Suporta sa Coast Guard at BFAR sa WPS PNP-MARITIME GROUP IKAKASA NI ELEAZAR

0

NAKAHANDANG pakilusin ng Philippine National Police ang kanilang PNP-Maritime Group upang suportahan ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa kanilang maritime patrols sa West Philippine Sea.

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na hinirang ng pamahalaan ang PNP upang tumulong sa maritime law enforcement patrols sa rehiyon na mayaman sa aquatic and marine resources.

“The PNP, specifically the Maritime Group, is ready to provide assistance and augment personnel from the PCG and BFAR in enforcing maritime laws on the West Philippine Sea and our Exclusive Economic Zone,” ani PGEN Eleazar.

“Despite our limitations when it comes to resources, we will make sure that it will not discourage and prevent us from asserting and fighting for what is ours,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Gen. Eleazar na sila ay nakikipag-ugnayan sa National Task Force for the West Philippine Sea, PCG at BFAR kung ano ang magiging papel ng PNP Maritime Group bagamat aminado ang PNP na limitado lamang ang kanilang mga kagamitan.

“Malaki na po ang magagawa ng sama-sama nating presensya. Maganda po na mas maraming awtoridad ang nandoon para maipakita natin na nagkakaisa tayo at ipinaglalaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea. (JESSE KABEL)

Read More

DOMINGO PUMIYOK SA RED TAPE SA FDA

0

INAMIN ng mismong administrador ng Food and Drug Administration (FDA) na matagal nang matindi ang “red tape” sa ahensiya.

Ani Undersecretary Eric Domingo, nang italaga siyang administrador ng FDA noong 2019 ay nadiskubre niyang napakaraming aplikasyon ng pharmaceutical firms ang nakabinbin sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) ng ahensya.

Marami sa mga nagsumite ng aplikasyon ay noong 2014 pa nagpasa ng mga rekisito.

Ani Domingo, pinakilos na niya ang CDRR upang mabawasan ang mga aplikasyon ngunit, kamakailan ay nabunyag sa media na mahigit 600 pa ang nakabinbing aplikasyon dito.

Nagreklamo na ang mga kumpanyang ito sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) kaya nagpasya ang huli na imbestigahan ang FDA, partikular ang CDRR. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Globe Libreng Tawag, Charging at WiFi kasado na para sa mga apektado ni #Crising

0

NAKAHANDA na ang Globe para tumulong sa mga residente ng Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato at iba pang lugar kung saan inaasahang mararamdaman ang hagupit ni #Crising.

Naka-standby na rin ang mga Libreng Tawag, Charging at WiFi Services ng Globe na maaaring i-deploy anumang oras sa mga lugar na maaaring mawalan ng koryente dahil sa malakas na hangin at pag-ulan dala ni Crising.

Bahagi rin ng mas pinaigting na pagtugon at kahandaan sa mga kalamidad, nakaantabay na ang mga technical support personnel at maging mga kagamitan gaya ng mga generator para ipadala sa mga lugar kung saan malaki ang magiging epekto ni #Crising.

Bibigyan din ng libreng data ng Globe ang mga Globe at TM customer nito para magamit sa pag-access ng website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at malaman ang mga paghahanda at mga anunsiyo ng pamahalaan sa pananalasa ng mga bagyo.

Nanawagan din ang Globe sa lahat ng mga apektadong residente na makinig o kumuha lamang ng balita sa mga lehitimong news site at mga government concerned agency.

Pinaalalahanan din ng kompanya ang mga kababayan natin sa mga lugar na tatamaan ng masamang panahon na mag-imbak at maghanda ng sapat na pagkain, tubig, gamot, baterya para sa mga flashlight at radyo, kandila at i-charge agad ang kanilang mga mobile phone, tablet, laptop at iba pang mga gadget sakaling mawalan ng koryente.

Pinapayuhan din ng Globe na manatili muna sila sa loob ng kanilang mga bahay kung wala namang pangangailangan na sila ay lumikas sa mas ligtas na lugar. Gayunpaman, mas mainam na rin na maghanda sila ng mga damit, first-aid kit at iba pang mga kailangan sakaling sila ay ilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, alas-11 ng umaga ngayong Biyernes, Low Pressure Area na si #Crising. Inaasahang tutuloy na ito sa Sulu Sea sa susunod na anim hanggang 12 oras.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang GlobeICON on Facebook o bisitahin ang globe.com.ph para sa mga pinakabagong #StaySafePH advisory.

Read More

BI COMM KAPIT TUKO SA PUWESTO?

