NAGWALA at nanghambalos ng payong ang umano’y dating lady prosecutor sa Department of Justice (DOJ) habang nagsisigaw sa harap ng gate ng ahensya nitong nakalipas na Biyernes.
Hindi na kinilala ng ilang security guard on-duty ang dating prosecutor, dahil nanaig umano sa kanila ang humanitarian reason matapos mapansin na tila lagpas 70-anyos na ito at hinihinalang nalipasan ng gutom.
Sa halip na paalisin, pinaupo na lamang ng mga guard ang matanda sa gilid upang hindi makaistorbo sa mga kawani at abogadong pumapasok at lumalabas sa gusali.
Gayunman, nagmatigas umano ang matanda at iginiit na sa gitna ilagay ang upuan, habang patuloy ang paghahambalos ng dala nitong payong na nagmistulang “Kung Fu” lady prosecutor.
“Sinabi ko na noon pa na sementuhan ang daanan. Baha na naman, walang kaayusan,” banggit pa ng matanda.
Wala pang inilalabas na pahayag ang sinomang opisyal ng DOJ hinggil sa insidente. Ilang linggo pa lamang ang nakalipas nang isang improvised device ang itinanim at sumabog sa harap ng DOJ bandang madaling araw.
(JULIET PACOT)
87 