Batas ikinasa sa Senado LIBRENG COVID TEST SA JOBSEEKERS

NAGHAIN si Senador Sonny Angara ng panukalang batas na magbibigay ng libreng COVID-19 test sa lahat ng naghahanap ng trabaho bilang pagpapasigla sa ekonomiya. Sa pahayag, sinabi ni Angara na maraming problemang kinahaharap ang walang trabaho kaya nahihirapan silang makatugon sa pangangailangan ng bagong empleyo kabilang dito ang negatibong resulta ng COVID test sa credentials na kanilang isusumite. “For jobless breadwinners, it is choosing between two sacks of rice or a RT-PCR swab,” ayon kay Angara na tumutukoy sa P3,500-P5,000 halaga ng COVID test. “It is a big start-up cost…

Read More

ILOG-PASIG PASOK SA WORLD’S TOP PLASTIC POLLUTER

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang pagkakasama ng Ilog Pasig at 18 iba pang ilog sa bansa sa listahan ng ‘World’s Top Plastic Polluter’. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang ganitong usapin ay hindi aniya dapat ipagmalaki. “Well, nakakalungkot po iyan, that is not something na we should be proud of. Dati nga po ay mayroon pa tayong komisyon just on Pasig River, pero wala ring nangyari,” ani Sec. Roque. Para sa kanya, talagang kinakailangan na ipatupad ang existing laws, ipatupad ang obligasyon ng mga water concession agreements na…

Read More

Resulta ng 2 araw na brownout PH NALUGI NG P116-M

INIHAYAG ni Senador Sherwin Gatchalian na umabot sa P116 milyon ang nalugi sa ekonomiya sa franchise area ng Meralco lamang sanhi ng 2-araw na rotating brownout sa Luzon grid noong nakaraang linggo. Sa kanyang opening remarks sa ginanap na imbestigasyon kung bakit nagkaroon ng preventive shutdown sa ilang planta, sinabi ni Gatchalian noong nakaraang Mayo 31 at Hunyo 1, nagkaroon ng rotational brownout sa maraming bahagi ng bansa na lubhang naapektuhan ang aabot sa 705,000 customer sa loob ng 2 araw. “Sa franchise areas lamang ito ng Meralco,” ayon kay…

Read More

BAKUNADONG DAVSUR GOV, PATAY SA COVID-19

PUMANAW sa edad na 77 ang gobernador ng lalawigan ng Davao del Sur matapos dapuan ng kumplikasiyon sa COVID-19 habang ginagamot sa isang ospital sa Digos City, Davao del Sur kahapon. Mismong kanyang pamilya ang nagkumpirma sa pagkasawi ni Davao del Sur Governor Douglas Cagas habang nakaratay sa Medical Center of Digos Cooperative alas-5:30 ng madaling araw. Matatandaan na nagpabakuna pa ang opisyal para sa COVID-19 nitong nakaraang linggo, pero makalipas ang ilang araw ay humina ang kalusugan at dinala sa nasabing ospital noong Huwebes at ilang araw na nakipagbuno…

Read More

KAGAWAD NG MEDIA BABAKUNAHAN NA RIN

INIREKOMENDA ni Bulacan Governor Daniel Fernando kay Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis ang listahan ng lahat ng mga lehitimong Bulacan-based media practitioner bilang essential sector na nakapaloob sa A4 frontline personnel upang mabakunahan laban sa COVID-19. Nabatid na nakipag-ugnayan ang gobernador kay Bulacan Press Club Inc. (BPCI) former president Erick Silverio, correspondent ng The Manila Times kung saan nais nito na maisama na sa priority list (A4 category) ang mga mamamahayag para bakunahan. Ito ay matapos hilingin ng BPCI sa ilalim ng…

Read More

MANAGER NG SECURITY AGENCY, ITINUMBA

NORTH COTABATO – Isa na namang kawani ng Brigada Group of Companies ang pinaslang sa Purok 5, Intake, Barangay Mabuhay, General Santos City. Kinilala ang biktimang si Demar Santos, 37, manager ng Global Dynamic Security Agency sa ilalim ng Brigada Group, at residente ng Purok Kaunlaran, Barangay San Isidro ng lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, nakasakay sa isang Strada pick-up ang biktima habang binabaybay ang nasabing lugar nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles. Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng…

Read More

PAHINANTE NA-SANDWICH SA DUMP TRUCK

LAGUNA – Patay ang isang pahinante matapos na maipit sa pagitan ng dalawang dump truck sa national highway sa Barangay Imok sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Romy Lazarito, 42-anyos, residente ng Noveleta, Cavite. Batay sa report ng Calauan Police, ang biktima ay naipit sa dalawang Sino dump truck na parehong pag-aari ng kanilang trucking services. Nasiraan umano ang isa sa dump truck at tumawag ang driver sa ikalawang dump truck na sinasakyan ng namatay na pahinate, para magpatulong sa pagpapalit…

Read More

CHICKEN DEALER TINARAKAN SA LEEG, PATAY

CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang saksakin ng kutsilyo sa leeg ng kapwa chicken dealer habang nagpapahinga sa duyan sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Rico Rosette, nasa hustong gulang, dealer ng Top 7 Chicken habang ang suspek ay si Daniel Cecista, kapwa nito dealer sa nasabi ring kumpanya. Ayon sa ulat ni P/Corporal Mar Jay Bencito ng Magallanes Police, dakong alas-2:30 ng hapon habang nagpapahinga sa duyan ang biktima sa isang tindahan sa Sitio Sumandal, Brgy. Kabulusan, Magallanes nang…

Read More

Sa halos dalawang buwan LAGUNA COVID CASES ‘DI BUMABABA

LAGUNA – Halos dalawang buwan nang hindi bumababa ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lalawigan, ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad. Ayon kay Dr. Bagamasbad, naglalaro sa 200 hanggang 300 kada araw ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso na naitatala sa probinsya. Mahigit 4,000 ang active cases, 80 porsyento rito ay galing sa mga lungsod ng San Pedro, Sta. Rosa, Biñan, Cabuyao, Calamba at San Pablo. Ayon kay Dr. Bagamasbad, ang lungsod ng Calamba ang may pinakamarami na may 1,700 kaso. Sa kanilang obserbasyon, ito…

Read More