MAKARAANG mag-dive sa Ilog Pasig, bangkay na nang matagpuan noong Huwebes ng hapon ang isang 14-anyos na dalagita matapos magkayayaang maligo noong Lunes sa Sta. Ana, Manila, iniulat ng pulisya. Sa punerarya ay positibong kinilala ng mga kaanak ang biktimang si Sanica Bondoc, 14, estudyante at residente ng ND Valderama St., Barangay Bambang, Pasig City. Base sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang alas-4:30 ng hapon noong Huwebes nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa gilid ng Pasig River, malapit sa Alchemco Phil. Compound sa #2880 Lamayan St.…
Read MoreMonth: November 2020
66% PINOY PABOR SA COVID-19 VACCINE
IKINATUWA ng Malakanyang ang resulta ng inilabas na survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing 66% ng mga adult Filipino ang nagpahayag ng kagustuhang mabakunahan sila kontra COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, itinuturing nila itong isang indikasyon na mas maraming Pilipino ang patuloy na nagtitiwala pa rin sa vaccination program ng gobyerno. Sa kabila nito, umaasa ang pamahalaan na tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong nagnanais mabakunahan ng vaccine kontra corona virus. Ito’y sa gitna na rin ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lahat…
Read MoreDA MAY P25-B SUPLAY NG BIGAS, AYUDA SA MAGSASAKA
INIHAYAG ni Senador Cynthia A. Villar na ang dalawang rice program ng Department of Agriculture (DA) ay magpapalakas sa rice sufficiency ng bansa at magdadagdag sa kita ng mga magsasaka at iba pang stakeholder sa sektor ng agrikultura. Ang dalawang programang tinutukoy ni Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, ay ang National Rice Program at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). “The National Rice Program is one of the banner programs of the DA, which focused on rice farming under the Office of the Secretary. It has been…
Read MoreMAAYOS NA TRANSPORT SYSTEM, HIRIT NG PINOY
UMAASA ang mga Pilipino na mapalalakas pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagresolba sa isyu sa transportasyon, base sa ginawang pag-aaral ng technology-driven polling at data analytics company agency WR Numero Research. Base sa resulta ng pag-aaral ng WR Numero Research na may pamagat na “Public Transportation Amid a Pandemic: Digital Perceptions and Sentiments”, mayorya ng mga Pilipino ay hindi kuntento sa pagsisikap ng gobyerno na maresolba ang usapin sa transportasyon sa gitna ng national health situation. Sa survey, nasa 54 percent ng mga Pilipino ang hindi masaya at hindi…
Read MoreDICT BROADBAND PROJECT PINALALAANAN NG P18-B
ISINUSULONG sa Senado ang paglalaan ng P18 bilyong pondo para sa state-owned broadband network upang mapahusay ang kalidad ng internet sa bansa at palawakin ang sakop nito na magbibigay benipisyo sa mamamayan. Ito ang inihayag kahapon ni Senador Grace Poe. Sa deliberasyon ng badyet ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sinuportahan ni Poe ang kahilingan ng ahensiya na ibigay sa kanila ang P18 bilyon para makumpleto at mailatag na ang National Broadband Program, na pupunan ang kritikal na pangangailangan sa harap ng tumataas na demand sa connectivity at…
Read MoreDALAWANG ESTUDYANTE SA ISANG MODULE, IPATUTUPAD NG DEPED
KINUMPIRMA ni Senador Pia Cayetano na hindi na magiging one is to one ang self learning module sa bawat estudyante sa ikalawang quarter ng School year 2020-2021. Sa deliberasyon ng panukalang budget, sinabi ni Cayetano na batay sa paglalatag ng pondo ng Department of Education para sa susunod na taon, maghihiraman ang dalawang estudyante sa isang module. “For the first quarter the ratio is 1:1 but in the succeeding quarters it would be 1:2. What will happen is the modules will be returned, they will be disinfected and then they…
Read MoreVOUCHER SYSTEM PARA SA SENIOR HIGH SCHOOL, PINANGANGANGAMBAHANG MABITIN SA PONDO
NANGANGAMBA ang ilang senador na posibleng mabalam ang pag-aaral ng ilang senior high school students kung gigipitin ang pondo para sa voucher system sa budget ng Department of Education sa susunod na taon. Sa deliberasyon ng 2021 proposed budget, sinabi ni Senador Pia Cayetano, sponsor ng DepEd budget, na nasa 1.3 milyon ang benepisyaryo ng kasalukuyang voucher system na pinondohan ng 23.9 billion. Subalit sa proposed 2021 budget, nasa P13.7 billion lamang ang nakaprograma para pondohan habang ang P10 bilyon ay inilagay sa ilalim ng unprogrammed funds. Tulad ni Cayetano,…
Read MoreHUWAG IASA ANG LAHAT SA GOBYERNO
SUNOD-SUNOD na dagok ng trahedya ang naranasan ng ating bansa ngayong taong 2020. Kabilang dito ang pagsabog ng Bulkan Taal, pandemya dulot ng COVID-19, malakas na lindol, pagsalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol at karatig probinsiya at ang pinakahuli ay ang delubyong dulot ng bagyong Ulysses sa Luzon. Hindi biro ang mga trahedyang ito na halos magpadapa sa mga Local Government Units (LGU)at maging ng ating National government. Ilan pa nga sa mga LGU ay humihingi na ng saklolo dahil naubos na nila ang kanilang calamity fund dahil sa pandemya.…
Read MoreKALUNOS-LUNOS ANG SINAPIT NG MARIKENO KAY ULYSSES
Personal na nakita ng PUNA ang sinapit ng mga residente ng Brgy. Tumana, Marikina City mula sa nagdaaang Bagyong Ulysses. Nadatnan ng grupo ng Peryodiko Filipino Incorporated (PFI/SAKSINGAYON) na nagdala ng ayuda para ipamigay sa mga residente ng Patalo at Palay Sts., Brgy. Tumana ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na abala sa paglilinis ng sobrang daming mga basura na dulot ng nagdaang bagyo. Ang binabanggit po nating kalat na napakarami ay hindi ordinaryong basura kundi mula sa mga kagamitan ng mga residente sa lugar…
Read More