng 10 araw kung bakit hindi dapat ma-recall ang frequencies na iginawad dito dahil sa kawalan ng kinakailangang prangkisa na hinihingi ng batas. Kung mabibigong maghain ng…
Read MoreMga kukubra ng SAP aid dumagsa QC SABLAY NA NAMAN SA SOCIAL DISTANCING
TILA walang kadala-dala ang mga lokal na opisyal ng Quezon City dahil sa kabila ng mga batikos na inabot ng mga ito kamakailan sa kapalpakan sa pagtupad sa enhanced community quarantine protocols ay hindi pa rin nila ito nagawang iwasan. Base sa eksenang nakunan ng larawan ng Saksi Ngayon news team sa Barangay Commonwealth at Brgy. Culiat nitong Lunes hanggang madaling araw ng Martes, sablay na naman ang local government ng Quezon City sa ilalim ni Mayor Joy Belmonte na ipatupad ang social distancing. Dagsa ang mga residenteng gustong makakuha…
Read MoreBBM, COVID-19 FREE – RITM
MATAPOS ang dalawang serye ng kailangang pagsusuri sa coronavirus na nagpapakita ng negatibong resulta, idineklara ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na magaling at “COVID-19 free” na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Base sa mga opisyal na dokumentong pangkalusugan na inilabas ng RITM para sa ikalawa at huling pagsusuri na ginawa ng molecular biologists ng RITM noong Abril 29, 2020 at ipinalabas noong Mayo 3, 2020, negatibo mula sa coronavirus test ang dating senador. Ang unang negatibong resulta para kay BBM, na kusang inihiwalay ang sarili sa…
Read MoreCEASE AND DESIST ORDER VS ABS-CBN
IPINATITIGIL na ang operasyon ng ABS-CBN network kasunod ng napasong legislative franchise nito kahapon, Mayo 4. Nagpalabas ngayon ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na nag-aatas sa ABS-CBN para maipatigil ang operasyon nito. Sa apat na pahinang order ng NTC na pirmado ng commissioners nito sa pangunguna ni Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagpapaliwanag din ang media network sa loob ng 10 araw kung bakit hindi dapat ma-recall ang frequencies na iginawad dito dahil sa kawalan ng kinakailangang prangkisa na hinihingi ng batas. Kung mabibigong maghain ng tugon…
Read MoreBILANG NG COVID-19 CASES, BUMAGAL – PDUTERTE
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘relatively low’ na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Naniniwala kasi ang Chief Executive na nahihirapan ang virus na maka-survive sa mataas na temperatura na nararanasan ngayon sa bansa. “Come to think of it really, mababa ang ano (cases) natin. They said that itong coronang ito has a hard time surviving in a high temperature. So pagka gano’n, maybe that explains the reason why na hindi naman masyadong marami,” ayon sa Punong Ehekutibo. Sa ulat, ang Department of Health (DOH)…
Read More