0

TILA isang teleserye na gaya ng Ang Probinsyano ni idol Coco Martin ang walang kamatayan na pag-abang ng mga taga Bureau of Immigration kung kailan mapapalitan sa pwesto si ­Commissioner Jaime Morente.

Maituturing na raw kasi itong overstaying sa pwesto kaya dapat lang ay palitan na ito.

Kamakailan ay isang balita ang kumalat sa ahensya na isang retired Colonel umano mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakaabang na papalit kay Morente anumang araw.

Ililipat naman umano si Morente sa mas tahimik na puwesto dahil na rin sa kaliwa’t kanang isyu na kinasasangkutan ngayon ng ahensya.

Hmm.. Gaano kaya ito katotoo Mr. Commissioner?

Sabagay mula pa noong pumutok ang mga balita ng alegasyon ng katiwalian sa isang satellite office ng BI sa SM Aura ay todo tanggi at hugas kamay dito si Morente at inalis lamang sa puwesto ang kanyang ­dating itinalaga na hepe.

Maging noong nasibak sa puwesto at nakasuhan ng plunder ang dalawang Deputy Commissioner ni Morente na sina Al Argosino at Michael Robles.

Matatandaang dahil sa pagtanggap umano ng 50 Million pesos sa umano’y middleman na si Wally Sombero upang pakawalan ang halos 1,300 na illegal Chinese workers na ina­resto sa isang raid noon ng mga tauhan ni dating intelligence division Chief Charles ­Calima sa isang resort ni Jack Lam sa Pampanga ay naging buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Morente.

Gaano rin kaya katotoo Sir na kahit back to barracks na ang isa mong kanang kamay na aktibong opisyal ng PNP ay siya pa rin ang nagpapatakbo ng Bureau at dummy lang itong Bisayang Kalbo na si Mang Gorio?

***

Samantala, matapos ang ­ating pambibisto sa kalokohan ng isang tauhan ng Border Control Intelligence Unit (BCIU) ng BI na si Alias GL ay patuloy pa rin umano ang kanyang fixing activities sa BI Main Office sa Intramuros.

Pero ipinapadala na lamang niya ito sa kanyang alalay?

Ganito ba kalakas ang loob ni alias GL kung kaya’t hawak niya sa leeg itong ilang opisyales ng BI Legal Division?

Paging DOJ Secretary Menardo Guevarra Sir!! Muli, pakisilip nga po ang lifestyle ng ­kumag na ito na marami umanong tagong yaman kagaya ng isang mansion sa exclusive village sa Cavite?

Maging ang raket umano ng Huayi Group at ni Alias Charlie sa pagpaparating ng mga Chinese nationals sa NAIA na fake ang endorsement ay patuloy na nakakalusot? Magkano kaya? Abangan!!

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon ay itext lamang ako sa 09158888410.

Read More

MGA SENADOR AT KONGRESISTANG NAGBALEWALA SA MGA MAGSASAKA

0

DALAWANG senador ang alam kong madalas na magsalita para sa buhay, interes at kinabukasan ng mga magsasaka.

Sa Kamara de Representantes, kung hindi ako nagkakamali ay dalawa rin ang kinatawan ng mga magsasaka.

Nakatitiyak ako na kung sila ang tatanungin ay pihadong napakahalaga sa kanila ang mga magsasaka dahil ipinagtatanggol nila ang isa sa mga batayang sektor ng ating lipunan.

Ngunit, kung ­uunawaing mabuti ay hindi talaga ­nakatulong ang dalawang senador at dalawang ­kongresista sa mga magsasaka.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi nila kinakastigo nang husto kailanman ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Agrarian Reform (DAR) kapag palpak, o kaya ma­kupad, ang dalawang ahensiya sa paggampan ng kanilang trabaho, tungkulin at obligasyon sa mga magsasaka.

Mayroon namang gina­gawa ang DA na pinamumunuan ni Secretary William Dar at ang DAR na pinamumunuan naman ni Secretary John Castriciones para sa mga magsasaka, ngunit hindi sapat at hindi rin kumpleto.

Ngunit, kulang ang kanilang aksyon, kundi man makupad.

Pokaragat na ‘yan!

Ang masama, hindi pinuna ng mga senador at kongresista.

Kung kulang , o makupad, ang DA at DAR, nararapat lamang na agresibo ang mga senador at kongresista sa kanilang trabaho bilang ‘tagapagsalita’, ‘kinatawan’ at ‘tagapagbandila’ sa buhay, interes at kinabukasan ng mga magsasaka.

