95 NA-COVID SA BULACAN UVENILE DETENTION CENTER

BULACAN – Umabot sa 95 katao, karamihan ay mga kabataang children in conflict with the law (CICL) at mga empleyado ng Bahay Tanglaw Pag-asa (BTP) sa Bulacan, ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) at kasalukuyan sumasailalim sa quarantine. Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Provincial Health Officer II at hepe ng Bulacan Medical Center (BMC), kabilang sa mga tinamaan ng COVID-19 ang 80 kabataang resident/inmates o CICL, siyam na staff mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at anim na jail guards nito. Nabatid na naka-hard lockdown ang nasabing juvenile…

Read More

‘Nilandi ang live-in partner ng kapitbahay LALAKI TINARAKAN SA ULO, PATAY

CAVITE – Sinaksak sa ulo hanggang sa napatay ang isang 41-anyos na lalaki ng kapitbahay nito nang magselos nang malaman na umano’y nilalandi ng biktima ang live-in partner ng suspek sa Trece Martires City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Raul Fernandez, balo at may live-in partner, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, hindi umabot nang buhay sa ospital Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Marion Michael Nero, 22, may live-in partner, kapitbahay ng biktima, matapos maaresto ng mga barangay tanod. Ayon sa ulat ni P/SSgt.…

Read More

Active cases sumipa sa 5,102 “20 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA”

MULING nakapagtala ng 20 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 17 at lumobo sa 5,102 ang active cases, isang linggo matapos na simulang ipatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region at apat na karatig lalawigan. Ayon sa ulat, walo ang patay sa Caloocan City at umakyat sa 1,978 ang active cases.  Sumampa na sa 22,942 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 20,300 na ang gumaling at 664 na ang namatay. Anim naman ang patay sa Valenzuela City at 1,173 ang…

Read More

3 DRUG SUSPECTS TIMBOG SA VALENZUELA

TATLONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang mga suspek na sina Arnel Padrenao, 38; Rogelio Hubilla, 29, at Jose Toledo, 34-anyos. Ayon kay SDEU investigator, P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU na sina P/MSgt. Ricky Labrador, P/Cpl. Noriel Boco at P/Cpl. Jayson Arce, sa pangunguna ni P/Lt.…

Read More

2 PASLIT PATAY SA SUNOG

DALAWANG 3-anyos na paslit ang namatay sa nangyaring sunog noong Sabado ng gabi sa Caloocan City. Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng nalapnos na katawan ang biktimang si Kendal Janda, babae, habang nalagutan ng hininga bago makarating sa Tondo Medical Center sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag. Nabatid mula sa Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-6:35 ng gabi nang nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa nangyaring sunog sa #190 Ana Bustamante St., 2nd Avenue, Brgy. 43 kaya mabilis silang nagresponde…

Read More

HUMAN TRAFFICKING SA BI HUHUBARAN NG 3 PINAY

INAASAHANG makatutulong ang tatlong Pilipina na nakabalik sa Pilipinas mula Syria nitong Sabado, na patunayang ang sindikato sa Bureau of Immigration (BI) ang kumilos upang maging biktima sila ng human trafficking. Sinalubong ang tatlo ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago sila isinailalim sa 14-araw na kwarantina upang malaman kung positibo sila sa coronavirus disease – 2019 (COVID-19) o hindi, bago sila ihatid sa kani-kanilang pamilya. Tiniyak ng Office of the Undersecretary of Migrant Workers Affairs (OUMWA) ng DFA na tutulungan…

Read More

Mag-iisponsor ng bakuna sa teachers, students BIGYAN NG TAX BENEFITS – DEFENSOR

NAGHAIN ng panukalang batas si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor para bigyan ng tax benefits ang mga pribadong kumpanya o mayayamang Filipino na sasagot sa COVID-19 vaccination ng lahat ng guro sa Pilipinas. Ginawa ni Defensor ang nasabing pahayag habang naghahanda na umano ang pharmaceutical companies sa pagtuklas ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga kabataang edad 18 pababa. “Private entities paying for the COVID-19 jabs of teachers and children will be entitled to claim 150 percent of what they spent for the shots as “additional deduction” from gross…

Read More

POWER COMPANIES AT TELCOS, PINAGHAHANDA SA BAGYONG BISING

NANAWAGAN si Senador Sherwin Gatchalian sa mga electric power, distributors at companies na tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Bising. “Malakas ito dahil super typhoon, marami tayong mga lalawigan ay tingin ko ay makakaranas ng malakas na hangin at ang ginagawa ng mga utilities natin, mga distributors, lalo na mga kooperatiba ay nagpe-preempt sila,” saad ni Gatchalian. “Ibig sabihin pinapatay muna nila ang kuryente para kapag pumasok ang bagyo ay hindi makuryente ang kanilang mga constituents at nagkakaroon sila ng paghahanda para…

Read More

COMMUNITY PANTRIES, PARAMIHIN

HINIMOK ni Senador Sonny Angara ang gobyerno at private entities na gayahin ang community pantries na kumakalat ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa. Sinimulan ang community pantry sa Maginhawa sa Quezon City at ngayon ay makikita na rin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan na naglalayong tulungan ang mga higit na nangangailagan. “It is encouraging to see more Filipinos demonstrating the bayanihan spirit by putting up community pantries for the benefit of people who are struggling during these very challenging times,” saad ni Angara. “Maliit…

Read More