TUTUSTUSAN ng state-run Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng RT-PCR COVID-19 test ng isang indibidwal subalit kailangan na ma-meet nito ang ilang kondisyon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng testing protocol ng bansa, ang PhilHealth ang siyang magbabayad ng RT-PCR test ng medical frontliners, economic frontliners, iyong mga na-expose sa pasyenteng may COVID-19 patient at iyong mga may sintomas ng COVID-19. “At most, ang babayaran ay P300. Hindi naman po tama na sabihìn natin na hindi tayo nakakapagbigay ng libreng testing,” ani Sec. Roque.…
Read MoreMonth: April 2021
HEALTH WORKERS SA MGA PROBINSYA TUTULONG SA NCR
NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel mula sa ibang rehiyon na magsisilbing augmentation force ng mga health worker sa National Capital Region (NCR). Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag-uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at DOH Undersecretary Leopoldo Vega. Ani Sec. Roque, sa nasabing pag-uusap ay nabanggit ni Usec. Vega na nasa 60 porsiyento na ng kanilang target ang na-recruit para makatuwang ng mga taga Metro Manila. “I don’t know the exact number. But last Saturday, we had…
Read MoreUtos sa PhilHealth PAGBABAYAD SA HOSPITALS BILISAN
INATASAN ni Executive Secretary Salvador Medialdea si PhilHealth President Dante Gierran na bilisan ang pagpoproseso ng pagbabayad sa mga ospital. Ito’y sa harap na rin ng pahayag ng Private Hospital Association of the Philippines na napipilitan na silang magbawas ng mga tao bunsod na rin umano ng kakulangan ng kanilang pondo dahil hindi pa bayad ang ibang claims. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, naging malinaw naman ang mensahe ni Medialdea kay Gierran lalo’t 70 porsiyento ng healthcare capacity ay nasa kamay ng mga pribadong ospital. Lalabas aniya na kung…
Read MoreHiling ng mga anak DASAL PARA KAY ERAP
HUMILING ng panalangin ang mga anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos lumala umano ang kanyang kalagayan dahil sa pneumonia kaya naka-intubate na ito. “Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened. Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation,” ayon kay dating Sen. Jinggoy Estrada. Magugunita na itinakbo sa ospital si Estrada noong isang linggo (Marso 28) matapos magpositibo sa COVID-19 subalit hindi umano malala ang kanyang kalagayan kaya hindi ito inilagay sa Intensive…
Read MoreWalang dahilan na ipagbawal IVERMECTIN LEGAL NA -DEFENSOR
(BERNARD TAGUINOD) PINAYAGAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang produksyon ng Ivermectin kaya legal na ito at walang dahilan para ipagbawal itong gamitin sa COVID-19 patients at bilang proteksyon sa nasabing virus. Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na nakatakdang mamigay ng libreng Ivermectin sa mamamayan ng Lungsod Quezon na isa sa may pinakamataas na COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR). “Pinayagan na ng FDA to produce so legally allowed siya,” ani Defensor sa mga mamamahayag sa Kamara. Base sa dokumento na ibinahagi sa…
Read MoreASSESSMENT SA SALIVA TESTING PINABIBILISAN
KAILANGAN nang bilisan ng health authorities ang assessment sa saliva-based coronavirus testing para makatulong na madagdagan ang pagsisikap ng bansa na makapag-detect at magamot ang taong may sakit. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, makatutulong ang saliva-based testing na maisulong ang testing effort ng bansa para makamit ang 90,000 hanggang 100,000 daily tests. Sa kasalukuyan, ang ginagamit lamang ng bansa ay polymerase chain reaction (PCR) test, itinuturing na gold standard sa coronavirus testing at maging ang rapid antigen tests para ma-diagnose ang mga taong infected ng nasabing sakit. Idagdag pa…
Read MorePondo ng PAGCOR, Pantawid Pasada pinagagamit PASAHERO, DRIVERS ILIBRE SA SWAB TEST
(BERNARD TAGUINOD) IPINASASAMA ng isang mambabatas sa Kamara sa libreng swab test ang mga pasahero at drivers ng mga pampublikong sasakyan upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19. Maging ang mga stranded na pasahero ay nais ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na isama sa libreng swab test gamit ang pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Pantawid Pasada. Ayon sa mambabatas, may direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa PAGCOR na ipokus ang kanilang pondo sa public health programs at meron aniyang pondo para sa drivers o…
Read MoreP136K SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa mahigit P136,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Misuary Borirao, 22, cellphone technician, ng Brgy. Emmanuel 1, Damariñas City, at Cairoding Saripada, 23, tricycle driver, ng Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Robert Lacasa ng Gen. Trias City Police, dakong alas-4:30 noong Lunes ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency…
Read MoreTOP 2 MOST WANTED, ARESTADO SA PNP-AKG
HINDI naging hadlang ang pandemya sa COVID-19 sa pagpupursigi ng mga tauhan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, director ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, para madakip ang isa na namang murder suspect sa Zambonga del Norte. Ayon sa ulat, nadakip ng AKG-Mindanao Field Unit, ang suspek na si Richard Aguhob y Malayo alyas “Pakdot,” nakatala bilang top 2 most wanted person sa bayan ng Sergio Osmeña, sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, sa kasong murder. Ayon sa ulat, ang suspek ay nadakip noong Martes, Abril 6, dakong alas-11:00 ng…
Read More