Kung hindi man kaya nina Senadora Cynthia Villar, Senador Francis Pangilinan, Rep. Conrado Estrella III at Rep. Argel Joseph Cabatbat na batikusin, o bigwasan, sina Dar at Castriciones, sana man lang ay pinaalalahanan ng apat na mga mambabatas ang dalawang kalihim.Bago pa man naging mga mambabatas sina Villar, Pangilinan, Estrella at Cabatbat ay nahaharap na sa napakaraming suliranin ang mga magsasakang Filipino mula Luzon hanggang Mindanao.

Problema ng mga magsasaka ang pagpapalago at pagpapaunlad ng kanilang mga pananim, pagbebenta ng kanilang mga pananim, pagbuhay sa kani-kanilang mga pamilya at marami pang iba.

Bukod sa hindi nalulutas ang mga nasabing mga suliranin, patuloy pang sumasahol ang nasabing suliranin.

Kaya, hindi nakapagtatakang hindi umusad at umangat ang buhay ng napakaraming magsasaka.

Kung mayroon mang nagawa sina Villar, Pangilinan, Estrella at Cabatbat para sa mga magsasaka, sigurado akong kulang na kulang ito dahil kitang – kita namang hindi umusad at umangat ang kanilang buhay.

Mahihirap pa rin ang mga magsasaka hanggang kasalukuyan.

Pokaragat na ‘yan!

Palagay ko, alam ng mga magsasaka na alam na alam nina Villar, Pangilinan, Estrella at Cabatbat ang samu’t saring problema at isyu ng mga magsasaka.

Palagay ko, kabisado nila ang napakahirap na buhay ng mga magsasaka dahil kung hindi nila kabisado ay ano pa ang batayan upang sabihing tagapagsalita, kinatawan at tagapagtanggol sila ng mga magsasaka.

Maliban kay Villar, sina Pangilinan, Estrella at Cabatbat ay muling tatakbo sa eleksyong 2022 upang manatiling miyembro ng Kongreso.
Karapatan nilang maging kandidato uli sa posisyong hangad nila, ngunit huwag nilang muling sasabihin at ipangangalandakan sa mga botante na kailangang silang muling ihalal upang ­manatiling mayroong nagsasalita, kumakatawan at nagtatanggol sa mga magsasaka sa Senado at Kamara.

Pokaragat na ‘yan!

Pagkatapos ng ­sadyang pagbabalewala sa mga magsasaka ay muli silang mangangako sa mga magsasaka?!

Kung mali ang obserbasyon ko, mas mainam kung sa mga magsasaka magpapaliwanag ang apat na mga mambabatas hinggil sa mga dahilan kung bakit hindi gumanda at umangat ang buhay ng mga magsasaka, lalo mula nang atakihin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ating bansa.

Pokaragat na ‘yan!

Sa mga magsasaka rin magpaliwanag sina Villar, Pangilinan, Estrella at Cabatbat sa

Kanilang pagpapabaya sa mga magsasaka, sapagkat hindi naman ako kinatawan ng mga magsasakasa sa lehislatura.

Hindi naman ako mambabatas.

Ako ay kolumnista na nagbibigay ng mga pahayag pabor sa mga batayang sektor ng ating lipunan, kabilang na ang mga magsasaka.

Ako ay journalist na nagtatanggol para sa batayang sektor ng ating lipunan, kabilang na ang mga magsasaka.

Read More

Technical men, kailangan ng Pambansang Delegasyon sa global meet

0

PATULOY ang pagdami ng mga Filipinong atletang kakatawan sa bansa sa ­darating na XXXII Games of the Olympiad na nakatakdang ganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Walo na ang opisyal na magdadala ng pambansang watawat sa tuwing ika-apat na taong palaro na tinatawag ding “The Greatest Sports Show on Earth.” Ito ay matapos na ang baguhang rower na si Chris Nievarez ay hindi inaasahang nakapasa sa 2021 Asia-Oceania Continental Olympic Qualifiers ng kanyang sport na ginanap mismo sa Tokyo noong nakalipas na linggo.

Si Nievarez, isang ‘di kilalang miyembro ng Pambansang Koponan na ipinadala sa Tokyo para subukang makipagtagisan sa pinakamagagaling na mananagwan buhat sa iba’t ibang bansa ang pang-walong Filipinong nakalusot sa Olympic qualifiers.

Sasamahan ng 21-anyos na rower na tubong Atimonan, Quezon ang mga nauna nang nag-qualify na sina pole vaulter EJ Obiena ng athletics, world champion gymnast Carlos Yulo, 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, at Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno ng boksing.

Aywan kung ikaliligaya natin o ikalulungkot ang ulat na nalaman lamang ni Chris na siya’y kuwalipikado nang lumahok sa Olimpiyada nang siya at ang kanyang mga kasama sa koponan ay nakarating na sa Maynila at sumasailalim na sa 14-araw na quarantine dala ng COVID-19 pandemic.

