ARESTADO ang anim na indibidwal, kabilang ang dalawang driver at apat na pahinante, matapos masabat ng mga tauhan ng 1st Quezon PMFC ang dalawang truck na naglalaman ng 115 motorsiklo at iba’t ibang piyesa sa Border Control Point sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon noong Huwebes, Agosto 13.
Unang pinara ang mga truck dahil sa hindi ligtas na pagkakarga ng mga motorsiklo ngunit nang hingian ng kaukulang dokumento ang mga driver, nabigo ang mga ito na magpakita ng katibayan para sa kargamentong nakatakdang ihatid sa Mindanao.
Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.
(NILOU DEL CARMEN)
92 