TAAS-BUWIS SA PRIVATE SCHOOLS KINATIGAN NG PALASYO

SUPORTADO ng Malakanyang na taasan ang corporate income tax ng pribadong eskuwelahan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, suportado ng Malakanyang ang posisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez II, na nanindigan sa naging desisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpatupad ng “higher” income tax sa mga private school. Pinanindigan ni Dominguez ang BIR regulation. Giit nito, sinusunod lamang ng BIR ang “original definition” ng Tax Code nang gawin nila ang bagong ruling. “Nagsalita na ang ating kalihim na Secretary of Finance and we, of course, support the position…

Read More

KAUTUSAN NG CA HINGGIL KAY REP. VELOSO IPINASA NG PALASYO SA PNP

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) ang pagtugon sa naging kautusan ng Court of Appeals na alisin na sa “narcolist” ng gobyerno ang pangalan ni dating CA Justice at ngayo’y Leyte Rep. Vicente Veloso III. Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, ito’y lawful order mula sa korte maliban na lamang kung may aapela. “We leave that for the PNP to comply with because that’s a lawful order from the courts, unless there will be an appeal,” ang pahayag ni Sec. Roque. Sa ulat, kinatigan ng CA…

Read More

AKSYON AT TAGUMPAY DAPAT IPAGPUGAY

“LIVE your belief and you can turn the world around”, minsang sinabi ni Henry David Thoreau. Ang nasabing pahayag ay puwedeng maging inspirasyon hanggang ngayon dahil sa napakagandang aral nito. Kaya, malaki ang pasasalamat ko dahil habang isinasagawa ang aming ­programa sa radyo ay nailigtas namin ang isang OFW na anim na araw nang nagkulong sa kanyang kuwarto dahil siya ay tinangkang ibenta umano ng kanyang amo sa ibang employer. Ang mabilis na aksyon ni Atty. Llewelyn Perez, Kuwait Welfare Officer ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ay naging inspirasyon…

Read More

MACHO CHIQUITO NG BI, HAWAK NG ‘SINDIKATO’

SA kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon at pag-abuso sa kapangyarihan itong kawani ng Bureau of Immigration (BI) na binansagan nating “Macho Chiquito” ay tila “untouchable” kay mismong pinuno ng ahensiya na si Commissioner Jaime Morente. Ipinarating sa Bistador ng mapagkakatiwalaang source na hanggang ngayon ay walang ipnag-utos si Morente na imbestigasyon laban kay alyas Macho Chiquito. Ibinulong ng source sa ­Bistador na madalas na nakikita si Macho Chiquito na pumapasok sa Commissioner’s Office. Habang naglalakad patungo sa tanggapan ni Morente ay halos pumutok umano ang bulsa nitong si…

Read More

PACQUIAO, ISKO BATIKUSIN N’YO LAHAT NG KAPALPAKAN NI DUTERTE

BINABATIKOS na ngayon ni Senador Emmanuel ­”Manny” Pacquiao si Pangulong ­Rodrigo dahil balak nitong tumakbong pangulo sa halalan sa Mayo 2022. Dati, hindi binira ni Pacquiao si Duterte dahil solido ang suporta ng mambabatas sa pangulo. Ngayon, pinuna ni Pacquiao si Duterte dahil “nakukulangan” ang una sa aksyon ng pangulo laban sa pagpasok, paglalayag at pagtambay ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS). Kung tutuusin, napakababaw ng pahayag ni Pacquiao kay Duterte, pero tila nabuwisit na ang boksingero sa pangulo. Pinitik lang ni Pacquiao si Duterte. At…

Read More

Saso, Obiena pinalakas ang tsansa ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold medal

SINO ang nagsabing naghihingalo na ang ­Philippine sports at malapit nang pumanaw? Ilang kaganapan nitong nakaraang linggo ang nagpatunay na ang resulta ng pagsusuring ginawa ng ilang sektor ay walang katotohanan. Sa ngayon! Una, isang napakalaking karangalan ang naihandog ng Filipina-Japanese golfer na si Yuka Saso nang makoronahan siyang kampeon ng U.S. Women’s Open noong Linggo (Lunes sa Maynila) sa Lake Course ng Olympic Club sa San Francisco, California. Kauna-unahan niyang panalo ito sa LPGA Tour na nag-akyat sa kanya mula sa ranggong pang-22 ng International Golf Federation Olympic qualifiers…

Read More

Sa operasyon ng jueteng sa Cavite ROLETA NG BAYAN GAMIT NI ‘JOHN YAP’

(NELSON S. BADILLA) TOTOONG namamayagpag ang jueteng empire ng isang alyas “John Yap” sa Cavite. Tiniyak ito ng mapagkakatiwalaang source ng SAKSI Ngayon. Ngunit, hindi halata dahil ang gamit ng jueteng ng nasabing John Yap ay “Roleta ng Bayan”. Sa ibang salita, puwedeng sabihing “prente” ang roleta ng bayan. Tinuran ng source na malaking kalokohang roleta ang gagamitin ng nagpapajueteng para ikasa ang operasyon nito sa mga lungsod at bayan ng Cavite, samantalang napakalawak ng lalawigang ito. Sa sobrang lawak ng Cavite ay pinaniniwalaang napakaraming butas ang jueteng empire ni…

Read More

DEATH PENALTY IBABALIK NI DUTERTE

MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagbuhay ng parusang kamatayan. Giit ng Pangulo, basta’t karumal dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment. Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty. “I have always been for the restoration of the death penalty. Wala man — the law was — I think the law was not abrogated, suspended lang. So wala. Sinuspend (suspend) lang ‘yong mga — just ‘yong the act…

Read More

GCQ SA NCR PLUS MULA HUNYO 16

MALAKI ang posibilidad na bumaba sa general community quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15. Ang basehan ani Presidential spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate. “For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” ayon kay Sec. Roque. “So I would say in fact that based on the figures, Metro…

Read More