(NELSON S. BADILLA) SA pinakaunang sarbey ng kilalang kumpanya ay lumitaw ang gusto ng mga botante kung sino ang pipiliin nilang pangulo sa halalang 2022 sa pagitan ng magkatunggali noong 2016 na sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Maria Leonor Robredo. Sa sarbey ng Pulse Asia sa 2,400 repondents mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2 , pumangalawa si Marcos sa iskor na 14 porsiyento. Tabla sila ni Senadora Mary Grace Poe. Ang nanguna ay ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara…
Read MoreMonth: January 2021
DOJ, PNP kinalampag ng solon ESTUDYANTENG MAHIRAP SA ONLINE SEX TRADE ANG BAGSAK
PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime at ang Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group upang maagapan ang mga ulat na may mga mag-aaral na nagsagawa ng “Christmas sale” ng malalaswang video at larawan nila upang makalikom ng panustos sa distance learning. Giit ni Senador Sherwin Gatchalian, kailangang kumilos at sugpuin ang mga aktibidad na ito sa lalong madaling panahon. Aniya, sa isang ulat ng The Philippine Online Student Tambayan (POST) na may mga mag-aaral na ginagamit ang mga hashtag na #AlterPH, #AlterPinay, at #AlterPhilippines…
Read MorePAGBABAKUNA NANG LIBRE SA OFWs SA SAUDI AT BAHRAIN, WELCOME SA SENADO
LUBHANG ikinatuwa ng isang senador na palaging nagsusulong ng patakaran at polisiya, ang pagpapabakuna ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Saudi Arabia at Bahrain. Sa pahayag, sinabi ni Senador Cynthia Villar na dumadami ang mga bansa na nagbibigay ng libreng bakuna sa mga OFW dahil inaalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng milyong manggagawa nito laban sa corona virus 2019 (COVID-19). “We welcome the New Year with hope as more countries including our own prepare their respective COVID-19 inoculation campaigns,” ayon kay Villar. Pinapurihan ni Villar ang Kingdom of…
Read MoreP83 MONTHLY ALLOWANCE, INSULTO SA GURO – ACT
INSULTO sa mga guro ng pampublikong sistema ng edukasyon ng bansa, ang karagdagang mahigit P83 na matatanggap nilang allowance ngayong 2021. Inilarawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na insulto ang higit P83 na buwanang allowance batay sa P1,500 na taunang allowance na idinagdag ng Kongreso mula sa umiiral na P3,500. Ang ACT ay kabilang sa mga kaliwang organisasyon na iniuugnay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Communist Party of the Philipines – New People’s Army (CPP – NPA). Kasama sa abrubadong P708.181 bilyong badyet ng Department of…
Read MoreHindi napapanahon dahil sa COVID-19 KONGRESO PINAKIKILOS VS SSS PREMIUM HIKE
HINIMOK ng pinakamalaking alyansa ng mga unyon at pederasyon ng mga manggagawang Filipino, ang Kongreso na kumilos laban sa 13 porsiyentong umento sa buwanang hulog sa Social Security System (SSS) ng mga naghahanapbuhay sa pribadong sektor. Sabi ni Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng NAGKAISA labor coalition, nararapat na ipatigil ang 13 porsiyento mula 12% umento sa SSS premium dahil nahaharap pa rin hanggang kasalukuyan sa “health and financial crisis” ang mga manggagawa at kapitalista dulot ng COVID-19. “The increase might be necessary, but to impose it now is untimely…
Read MoreLA Tenorio: Tenyente na, Iron Man pa!
UNANG dapat malaman tungkol kay LA Tenorio ay kung talaga bang may nilalang na tulad niya. Nilikha si ‘Tenyente’ ng Panginoon na may taas na 5-talampakan at 9 na pulgada, tumitimbang ng 152 libra, may limang daliri sa bawat kamay, ganoon din sa bawat paa at may kaayaayang ngiti. Mortal at pinagkalooban ng sapat na metal na kailangan ng katawan gaya nating lahat bagamat nakahihigit siya ng bahagya sa atin. Kapag nabanggit ang pangalang Tenyente LA Tenorio, marami ang inaasahang dapat mangyari, ayon sa maraming miyembro ng komunidad ng basketbol.…
Read MoreSULIT NA BAYAD SA ABOGADONG TAGAPAGTANGGOL NG PILIPINONG MINALTRATO SA KUWAIT
MATINDI ang dagok na naganap sa taong 2020. Kabilang na rito ang pandemya na nagpabagsak ng maraming negosyo at pagkawala ng trabaho ng maraming mamayan sa buong mundo lalo na ng mga OFW. Maaga pa nga lamang ay naghahanda na ang mga Filipino para sa pagpasok ng bagong taong 2021 dahil umaasa sila na sa pagpasok nito ay malamang na may bago ng pag-asa na maasahan katulad ng pagdating ng bakuna para sa Anti COVID-19. Pero bago pa man matapos ang taong 2020, ay biglang umeksena ang magandang balita na…
Read MoreKAHILINGAN PARA SA BAYAN NGAYONG 2021
NAPAKATINDI ng pagbabagong idinulot ng taong 2020 sa takbo ng buhay sa buong mundo bunsod ng pandemyang COVID-19. Ngayong taong 2021, isa lamang ang sigurado. Hindi pa tapos ang ating laban! Kasama pa rin natin ang COVID-19 sa pagsalubong ng bagong taon lalo na ngayong napabalita ang pagkalat sa ibang bansa ng bagong uri nito na nagmula sa United Kingdom. Bunsod nito ay nanganganib na naman ang turismo sa ating bansa dahil sa pagpapatupad ng pansamantalang travel ban para sa mga bansang mayroong iniulat na kaso ng bagong uri ng…
Read MoreEX-CHAIRMAN SA ANTIPOLO ITINUMBA NG TANDEM
ANTIPOLO CITY – Patay ang isang dating barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa lungsod na ito, dakong alas-4:00 ng hapon noong Sabado. Kinilala ang biktimang si Oscar Tamayao, 62-anyos, kasalukuyang empleyado sa Mayor’s Office ng Antipolo at nakatira sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City. Ayon sa report ng Antipolo City Police, base sa pahayag ng isang testigo na kinilalang si Bryan Palaro y Malate, habang binabagtas ng biktima ang Olalia Road sa kanto ng Sumulong Highway, lulan ng puting Toyota Hi-Ace (NCO-6200), isang motorsiklo ang sumulpot ang…
Read More