HINIKAYAT ng NAGKAISA Labor Coalition si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang P100,000 ayuda sa health care workers na nasa unahan ng laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Bukod dito, hiling din ng NAGKAISA kay Duterte na bigyan ng P1 milyong suporta ang kani-kanilang pamilya bilang “survivorship benefit” kapag sila ay namatay, banggit ng pangulo ng NAGKAISA na si Atty. Jose Sonny Matula. Ang nasabing benepisyo ay hindi mapapantayan ang pag-aaruga at pangangailangan ng kani-kanilang pasyente, saad ni Matula. “Pinanghahawakan natin bilang isang bansa ang pagpapasalamat sa kadakilaan ng mga…
Read MoreMonth: April 2021
Active cases paakyat na sa 5K 21 PATAY SA COVID SA CAMANAVA
NADAGDAGAN pa ng 21 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area batay sa ulat ng city health offices ng nasabing mga lungsod habang umakyat na sa 4,814 ang active cases. Napag-alaman, walo ang patay sa Valenzuela City noong Abril 5 at 978 ang active cases matapos na 331 ang gumaling at 118 ang nagpositibo. Umakyat na sa 13,657 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 12,343 na ang gumaling at 336 na ang namatay. Lima naman ang patay sa Caloocan City noon ding Abril 5 at 1,265…
Read More4 TIMBOG SA P.3-M SHABU SA QC
ARESTADO sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, ang apat na drug suspect at nakumpiska ang P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, noong Abril 5 sa Quezon City. Kinilala ni QCPD P/BGen. Danilo Macerin ang mga suspek na sina Sherwin Soria, 41, residente ng #68 North Diversion Road, Brgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City; Jennifer Regis, 39, residente ng #68 North Diversion Road, Brgy. 151, Bagong Barrio,…
Read MoreMga aayudahan sa Maynila LISTAHAN IPO-POST SA SOCIAL MEDIA
MAGSISIMULA na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamimigay ng cash assistance mula national government kaugnay ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ). Samantala, may mahigpit na bilin si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na i-post sa social media ang listahan ng mga benepisaryo para ipakita na parehas at walang gulangan sa listahan. Anunsyo ng alkalde, 380,000 pamilya ang magiging recipients ng P4,000 bawat isa at inatasan si Manila Social Welfare chief Re Fugoso na makipag-coordinate sa mga barangay para sa proseso ng distribusyon nito kasabay ng kanyang pasasalamat…
Read MoreDENSING ‘NILAGLAG’ NG DILG
MISTULANG inilaglag ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isa sa mga opisyal nitong si Undersecretary Epimaco Densing III dahil sa ‘palpak’ na pahayag nito ukol sa sobrang laki ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19). Inihayag ni DILG Spokesman Jonathan Malaya na sariling opinyon lamang ni Densing ang pahayag nito hinggil sa biglang pagsirit sa walong libo pataas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ani Densing sa panayam sa telebisyon nitong Lunes, “This is a problem which we cannot anticipate. We…
Read MoreSa COVID-19 law violators COMMUNITY SERVICE, SAPAT NANG PARUSA
COMMUNITY service lang ang parusang dapat ipataw sa mga taong lumabag sa batas at mga alituntunin patungkol sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Inihayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra bilang paglilinaw laban sa paghuli at pagkulong sa mga taong lumalabag sa batas hinggil sa COVID-19 at patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ani Guevarra, ang community service ay nakasaad sa mga ordinansa ng mga pamahalaang lokal. Idiniin din ng kalihim ng Department of Justice (DOJ), sapat nang parusa ang paglilingkod sa pamayanan tulad ng pagpapawalis sa kalsada sa panahong mahirap mabuhay…
Read MoreBALASAHAN SA PNP NAKAAMBA
INAASAHAN na ang malawakang balasahan sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng nakatakdang pagreretiro ng ilang top key officials ng kapulisan. Partikular na inaantabayanan ang magaganap na changing of guard sa PNP dahil sa pagreretiro sa serbisyo ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa darating na May 8, 2021. Bago ang inaasahang galawan sa top key position ng pambansang pulisya ay nakatakdang magretiro ngayong buwan sina PNP Deputy Chief for Operations at kasalukuyang Commander ng JTF Covid Shield, Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag sa April 24. Si PNP…
Read MoreSPECIAL SESSION PARA SA P10K AYUDA BILL IPUPURSIGE SA KONGRESO
ITUTULOY ng powerful BTS group sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpupursige na mapag-usapan ang 10K or 1,500 per person Ayuda bill. Ito ay kahit may ipinalabas nang kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pamamahagi ng hindi lalampas sa P4k per person na assistance. Ayon kay dating House Speaker at Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, nagpapasalamat sila sampu ng mga kasamahan nito sa Kongreso sa ginagawa ng pangulo subalit ang nais ng BTS group ay magkaroon ng special session at mapag-usapan mismo sa floor upang mabigyang linaw ang magkaibang…
Read MoreDAPAT PAMARISAN SI PATROLMAN DIMAIWAT
BAKIT ko sinasabi na dapat pamarisan ang isang bagitong pulis? Isang Police Trainee ng Rosario Municipal Police Station ng Rosario La Union itong si Patrolman Joshua Ensano Dimaiwat na isang Bicolano. Miyembro siya ng ALAB-BALASIK CLASS 2020-02 Aviation Group. Isa si Patrolman Dimaiwat sa mga bagong pulis na nagti-training sa Regional Training Center 1, Aringay, La Union kaya napunta siya sa lalawigang ito. Si mamang pulis para mabilis na makarating sa police station mula sa kanilang boarding house ay bumili ng bisikleta na anim (6) na buwan na niyang ginagamit.…
Read More