COVID-19 CASES SUMIPA SA 5 BRGY. SA QC DIST. 2

NAKAPAGTALA ng mataas na kaso ng COVID-19 sa limang barangay sa District 2 ng Quezon City.

Sa nakuhang data mula sa official Facebook page ng lokal na pamahalaan ng lungsod, hanggang nitong Marso 25, ang limang barangay sa District 2 ng lungsod ay mayroong hindi bababa sa 600 kumpirmadong kaso ng nasabing sakit.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga barangay ng Batasan Hills na may kumpirmadong kasong 1,666, nakarekober 1,377, aktibo 249, namatay 40; Commonwealth na may kumpirmadong kasong 1,366, nakarekober 1,101, aktibo 223, namatay 42; Holy Spirit, may kumpirmadong kasong 1,066, nakarekober 880, aktibo 157, namatay 29; Payatas may kumpirmadong kasong 907, nakarekober 742, aktibo 132, namatay 33, at Bagong Silangan na may kumpirmadong kasong 691, nakarekober 584, aktibo 86, at 21 namatay.

Nakapagtala rin ang limang barangay ng Dist. 6 ng hindi bababa sa 600 COVID-19 cases.

Nangunguna rito ang ng Brgy. Pasong Tamo na may kumpirmadong kasong 1,295, nakarekober 1,080, aktibo 185, namatay 30; Brgy. Culiat na may kumpirmadong kasong 1,105, nakarekober 882, aktibo 205, namatay 18; Brgy. Tandang Sora na may kumpirmadong kasong 990, nakarekober 836, aktibo 139, namatay 23, at Brgy. Talipapa na may kumpirmadong kasong 650, nakarekober 572, aktibo 67, at 11 namatay.

Apat namang barangay sa Dist. 5 ng Quezon City ang nakapagtala ng rin ng mataas na kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ang mga ito ng Brgy. Fairview na may kumpirmadong kasong 872, nakarekober 655, aktibo 200, namatay 17; Brgy. San Bartolome na may kumpirmadong kasong 797, nakarekober 624, aktibo 156, namatay 17; Brgy. Bagbag na may kumpirmadong kasong 697, nakarekober 549, aktibo 139, namatay 9; Brgy. Kaligayan na may kumpirmadong kasong 643, nakarekober 513, aktibo 119, at 11 namatay.

Dalawa namang barangay sa District 4 ang nakapagtala ng mataas na kaso na kinabibilangan ng Tatalon na may kumpirmadong kasong 697, nakarekober 579, aktibo 99, namatay 19, at Bagong Lipunan na may kumpirmadong kasong 672, nakarekober 541, aktibo 129 at dalawang namatay.

Mataas din ang mga kaso sa dalawang barangay sa District 3, at isang barangay sa District 1.

Kaugnay nito, patuloy ang pagdami ng mga lugar na isinasailalim sa special concern lockdown (SCLA) areas sa nasabing lungsod. (JOEL O. AMONGO)

159

Related posts

Leave a Comment