MAY kasabihan ang mga matatanda na di baleng walang pera basta huwag lang magkasakit. Ang maayos na kalusugan ang tanging yaman ng mga mahihirap kaya ang dasal ng lahat ay huwag magkasakit. May mga pagkakataon lang talaga na magkakasakit ka lalo na kapag inabuso mo ang katawan mo noong bata ka at kalakasan mo pa kaya napag-ipunan ka at pagtanda mo, sinisingil ka ng katawan mo. Pero sa iba, lalo na sa mga timawa, ang kalusugan ng mga tao ang kanilang yaman. Ang Health ng mga tao ang kanyang Wealth…
Read MoreMonth: April 2021
MAGTANIM NG MANGROVES
ISA ang Bulacan sa bahaing lugar sa ating bansa. Ngunit, hindi inatras ng San Miguel Corporation (SMC) ang plano nitong itayo ang modernong paliparan sa nasabing lalawigan. Pangmatagalan ang itatayong paliparan na napakalaki ng maitutulong sa daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila, sa maraming Fiipino dahil magkakaroon sila ng hanap-buhay at napakalaki rin ang maiaambag nito sa ekonomiya ng ating bansa. Kaya, hindi problema ang matinding suliranin sa baha dahil lulutasin ito ng SMC. Ang ginawa ng pamunuan ng SMC, batay na rin sa plano ng chief operating officer…
Read MoreECQ PART 3 MALABO NA
MALABONG i-extend o palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) para sa third consecutive week sa NCR Plus sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na malayong mangyari na i-extend ang ECQ lalo pa’t nabanggit na ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala nang budget para sa karagdagang ayuda sa low-income households kapag ipinatupad ang nasabing extension. Naglaan ang pamahalaan ng P22.9 billion budget para sa “in cash” o “in kind” aid sa low-income families na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ mula Marso…
Read MoreWala nang aasahang dagdag – Malakanyang P1K AYUDA TODO NA
WALA nang dagdag na ayuda para sa mga residente na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig-lalawigan sa kabila ng ekstensyon nito ngayong linggo. Ito ang pagtiyak ng Palasyo kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na P23 billion emergency subsidy budget ang ipinalabas sa local governments sa NCR Plus — kabilang ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Ito aniya ang kabuuang halaga na ayuda sa ngayon. Ipinaliwanag pa nito na matagal nang pinlano ng pamahalaan ang nasabing budget para sa programang two-week ECQ. “The government,…
Read MoreTugon ni Rep. Defensor sa lumalalang COVID-19 cases sa lungsod IVERMECTIN LIBRE SA QC
(BERNARD TAGUINOD) MAGLULUNSAD ng isang programa ang tanggapan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa kanyang mga kababayan sa Lungsod Quezon para magkaroon ang mga ito ng access sa gamot na Ivermectin. Ito ang inanunsyo ni Defensor upang maproteksyunan ang mga taga-Quezon City laban sa COVID-19 gamit ang Ivermectin na isa sa kanyang mga ininom noong magpositibo siya sa nasabing virus kaya agad itong gumaling. “Ito po ay libre naming pamimigay sa higit na nangangailangan at magkaroon ng prayoritasyon sa pamamahagi nito sa ating mga kababayan sa lungsod. Ang mga…
Read MoreVOTERS REGISTRATION SUSPENDIDO
PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ang suspensiyon ng rehistrasyon ng mga botante para sa halalang 2022. Ayon sa tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na ang pansamantalang pagpapatigil sa rehistrasyon ay ipatutupad lamang sa National Capital Region (NCR), Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan, o NCR Plus. Ani Jimenez, ibinatay ang desisyon ng pamunuan ng Comelec sa isang linggong pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bunga ng napakataas na bilang ng mga kaso ng nagkakaroon ng COVID-19 araw-araw. Nitong mga nakalipas na araw ay pumalo na…
Read MoreGESMUNDO NANUMPA BILANG 27TH SC CHIEF
NANUMPA na bilang ika-27 pinuno ng Kataas-taasang Hukuman si dating Associate Justice Alexander Gesmundo. Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Malakanyang sa ulat na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dating Sandiganbayan Associate Justice na si Gesmundo bilang bagong Supreme Court Chief Justice. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na bago si Chief Justice Gesmundo sa hudikatura na kanyang pinagsilbihan ng maraming taon bilang Associate Justice ng Supreme Court at bilang Associate Justice ng Sandiganbayan. Dahil dito ay tiwala aniya ang Malakanyang na maipagpapatuloy ni Gesmundo bilang Punong Mahistrado…
Read More2 PANG KONGRESISTA COVID POSITIVE
DALAWA pang kongresista ang nagpositibo sa COVID-19 sa katauhan nina Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos at Caloocan City Rep. Edgar Erice. Kinumpirma mismo ni Delos Santos nitong Lunes, Abril 5, na nagpositibo siya matapos ma-expose sa isang taong may COVID-19. Ayon kay Delos Santos, kabilang sa mga sintomas na nararamdaman niya ang pag-ubo, lagnat, sipon at pagkahilo kaya agad siyang magpa-swab test kung saan nagpositibo ang naging resulta. Bukod kay Rep. Erice, nasapol din umano ng COVID-19 ang ilan sa kanyang mga tauhan. Inanunsyo ng kongresista sa social…
Read More33 KAWANI NG SAN ILDEFONSO MUNICIPAL HALL, COVID POSITIVE
NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang may 33 kawani ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso, Bulacan matapos sumailalim sa RT-PCR swab test. Base sa social media post ni Mayor Carla Galvez-Tan nitong Linggo, ang 33 nabanggit na empleyado ng munisipyo ay agad isinailalim sa home isolation at 14-day quarantine matapos lumabas ang resulta ng isinagawang mass testing sa lahat ng empleyado. Nabatid kay Toni Rodriguez, Municipal Information Officer, 268 na municipal employees ng San Ildefonso ang sumailalim sa Antigen test na pinamahalaan ni Dr. Jeanette Dela Cruz, municipal health…
Read More