Ibig lang sabihin, wala marahil ni isang opisyal ng Philippine Rowing Association na may alam sa panuntunang teknikal sa sport na kanilang kakatawanin ang nakasama sa biyahe, o kung paano makapapasok ang isang mananagwan sa Olimpiyada kahit hindi nakalusot sa qualifying tournament.

Kalimitang nangyayari ito sa iba’t ibang delegasyon na ipinadadala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission para katawanin ang bansa sa mga pandaigdigang palaro tulad ng Olimpiyada, Asian Games, Southeast Asian Games at iba pang malalaking global competitions.

Nakatapos si Nievarez na pang-siyam sa men’s single sculls qualifier, na ayon sa alituntunin ay labas sa unang limang mananagwang awtomatikong makapapasok sa nasabing event. Pero sa dahilang ang host na Japan at Iran ay nakuhang mawalis ang kanya-kanyang event, nabuksan ang pinto para ang mga mananagwang galing sa ibang bansa na natapos ng mula panlima pataas ay mabigyan ng puwesto sa Olimpiyada gaya ng nangyari kay Nievarez.

Ang pahayag ng ­International Rowing Federation na nakuha na nga ni Chris ang isang Olympic slot ay ipinadaan kay Jercyl Lerin, secretary general ng PRA at isa rin license umpire ng IRF na dapat sana’y sumunod sa Tokyo kung saan naghanda si Chris at mga miyembro ng Pambansang Koponan.

“Dapat tayong matuwa dahil mga tapat, maginoo at disente ang mga opisyal ng International Rowing Federation. Kung sa ibang pederasyon nangyari yun, malamang hindi na natin nalaman na isang “Filipino rower has, indeed, made it to the Olympic Games,” natatawang sabi ng dating long-time PRA president Benjie Ramos sa panayam sa kolumnistang ito.

Sangayon din si Ginoong Ramos sa suhestiyon na kung magpapadala ang bansa ng ­delegasyon sa sports competitions, dapat ay magsama ng isang technichal man na nakaaalam ng mga alituntunin sa sport na lalahukan. At dapat may kahit isang reporter din na kasama upang maiulat ng tama ang mga kaganapan sa kompetisyong sinalihan ng atleta, para maging patas ang trato sa naging performance niya.

Si Nievarez, halimbawa, ay lumahok sa open competition ng single sculls, isang event na mas mahirap kaysa dibisyon ng lightweight kung saan mas malakas siya dahil ito ang siyang talagang forte ng Filipino. Hindi ito naipaliwanag ng sumulat ng press release na isinalin ng mga Filipinong mamamahayag na walang isa mang nakasama sa biyahe.

“Walang lightweight event sa Olympics kaya napuwersa si Chris na mag-compete sa open category na unfamiliar sa kanya,” paliwanag ni Ramos. “Kung my lightweight sa Olympics at sa event na iyon lumaban si Chris, baka hindi lamang nag-qualify ang bata natin, baka nag-medal finish pa.”

Ganoon pa man, gaya ni Ramos, lubos din ang naging kaligayahan ni PRA president Patrick Gregorio, POC president Bambol Tolentino at PSC chair Butch Ramirez sa karangalang natamo ni Nievarez, na unang naging miyembro ng Pambansang Koponan noong 2016 sa edad na 15-anyos.

Pinutol ni Nievarez, Grade 12 student ng Commonwealth High School, ang dalawang dekadang pagkauhaw sa rowing ng bansa, mula nang si Benjie Tolentino ay katawanin ang Pilipinas noong 2000 Sydney Olympics. Una rito, ang kanyang coach na si Ed ­Maerina ang kumuha ng karangalan bilang kauna-unahang mananagwang Filipino na nakarating sa ­Olimpiyada, nang ang rowing ay napasa-kalendaryo ng Seoul Olympics noong 1988.

“Sobrang saya ko po, hindi ko maipaliwanag. Nagulat din po ako,” ani Nievarez nang nalaman na pasok na siya sa Tokyo Games, habang sumasailalim sa quarantine.

Read More

Ugnayan ng PNP at Muslim community palakasin PARA SA TUNAY NA KAPAYAPAAN -ELEAZAR

0

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) chief P/General Guillermo Eleazar ang lahat ng regional at maging field at unit commander ng Pambansang Pulisya na higit pang palakasin ang magandang working relationship sa Islamic Community leaders.

