SINTOMAS NG COVID-19 TUMATAGAL NG 6 BUWAN

SINIMULAN na ang pag-aaral ng mga developed country ukol sa natuklasan ng mga eksperto na kondisyon ng mga COVID-19 patient na nakararanas pa rin ng sintomas ng virus ng hanggang anim buwan na tinatawag na long COVID o long haulers. Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) sub-technical working group member on data analytics Dr. John Wong na nakita ng mga Foreign health expert na 20 hanggang 30 porsiyento ng mga pasyente ang mayroon pa ring COVID-19 symptoms makalipas ang anim na buwang gamutan. Aniya, hindi pa batid ng karamihan ang…

Read More

MINIMUM WAGE HINIRITAN NG PLUS P100

NAGHAIN ng panukalang batas ang mga militanteng mambabatas sa Kamara para dagdagan ng P100 ang minimum wage sa buong bansa, ilang araw bago ang Labor Day o Araw ng Paggawa. Sa ilalim ng House Bill (HB) 9262 o P100 Daily Wage Subsidy Act” na inakda ng mga miyembro ng Makabayan Bloc, ikinatuwiran ng mga ito na ang kasalukuyang P537 minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay nabawasan ng P100 ang halaga dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. “The P537 minimum wage in the metro is…

Read More

Pamimigay ng Ivermectin sa QC tuloy EPAL NI LEACHON BINIRA NI DEFENSOR

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pinalampas ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang panawagan ni Dr. Tony Leachon sa Food and Drug Administration (FDA) na manindigan laban sa Ivermectin. “First of all, my response to Dr. Leachon, what have you done? Number 2, what do we have against COVID-19. Is there a absolute cure for COVID-19? None,” ani Defensor sa virtual press conference. Si Leachon ay dating miyembro ng National Task Force laban sa COVID-19 subalit sinibak ito sa kanyang tungkulin. Kinuwestiyon din ng mambabatas ang pananahimik ni Leachon sa isyu ng…

Read More

AYUDA SA LOKAL NA MAGBABABOY UNAHIN – VILLANUEVA

HINILING ni Senador Joel Villanueva sa Department of Agriculture (DA) na unahin ang pagbibigay ng ayuda sa lokal na magbababoy kaysa bigyang prayoridad ang pang-aangkat ng karne. Sa pahayag, malungkot na sinabi ni Villanueva na bumabaha ng pork imports sa bansa, pero ga-patak lamang ang tulong o ayuda na ibinibigay sa lokal na magbababoy. “Mahirap naman po kung ang ETA o estimated time of arrival ng imported pork ay mas maaga kaysa delivery ng ayuda sa mga lokal na magbababoy. Kung tayo po ang nasa kalagayan nila, ano po kaya…

Read More

ROOFTOP SOLAR SYSTEM MULING ISINULONG NI POE

BILANG tugon sa inaasahang pagtaas ng konsumo sa elektrisidad sa panahon ng tagtuyot, muling isinulong ni Senador Grace Poe ang promosyon at pagtataguyod ng rooftop solar sa buong bansa. Sa pahayag, sinabi ni Poe na base sa presentasyon ng Joint Congressional Energy Commission, tinataya ng Department of Energy na aabot 11,841 megawatts (MW) ang pangangailangan sa elektrisidad sa Luzon sa Mayo. “Peak demand is also expected to reach 2,394 MW in Visayas and 2,098 MW in Mindanao.” “Summer is usually the season for higher energy demand and costlier electric bills.…

Read More

Paalala ni Go sa DOH HEALTH CARE SYSTEM BANTAYAN VS PAGBAGSAK

HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health (DOH) na mahigpit na bantayan ang healthcare system ng bansa upang maiwasan itong bumagsak sa gitna ng dumadaming kaso ng COVID-19. Sa pahayag, sinabi ni Go na dapat mayroon pang mga bakanteng ospital para sa severe at critical cases ng sakit. Ayon kay Go, ayaw niyang mangyari na walang matakbuhan ang mga naghihingalo at namamatay sa emergency room dahil wala nang hospital beds para sa kanila. Inihayag pa ni Go na anuman ang maging  desisyon ng IATF hinggil sa…

Read More

‘Baptism of fire’ kay P/BGen. Estomo sa Bicol MIYEMBRO NG SINDIKATO PATAY SA PRO5 OPERATION *No. 2 Most Wanted arestado

MISTULANG ‘baptism of fire’ para kay dating PNP-AKG chief at ngayon ay bagong talagang PNP-Police Regional Office 5 director, Brig. General Jonnel C. Estomo ang kanilang unang law enforcement operation na nagresulta sa pagkakapatay sa isang miyembro ng Concepcion crime group at pagkakaresto sa isa pang suspek sa bayan ng Bato sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon kay P/BGen. Estomo, nahuli ng kanilang mga tauhan si Mario Quite Sandrino sa ikinasang law enforcement operation sa Brgy. San Miguel sa nabanggit na bayan. Habang isang hindi pa kilalang suspek na kasama…

Read More

P102-M shabu nasamsam 2 BIGTIME TULAK NAPATAY SA TAYTAY *Tulak sa Cavite, patay rin

RIZAL – Dead on the spot ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group sa Highway 2000 Ext., Brgy. Sta. Ana sa bayan ng Taytay. Kinilala lamang ang isang napatay sa alyas na “Alvin” na siyang target ng operasyon, habang walang pagkakakilanlan ang kasama nito. Ayon kay PDEG chief, Brig. Gen. Remus Medina, nakipagkita ang mga suspek sa madilim na bahagi ng Highway 2000 Ext. para makapagbenta ng shabu. Ngunit hindi alam ng mga suspek na pulis na pala ang kanilang katransaksyon. Matapos maiabot…

Read More

Dahil sa away sa lupa MAGSASAKA SA QUEZON PINUTULAN NG KAMAY

QUEZON – Dahil sa away sa lupang sakahan ng mga tenant at ng may-ari ng lupa, isang magsasaka ang pinutulan umano ng kamay ng landlord sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Victorio Salazar, 36-anyos, residente ng Barangay Pugon. Batay sa report ng San Francisco Police, habang nag-aani ng kanilang tanim na mais ang biktima kasama ng iba pang mga magsasaka nang dumating ang suspek na si Rico Mondilo Jr., 26, computer technician, na armado ng itak at baril. Tinakot umano…

Read More