TULAK PATAY, 22 PA DINAMPOT SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, habang 22 iba pa ang arestado at anim na motorsiklo ang kinumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na si Luisito Pineda, 33. Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 noong Miyerkoles ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Naic Police sa Brgy. Ibayo, kung saan nakipagtransaksiyon ang suspek at kasama nitong si Rizaldy Pelina, sa isang poseur buyer. Sa kalagitnaan ng transaksyon, nahalata ng suspek na pulis ang kanyang kausap dahilan upang…

Read More

COVID-19 CASES SUMIPA SA 5 BRGY. SA QC DIST. 2

NAKAPAGTALA ng mataas na kaso ng COVID-19 sa limang barangay sa District 2 ng Quezon City. Sa nakuhang data mula sa official Facebook page ng lokal na pamahalaan ng lungsod, hanggang nitong Marso 25, ang limang barangay sa District 2 ng lungsod ay mayroong hindi bababa sa 600 kumpirmadong kaso ng nasabing sakit. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga barangay ng Batasan Hills na may kumpirmadong kasong 1,666, nakarekober 1,377, aktibo 249, namatay 40; Commonwealth na may kumpirmadong kasong 1,366, nakarekober 1,101, aktibo 223, namatay 42; Holy Spirit, may…

Read More

FAKE COVID TEST RESULTS DUMAMI SA MAYNILA

NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa sinumang sangkot sa pamemeke ng COVID-19 results na titiyakin niyang makukulong ito. “Kayong mga me ari ng negosyong ‘yan, humanda kayo…this warning is applicable to everybody… walang amba-ambassador, walang superpower-superpower sa ‘kin. Pasensiyahan tayo pagdating sa buhay ng taga-Maynila. We will follow the law and throw the books at you,” ayon sa alkalde. Nabatid na inatasan nito si P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-Special Mayor Reaction’s Team (MPD- SMaRT), na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nangyayaring bentahan ng…

Read More

10 casualty nadagdag CAMANAVA ACTIVE COVID CASES, LAGPAS 4K NA

NAKAPAGTALA muli ng sampung namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 24, habang umabot na sa 4,079 ang active cases. Lima ang patay sa COVID-19 sa Valenzuela City, umakyat sa 851 ang aktibong kaso matapos na 152 ang magpositibo at 30 lamang ang naitalang gumaling. Umabot na sa 11,921 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 10,763 na ang gumaling at 307 ang namatay. Samantala, tatlo ang patay sa Malabon City, 163 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,730 na ang positive cases,…

Read More

NCRPO, LGUs lalong naghigpit METRO MANILA COVID HIGH RISK

PINAG-IBAYO pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at 17 local government units (LGUs) ang mahigpit na pagpapatupad sa health protocols sa Metro Manila makaraang ideklara itong “high risk” ng Department of Health (DOH). Tiniyak ni NCRPO director, Major General Vicente Danao Jr. at ng Metro Manila Council (MMC) na ang MM LGUs ay titiyaking lahat ng mamamayan sa kanilang nasasakupan ay susundin ang health protocols laban sa COVID-19. Idineklara ang NCR bilang isang “high risk” region ng DOH noong Miyerkoles ng hapon dahil lumobo ang mga kaso ng…

Read More

IRASYONAL NA DEPENSA

HINDI ako maka-oposisyon at hindi ako naniniwala na mananalo ang oposisyon sa 2022 elections dahil wala silang matibay na lider at wala silang pagkakaisa dahil yung mga dati nilang mga kaalyado sumampa na sa barko ng administrasyon noong 2016 pa. Kahit nga yung mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Kongreso na dapat sana nagsilbing check and balance ay kaalyado ngayon ng ­administrasyon kaya hindi ko sila matatawag na oposisyon. May ilan naman sa LP na nasa minority bloc pero kung ­magsipag-asta ay para silang miyembro ng majority bloc kaya…

Read More

PULIS NA NAMAN!?

INANUNSYO ni Philippine National Police Officer-in-Charge PLtGen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagkakaaresto sa isang police major at apat nitong tauhan dahil sa kanilang ginawang pangingikil. Sila ay sina Police Major Orlyn Leyte, Officer-in-Charge ng Police Station 9 ng Zamboanga City Police Station at apat na miyembro ng PS 9 Station Drug Enforcement Unit na kinabibilangan nina PSSg. Hegenio Salvador, PSSg. Asser Abdulkadin, PCpl Ismael Sasapan at PCpl. Juman Arabani. Ang lima ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Mindanao Field Unit (MFU) IMEG,RIU9, RID, RSOG-PRO9, HPG9, Zamboanga CPS at 55th…

Read More

MAGSASAKA, HANDANG-HANDA SA MARAMIHANG PRODUKSYON NG BIGAS

HINDI dapat maging balakid ang coronavirus disease 2019 ­(COVID-19) sa agrikultura, partikular sa produksiyon ng bigas. Ito’y dahil napakahalaga ng bigas sa bawat Filipino. Nararapat lamang na magkaroon ng kanin sa hapag-kainan ng bawat pamilya tatlong beses kada araw. Dito papasok ang papel ng mga magsasaka, ng mga nagtatanim at nangangasiwa sa produksiyon ng bigas. Ang Department of Agriculture (DA) naman ang organo ng pamahalaan na tutulong sa mga magsasaka hinggil sa kanilang mga pangangailangan mula sa pagpapautang hanggang sa pamamahagi ng mga bagong ideya at pagsasanay upang higit na…

Read More

Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-16 Bahagi) Wagi si Manny, 2-1, sa trilohiya vs Erik Morales

NAGANAP ang makasaysa-yang tatlong labang serye sa pagitan nina ring idol Manny Pacquiao at maalamat ding Mehikanong si Erik Morales dahil sa paghahangad ng Pilipinong lumipat sa super-featherweight o junior lightweight. Target ng dalawa ang bakanteng IBA 126-pound title, ngunit mas masidhi ang pagnanais ng kaisa-isang ­boksingerong ­maghahari sa walong dibisyon sa world pro boxing. Hawak na noon ng Pambansang Kamao ang titulo ng WBC flyweight, IBF super-bantamweight at RING featherweight bago niya hinarap si Morales, na naging matalik niyang kaibigan kalaunan. Talo ang noon ay kongresista ng lalawigan ng…

Read More