Sa selebrasyon ng Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim kahapon ay binigyang diin ng heneral na ang magandang samahan ng PNP at Muslim communities ay magbibigay-daan sa tunay na kapayapaan at pag-unlad.

Ayon pa kay Gen. Eleazar, mapatutunayan din dito na kayang mamuhay nang mapayapa at magkasama ng mga Kristiyano at kapatid na Muslim sa bansa.

Kahapon ay binisita ni Gen. Eleazar ang Salaam Compound sa Barangay Culiat, Quezon City upang makiisa sa selebrasyon ng Eid’l Fitr at isinalaysay kung paano ang Quezon City Police District sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagawang pangalagaan ang magandang samahan sa mga lider at kasapi ng Muslim community upang matiyak ang peace and order sa lugar.

“This good working relationship became a proof that our barangay clustering system, a strategy to effectively manage anti-illegal drugs and anti-criminality campaign, is really working. This became my inspiration to replicate this across the country,” sabi pa ng heneral.

Pinaliwanag pa ng opisyal na ang pagsasama-sama ng mga barangay ay lumilikha ng mini-barangays sa loob ng isang barangay upang mapadali para sa mga pulis at barangay officials na mapamahalaan ang anti-drugs at anti-criminality programs.

Ang bawat cluster o grupo ay maaring buuin ng isang purok, sitio, condominium building, subdivision o kahit grupo ng mga bahay sa barangay. At bawat cluster ay may Neighborhood Watch Group na siyang magmamanman sa presensiya ng illegal drug personalities at iba pang criminal elements at iuulat naman sa mga pulis para sa kaukulang aksyon.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Gen. Eleazar ang mga pinuno at kasapi ng Salaam Compound sa kanilang tuloy-tuloy na kooperasyon sa kapulisan para mabura ang negatibong pananaw sa mga Muslim.

“Islam is a religion of peace and so do other religious faiths. If we remove negative stereotyping and learn to respect one another, a peaceful co-existence between Muslims and Christians will definitely be assured in our country,” ani PGEN Eleazar.

“Kahit anoman ang ating paniniwala, ang dugong Pilipino ang siya pa ring nananalaytay sa ating mga ugat. Gawin natin itong isang magandang instrumento upang maabot ang ating mithiiin na tunay na kapayapaan at progreso ng ating bansa,” dagdag pa ng heneral.

Sa nasabing pagdiriwang ay pinangunahan din ni Eleazar ang Barangayanihan Food Bank Event upang patingkarin ang selebrasyon ng Eid’l Fitr.

“As the country celebrates Eid’l Fitr, I invite our Muslim brothers to share our dream of a peaceful, harmonious and progressive community to make our country a better place to live in,” pahayag pa ni PGEN Eleazar. (JESSE KABEL)

Read More

Kamara at Senado nagpatutsadahan AWAY SA ‘PORK’ NABUHAY

0

(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG nabuhay ang away ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso sa “pork barrel” matapos pitikin ng isang lider ng Kamara si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa nasabing isyu.

“Do some reality check,” hamon ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano kay Lacson matapos muling pag-initan ng senador ang umano’y congressional insertions para mapondohan ang karagdang supply ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa isang interview kay Lacson, iminungkahi nito na gamitin ang congressional insertion na tinawag umano ng Department of Budget and Management (DBM) bilang “for later release” para makabili ng P20 billion halaga ng karagdagang bakuna.

Hindi ito nagustuhan ni Paduano dahil ang Kamara lamang umano ang nakikita ni Lacson subalit nagbubulag-bulagan naman sa sariling bakuran.

“Tumingin ka muna sa sarili mong bakuran, the House of Senate is one-half of Congress that you are talking about. I hate to say this, but the honorable senator is fond of mocking the House of Representatives,” ani Paduano.

Ayon sa mambabatas, kung nais ni Lacson na makahanap ng karagdagang pondo para sa COVID-19 vaccines ay gamitin ang budget ng mga ito sa pagpapatayo ng Senate building sa Taguig.

“The problem with Senator Lacson is the fact that he always project himself as upright and clean by disowning the budget,” dagdag ng mambabatas.

Kinastigo rin nito si Lacson dahil nakikialam aniya sa trabaho ng Executive Department partikular na sa implementasyon ng General Appropriations Act (GAA) gayung ang trabaho nito ay gumawa lang ng batas.

“Members of Congress are elected to legislate as well as to ensure that laws are faithfully executed. The President is elected to direct the affairs of the Government and Execute the laws faithfully, to each his own, mahirap naman ‘yan na senador ka na tapos ikaw magpapatupad ng batas, hindi na yata tama ‘yan,” ayon pa kay Paduano.

Read More