AMINADO si Senador Manny Pacquiao na nakukulangan siya sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea. Ipinaalala ni Pacquiao na isa sa nagpalakas ng loob ng mga Filipino ang naging pahayag ni Pangulong Duterte noong kampanya na handa itong magjetski at maglagay ng bandila ng Pilipinas sa WPS. “Nakukulangan ako doon kumpara doon sa bago pa siya tumakbo, mag-eeleksyon pa lang dapat ipagpatuloy niya yun para magkaroon din naman tayo ng respeto,” saad ni Pacquiao. Umaasa ang Pambansang Kamao na maninindigan…
Read MoreMonth: May 2021
KAPAKANAN, INTERES NG PINOY SA WPS PRAYORIDAD NI DUTERTE
TINIYAK ni Senator Christopher “Bong Go” sa publiko na kapakanan at interes ng mga Pilipino ang pinaka-nangunguna sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea. Sinabi ni Go na si Pangulong Rodrigo Duterte ang chief architect ng independent foreign policy ng bansa at kailangan nitong ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa international partners sa pagtugon sa COVID-19 habang tinitiyak ang interes ng bansa sa usapin sa teritoryo sa WPS. Ayon kay Go, nais ng pangulo na isulong ang dapat isulong, ipaglaban ang dapat ipaglaban at isantabi muna…
Read MorePAGCOR INAPRUBAHAN NA ANG ONLINE SABONG
SA gitna ng malaking pangangailangan ng pamahalaan ng pondo ngayong pandemya, inatasan ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan na ng lisensya ang ilang online sabong sites para maging legal na ang kanilang operasyon. Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license”. “Pag may license kasi, namomonitor namin ang…
Read More1ST IMPORTATION NG PBR MINO-MONITOR NG BOC-PORT OF LIMAY
Bilang bahagi ng pangako ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpapaganda ng kalakalan ng bansa, pinangunahan ni Port of Limay acting District Collector William B. Balayo, ang inspeksyon ng paglabas ng Indonesian Steam Coal na nakalaan para sa Petron Bataan Refinery (PBR) sa SMC private port na matatagpuan sa probinsya ng Bataan. Ang importasyon ay kinokonsiderang first importation ng Petron Bataan Refinery bilang isang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB)-Registered Entity. Ang unang importasyon ng PBR ay sumailalim sa mahusay na pagsunod sa lahat ng requirements at kasalukuyang…
Read MoreBAGONG EXAMINATION AREA BINUKSAN NG BOC-PORT OF MANILA AT ATI
Para sa mas lalo pang ikagaganda ng kalakalan sa Manila South Harbor, ang Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) at Asian Terminals, Inc. (ATI) ay nagbukas ng karagdagang designated examination area (DEA) na matatagpuan sa Delgado St. Port Area, Maynila. Ang Delgado ramp kung tawagin nila ay fully operational na matapos na mailagay ang lahat ng security measures sa lugar pati na ang pagtatalaga ng mga personnel mula ESS, CIIS, PDEA, at Coast Guard. Nagkabit na rin ng mga CCTV sa area. Apat na slots ang inilagay sa…
Read MoreIsinampa ng Bureau of Customs CRIMINAL CASES VS TRADERS OF CIGARETTES, GENERAL MERCHANDISE
Patong-patong na kaso ang isinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang kumpanya at kanilang mga customs brokers na nagpuslit ng sigarilyo at iba pang mga kalakal. Ang mga sinampahan ng kaso ay ang JDR General Merchandise at ang Gingerbreadman Trading kasama ang kani-kanilang mga customs brokers. Ang JDR General Merchandise at kanilang customs broker ay nag-import umano ng mga pekeng sigraliyo at iba pang kalakal. Subalit nagtangka silang palusutin ito sa BOC sa pamamagitan ng tinatawag na misdeclaration ng dalawang shipments sa Manila…
Read MoreBOC MAS LALO PANG PINAHUSAY ANG ANTI-SMUGGLING AT BORDER PROTECTION
Ni JOEL O. AMONGO Dahil sa pagtugon ng Bureau of Customs na mapaigting pa ang border security, ipinatupad ng ahensiya sa pamamagitan ng kanilang Risk Management Office (RMO) ang tinatawag na ‘selectivity updates’ upang mapabuti ang kampanya laban sa smuggling at border protection. Dahil dito, ang ‘selectivity adjustment’ ay nagresulta sa pagdami ng mga containers na hindi na kailangan pang isailalim sa pisikal na eksaminasyon partikular na sa Manila International Port o MIP. At upang mapangasiwaan ng husto ang mga ito, nakipagtulungan ang Manila International Container Port (MICP) sa X-ray…
Read MorePONDO NG OWWA, NAUUBOS NA NGA BA?
MATAPOS na lumabas sa balita ang panawagan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III para sa karagdagang pondo ng Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA) upang matustusan ang gastusin ng mga OFW na nasa quarantine area, maraming mga OFW ang nangangamba na sila na ang babalikat sa pagbabayad sa hotel, transportasyon at pagkain sa panahon ng kanilang quarantine sakaling umuwi sa Pilipinas. Nitong Abril 29, 2021 ay isinagawa ang regular OWWA Board of Trustees meeting na pinamumunuan ni Sec Bello at doon ay aming napag-usapan ang tunay…
Read MoreIMMIGRATION ASSISTANT TIRADOR NG EXCLUDED PASSENGERS
ISANG immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) ng Bureau of Immigration ang diumano ay tirador ng mga dayuhang excluded passengers sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Siya raw ang madalas na nakikitang nag-aayos bilang fixer ng mga kawawang dayuhang biktima sa main office ng BI sa Intramuros Maynila. Itago natin siya sa alias na GL at kasabwat umano niya ang mga tiwaling tauhan ng BCIU at TCEU na nakabase sa NAIA. Ang mga taga BCIU at TCEU ang siya naman daw naglalakad ng Recall of…
Read More