5,754 DAGDAG NA CONTACT TRACERS SA NCR

LUMAGDA sa kasunduan noong Sabado (Labor Day) ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na kinabibilangan ng DILG, DOLE, at MMDA para sa deployment ng 5,754 na bagong contact tracers para sa National Capital Region. Bilang bahagi ng pinaigting na contact tracing effort ng pamahalaan, nagkasundo ang mga nasabing ahensya sa implementing guidelines para sa hiring, training, at deployment ng 5,754 contact tracers (CTs) sa NCR. Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang nasabing bilang ng contact tracers ay mas marami ng 1,000 sa 4,754 CTs na naunang ipinangako ng…

Read More

DAYUHAN, EXPATS KASAMA SA BINAKUNAHAN

KABILANG na sa mga nabakunahan sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno ang ilang mga dayuhan at expats. Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, may foreign nationals nang nakatanggap ng bakuna na nasa A2 at A3 category. Aniya, bahagi rin ito ng reciprocity o pagsusukli sa ginagawa namang pagbabakuna ng mga dayuhang bansa sa ating mga OFW para mabigyan ng proteksiyon sa COVID-19. Dahil dito, inilakip din ng gobyerno ang mga dayuhan at expats na makinabang sa pagbabakunang ginagawa ng pamahalaan. Samantala, nitong huling pag-uulat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte…

Read More

PAGPATAY KAY CUI PINASISIYASAT NI PDU30

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay kay government consultant Mariano Antonio “Marton” Cui III sa San Carlos City, Negros Occidental noong nakaraang buwan. Sa inisyal na imbestigasyon ng San Carlos City Police Station, napag-alaman na lumabas si Cui sa kanyang opisina at pasakay na sa kanyang sasakyan kasama ang dalawang bodyguard nang maganap ang krimen. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mariing tinuligsa ni Pangulong Duterte ang pagpatay kay Cui, na nagsilbi rin bilang chief-of-staff ni dating Negros Occidental first…

Read More

MURDER SUSPECT PATAY SA PARAK

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkamatay ng isang wanted person sa kasong murder, matapos na manlaban umano sa joint operatives ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at RIU-NCR sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, sa implementasyon ng warrant of arrest. Kinilala ni CIS chief, P/Maj. Elmer Monsalve ang napatay na suspek na si Ramon Quillo y Esmani, 48, may asawa, security guard, tubong Bacolod at residente sa Lower Pinatubo, Amety Vill, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal. Ayon sa imbestigasyon, si…

Read More

7 HULI SA DROGA SA VALENZUELA AT MALABON

PITONG drug suspek ang nadakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Valenzuela. Sa Malabon City, swak sa selda ang apat na drug personalities makaraang masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Joel Villanueva ang arestadong mga suspek na sina Harold Arroyo, 47; Usha Tobias, 18; Sherwin Operario, 25, at Niño Cacnio, 44-anyos. Ayon kay Col. Villanueva, dakong alas-12:05 ng madaling araw nitong Lunes nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna…

Read More

MOST WANTED SA BOHOL, HULI SA QUEZON CITY

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Antonio C. Yarra ang matagumpay na pagkakaaresto sa no. 1 most wanted person sa Candijay, Bohol Municipal Police Station, sa manhunt operation ng police operatives sa Quezon City noong Mayo 1. Sa report ni Masambong Police Station (PS-2) station commander, P/Lt. Col. Ritchie Claravall, kinilala ang arestado na si Alejandro Lacar, 56, pedicab driver at residente sa #26 Huna St., Sitio San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City. Si Lacar ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa…

Read More

Journalist sa Capiz itinumba MEDIA NANANATILING UNDER ATTACK – SOLON

NANANATILING “under attack” ang fourth state o ang media sa kasalukuyang panahon. Ito ang opinyon ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate dahil isang araw bago ang paggunita sa World Press Freedom Day, isang miyembro ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa Capiz, ang itinumba. Ang tinutukoy ni Zarate ay ang biktimang si John Heredia, 54, dating chairman ng NUJP sa Capiz, na pinatay ng riding in tandem noong Linggo sa Roxas City. Kamakalawa lamang aniya, isang mamamahayag sa Kalinga ang pinilit na burahin ang kuha nitong…

Read More

Giit ng labor groups P10K WAGE SUBSIDY SA WORKERS

NANINDIGAN ang Partido Manggagawa (PM) na hindi ito pabor sa P8,000 wage subsidy na plano ng administrasyong Duterte. Ayon sa tagapagsalita ng PM na si Wilson Fortaleza, hanggang sa kasalukuyan ay nananatili sa P10,000 kada buwan ang kahilingan ng nasabing samahan ng mga unyon ng mga manggagawa. Idiniin din ni Fortaleza, ang P10,000 wage subsidy ay dapat ipamahagi sa lahat ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang pahayag ni Fortaleza ay reaksyon hiningi ng SAKSI Ngayon sa beteranong lider-manggagawa hinggil sa paliwanag…

Read More

DUTERTE NAKAPILI NA NG KAPALIT NI SINAS

NAKAPAMILI na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung sino ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP). Gayunman, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala siyang go signal para isiwalat at ianunsyo sa publiko kung sino ang napisil ni Pangulong Duterte na kapalit ni PNP chief Police General Debold Sinas, na nakatakdang magretiro sa Mayo 8. “I know he has made the decision but I’m not at liberty to announce anything unless I have the appointment paper,” ayon kay Sec. Roque. Kaugnay nito, sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo…

Read More