Kinantahan pa habang inaaresto CAKE NA MAY POSAS PABIRTHDAY NG PULIS SA HINIHINALANG TULAK

HINDI inaasahang birthday celebration ang naranasan ng isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, nang siya ay arestuhin sa mismong kanyang kaarawan sa Zamboanga City.

Sa halip na makapagdiwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, inaresto siya sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad.

Sa viral video, makikitang kinantahan pa ng mga pulis ng “Happy Birthday” ang suspek habang napapangiti na lamang ito.

May dala pang birthday cake ang isang pulis na sinasabing bahagi ng selebrasyon bago isinagawa ang operasyon.

Sa kulungan na nito tuluyang ipinagdiwang ang kanyang birthday at sinampahan ng kaso.

(NILOU DEL CARMEN)

87

Related posts

Leave a Comment