LUZON ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa state of calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa. Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si ‘Ulysses’ ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming patay. Ang state of calamity ay naglalayong payagan ang local officials na gamitin ang kanilang emergency funds at magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin. “Last night I think I signed the proclamation,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes…

Read More

Sa Cagayan at Isabela BLACK SAND MINING SINISI SA MASSIVE FLOODING

ISINISI ng isang peasant group sa talamak na black sand mining na isa sa mga dahilan kaya dinanas ang “worst flood” sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses. Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas(KMP) bukod sa black sand mining, talamak din ang illegal at legal logging sa lalawigan kaya hindi na nakapagtataka na ngayon ay nararanasan ang epekto nito. Wala umanong dapat sisihin sa paglubog ng Cagayan at Isabela kundi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbibigay permit sa ganitong operasyon na may pag-apruba…

Read More

NAMAMATAY SA TIGDAS TUMAAS NG 50%

HINILING ni Senador Win Gatchalian sa local government units (LGUs) na paigtingin ang pagbabakuna upang maiwasan ang outbreak ng vaccine-preventable diseases matapos iulat ng World Health Organization (WHO) na tumataas ang bilang ng namatay sa tigdas sa buong mundo. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na base sa ulat ng WHO, umakyat sa 50% ang bilang ng batang namatay sa tigdas sa buong mundo mula 2016 hanggang 2019 na lubhang nakababahala. Ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong nakaraang Abril, may halos dalawang milyong bata sa bansa ang nanganganib na…

Read More

2 WAR SHIPS NG SOUTH KOREA NAGHATID NG AYUDA SA PILIPINAS

SINALUBONG ng mga tauhan ng Philippine Navy ang dalawang barkong pandigma ng South Korea na may dalang ayuda at bitbit ang banner na nagsasabing hindi nila nakalilimutan ang sinakripisyong buhay ng mga Pilipino noong 1950 Korean war. Kasabay nito ay nagsagawa ng traditional Passing Exercise (PASEX) ang Philippine Navy corvette BRP Conrado Yap (PS39) war ships ng Republic of Korea Navy (ROKN) sa karagatang malapit sa Manila Bay. Ayon sa mensaheng ipinarating kay Navy Flag Officer In Command (FOIC) Vice Adm Giovanni Carlo Bacordo, dumaan sa Manila ang ROKS Kang…

Read More

COAL FUELS NAGDUDULOT NG MATINDING SAKUNA – GREEN ENERGY ADVOCATES

NANAWAGAN ang mga tagapagtaguyod ng enerhiya sa pangunguna ng Power for People Coalition (P4P) at mga komunidad na apektado ng ‘coal’ o karbon sa Department of Energy (DOE) na gamitin ang kanilang idineklarang ‘coal moratorium’ at tanggalin ang lahat ng ‘coal-fired power plants’  na nagdudulot din ng matinding panganib kapag may kalamidad sa bansa. “Coal fuels disasters. It’s plain and simple. So long as we burn coal, its greenhouse gas emissions will continue to heat the Earth and produce typhoons like Rolly and Ulysses, only much stronger and more frequently.…

Read More

RIVER DRIVE PROJECT PANGONTRA SA BAHA, TRAPIKO SA LAS PINAS

KUMPIYANSA si Senador Cynthia Villar na mapipigilan ang pagbaha at mareresolba ang problema sa trapiko sa Las Piñas City kapag natapos na ang Las Piñas Zapote River Drive project. Sa kasalukuyan, 24 kilometro na ang nakumpleto nitong nakalipas na siyam na taon sapul nang simulan ito noong 2012 hanggang 2020. Limang kilometro pa ang itatayo sa susunod na dalawang taon (2021-2022). “The project is being completed in phases and we have seen the improvements so far in terms of flood prevention and traffic flow in the river drive areas. So,…

Read More

15 SABUNGERO DINAMPOT SA TUPADA SA NAIC

CAVITE – Minalas na makorner ng mga pulis ang 15 sabungero sa sinalakay na tupada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Estilito Regalado y Villanueva, Jyann Merlan y Sismaet, Ariel Poblete y Delos Santos, Lesther Papa y Caparas, Eduardo Ronquillo Jr. y Austria, Denmark Sisracon y Ramos, Enrico Caisip y Villaluz, Francis Caina, Ludigario Asombra y Punto, Samonte Pipit, Bienvenido Cruzat, Tirzo Ilog, Rowell Vergel Eroles, at Sonny Perolino. Ayon sa ulat ni Corporal Franz Zorilla ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-12:30 ng hapon noong Martes…

Read More

2 CARNAPPERS PATAY SA ENGKWENTRO

LAGUNA –Napatay ang dalawang hinihinalang carnappers habang tinamaan naman ng bala sa paa ang isang pulis makaraan ang palitan ng putok noong Martes sa Brgy. Balayhangin, sa bayan ng Calauan, sa lalawigang ito. Ayon sa report kay P/Lt. Col. Sam Belmonte, hepe ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU 4-A), kinilala ang biktimang si Crisanto delos Santos, residente ng Barangay Bitin, Bay, Laguna, habang sugatan si P/SSgt. Diosdado Casupang Jr., ng Calauan MPS. Ayon sa salaysay ni Delos Santos, bandang alas-7:30 ng gabi noong Nobyembre 17, tinutukan siya ng baril ng…

Read More

Hinihinalang mga mangkukulam MAG-ASAWA PINALAKOL HANGGANG MAPATAY

MASBATE – Brutal na pinatay ng mga kabarangay ang isang mag-asawang kapwa faith healer makaraang paghinalaang mga mangkukulam sa bayan ng Placer sa lalawigang ito. Madaling araw noong Martes nang dukutin ng hindi kilalang armadong kalalakihan ang mag-asawang sina Alvino at Belly Flores sa kanilang bahay sa coastal barangay ng Camayabsan sa naturang bayan. Ayon sa report ng pulisya, nasa tabing dagat ang lalaki nang dumating ang mga suspek na mga nakasuot ng mask, jacket at armado ng mga baril at galit na hinahanap ang misis nito. Inakusahan ng mga residente na nangungulam…

Read More