NAKASALANG na para sa pagbubukas muli ng sesyon ng Kamara sa Lunes, Mayo 4, ang panukalang batas na layong bigyan ang maliliit na negosyo ng 6 months na moratorium o hindi muna pagbabayad ng mga utang at iba pang bayarin para makabangon mula sa krisis pinansyal dulot ng COVID-19 pandemic. Sa House Bill 6621 ni Congresswoman Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon Party- list, layon niyang masagip ang milyong manggagawa at maraming maliliit na negosyo sa buong bansa. Sakop ng bill ni Herrera ang “Non-Essential Businesses, MSMEs, and other debtors that…
Read MoreMonth: May 2020
Dahil sa bagong SC Order 3K PDLs NG BJMP, MAKALALAYA
TINIYAK kahapon ng tagapagsalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 3,000 persons deprived of liberty (PDLs) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang makalalaya dulot ng bagong desisyon ng Korte Suprema na bawasan ang taon ng pagkakakulong ng mga taong nakagawa ng krimeng mayroong parusang mababa sa anim na buwan hanggang 20 taon. Ayon kay Undersecretary Jonathan Malaya, aantayin na lang ng pamunuan ng BJMP ang “release order” ng mga lokal na korte kung saan nag-aplay ng maagang paglaya ang 3,000 PDLs ng BJMP…
Read MoreKAPALPAKAN SA SAP SISILIPIN SA SENADO
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Leila M. de Lima ang implementasyon ng emergency subsidy program ng pambansang gobyerno para tugunan ang krisis na dulot ng COVID-19. Noong Abril 27, inihain ni De Lima ang Senate Resolution (SR) No. 367 na layong tukuyin ang mga kalituhan at hinaing sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program, partikular na ang pamamahagi ng 200 bilyong pisong SAP fund para sa 18 milyong mahihirap na kabahayan na lubos na apektado ng krisis. “Milyon-milyon nating kababayan ang hindi pa rin nakatatanggap ng emergency subsidy. Anong petsa na? Isa’t kalahating…
Read MoreCOVID-19 CASES SA PINAS, HALOS 9K NA
SASAMPA na sa 9,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Base sa pinakahuling update ng Department of Health (DoH) ngayong araw, pumalo na sa 8,928 ang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa. Nadagdagan ito ng 156 sa nakalipas na 24-oras. Nakapagtala rin ng 24 namatay kaya may kabuuan na itong 603. Umakyat naman sa 40 ang nadagdag na recoveries ngayong araw at may kabuuan na itong 1,124. Kaugnay nito, nasa 3,401,318 na ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo. Ang 2,028,641 (98%)…
Read MoreECQ EXTENSION SA ALBAY AT ZAMBOANGA, OK SA IATF
PABOR ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagpapalawig o ekstensyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Albay at Zamboanga City. Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na depende pa rin kung aaprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Yes. Yesterday by the IATF,” ayon naman kay Department of the Interior and the Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing sa tanong kung inaprubahan ba ng IATF ang extension ng ECQ sa dalawang nasabing lugar. “‘Yung rekomendasyon ng IATF para…
Read MoreMAHIHIRAP NA PINOY NADAGDAGAN NG 16M
KUNG dati ay 5.4 milyong pamilya lang ang itinuturing na mahirap sa bansa, ngayon ay umaabot na ito ng 20 milyon pamilya o nadagdagan ng mahigit 16 milyon dahil sa coronavirus disease-2019. Sa virtual hearing ng House Defeat Covid-19 committee na pinamumunuan ni House majority leader Martin Romualdez, sinabi ni Leyte Rep. Lucy Torres Gomez na nadagdagan ng mahigit 16 milyon pamilya ang mahirap ngayon na tinawag niyang “newly poor families”. Ayon sa lady solon, bago ang COVID-19 pandemic, tanging ang pamilyang miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program…
Read MorePALASYO KUMAMBYO SA POGO
PINABULAANAN ng Malakanyang na may ibinibigay na favoritism ang pamahalaan sa hanay ng mga nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry kaya ito muling pinahintulutang mag-operate. Ito ang tiniyak ng Malakanyang kasunod ng pasya at pagkakasama sa guidelines ng IATF na maaari nang makapag-operate ang POGO sa mga GCQ area maging sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa iisang uri o klase lang naman ang POGO at ang Business Process Outsourcing o BPO na dati na namang kabilang sa exemption simula pa…
Read MoreSa mabilis na pagtukoy sa may COVID-19 1 BATALYONG TRACKER IKALAT
ISANG batalyon ng mga sinanay na “tracker” ang magiging susi sa paghinto ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa mga lugar na sumailalim mula sa enhanced community quarantine (ECQ) patungong general community quarantine (GCQ). Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay dahil maaari aniyang tumindi ang pagkalat ng virus sa mga isinailalim na sa GCQ. “Habang tumatagal, numinipis ang hanay ng ating health workers pati na ang ating mga taong inaasahan sa barangay. The first step once ECQ is lifted is to see to it that the LGU is ready and…
Read MoreMuling pagputok ng COVID-19 sa GCQ areas, posible POLICE FORCE, CHECKPOINTS DODOBLEHIN
MAGLALAGAY pa ng mas maraming mobile checkpoint ang Joint Task Force COVID Shield bukod sa pagpapaigting ng beat patrols sa mga lugar na inilagay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) para matiyak na susunod pa rin ang taumbayan sa mga itinakdang alintuntunin para maiwasan ang muling pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar. Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ipinag-utos ni Chief PNP General Archie Gamboa na lumikha ng mas mahigpit na security guidelines na susundin ng kapulisan sa GCQ areas at ilalim…
Read More