UMABOT sa 21 katao ang arestado sa isang call center na pugad umano ng kahalayan at online scam sa Valenzuela City. Hindi nakaporma ang mga suspek nang dakmain ng mga parak sa ikalawang palapag ng hindi pinangalanang gusali sa lungsod ngunit nagmatigas ang tagapamahala ng establishment na idiniing wala silang ilegal na ginagawa. Ayon sa pulisya, noong Mayo ay may nag-tip sa kanila hinggil sa umano’y kalaswaan at panlolokong nangyayari sa nasabing establishment na ang modus umano ay mang-akit ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pekeng profile pictures at mahahalay…
Read MoreMonth: July 2021
CHINESE TRADER TINODAS SA ELEVATOR
MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District ang pagpaslang sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese na pinagbabaril sa loob ng elevator ng isang condominium sa Binondo, Manila noong Martes ng hapon. Malaki ang hinalang may kaugnayan sa negosyo ang pagpatay sa biktimang kinilalang si Wen Dun Chen, residente ng Mandarin Square sa Ongpin St., Binondo. Malaki ang hinala ng pulisya na hitman ang gunman na ayon sa saksing si Freddie Boy Yacob, operator ng elevator, ay nag-iisa lamang ang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon, 5’7″ ang…
Read MoreSa vaccination rollout 1.7-M TARGET POPULATION MAAABOT NA NG QC
MALAPIT nang maabot ng Quezon City ang 1.7 milyong target population sa vaccination rollout sa nasabing lungsod. Ayon sa ulat, hanggang nitong Hulyo 13, umabot na sa 1,013,988 jabs ang nagawa ng Quezon City government magmula nang simulan ng siyudad ang bakunahan noong Marso. Sa nasabing bilang ay 686,311 o katumbas ng 40.37% ng 1.7 million target population ang nakatanggap ng kanilang first doses, habang nasa 327,677 o katumbas ng 19.28% ng parehong target ang fully protected matapos makatanggap ng kanilang second doses. Iniugnay ni Mayor Joy Belmonte ang tagumpay…
Read More2 NPA UTAS, 2 PA ARESTADO SA ENGKWENTRO
NORTH COTABATO – Bumulagtang walang buhay ang dalawang kasapi ng komunistang New People’s Army (NPA) habang arestado naman ang dalawa pang rebelde makaraang makipagsagupa sa mga tropa ng pamahalaan sa bayan ng Bacuag sa lalawigan ng Surigao del Norte. Batay sa ulat ng 30th Infantry Battalion (30IB), agad naglunsad ang kanilang tropa ng operasyon laban sa pangkat ng mga rebelde matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga sibilyan na may presensya ng sampung NPA sa Pan-ukan, Barangay Camboayon sa nasabing bayan. Ang grupo ng mga rebelde ay pinamumunuan ni Alberto…
Read MoreTOTOY PINATALON SA ILOG, NALUNOD
CAVITE – Nalunod ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang tumalon sa ilog kahit hindi marunong lumangoy dahil sa kantiyaw ng mga kaibigan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Namatay noon din ang biktimang si alyas “Drin,” ng Silang Crossing East, Olivarez, Tagaytay City. Ayon sa ulat ni Pat. Minervin Castillo ng Silang Police Station, dakong alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa isang ilog sa Destura St., Brgy. Malabag, Silang, Cavite kung saan dumayo pa ang biktima at ilang kaibigan nito para maligo sa…
Read MoreNadakip ng PNP-PRO5 sa Sorsogon NPA SUPPORTER HULI SA BALA, BARIL
ARESTADO ang isang kilalang supporter ng komunistang New People’s Army (NPA) sa inilunsad na law enforcement operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa bayan ng Donsol sa lalawigan ng Sorsogon noong Martes. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, nakumpiskahan ng baril at mga bala ang 58-anyos na si Rommel Abetria Mandane sa ikinasang operasyon sa bisa ng search warrant dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na inilabas ni Hon.…
Read MoreMERCHANDIZER INARESTO SA ‘BUKOL’ SA SHORTS
CAVITE – Arestado ang isang 33-anyos na merchandizer makaraang mapansin ang nakabukol sa kanyang shorts na natuklasang luncheon meat pala na tangkang ipuslit ng suspek mula sa isang supermarket sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na kinilalang si Randy Japonar, binata, merchandizer ng Save More Supermarket sa Brgy. Poblacion 5, Amadeo, at residente ng Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Alvin Balbuena ng Amadeo Police Station, dakong alas-10:42 ng umaga, palabas si Japonar para magmeryanda nang pigilan…
Read MoreNAKIKINABANG BA ANG GOVT SA SMUGGLED ITEMS?
IMBESTIGAHAN NATIN NI LUCAS CASTIGADOR MAY mga taong nagtatanong sa Imbestigahan Natin kung may pakinabang daw ba ang gobyerno sa mga nakukumpiska ng Bureau of Customs (BOC) na smuggled items na pumapasok sa bansa. Ang pagkakaalam ng Imbestigahan Natin, depende sa kalakal na nahuhuli ng BOC, sa pamamagitan ng labingpitong district collection units sa buong bansa. Kung tulad ng mga pekeng sigarilyo, pekeng bags, shoes at pagkaing posibleng kontaminado ng bakterya ay walang pakinabang ang gobyerno rito. Sa halip, gumagastos ang gobyerno sa pagdurog, o pagwasak, sa mga ito. Ang…
Read MoreP9.9-M KOLEKSYON NG BOC-XIP
IKINATUWA ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang magandang nagawa ng X-ray Inspection Project (XIP) dahil nakakolekta ito ng P9.9 milyon. Ayon sa ulat, ang P9,947,027.01 karagdagang taxes at duties mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon. Naganap ang magandang koleksyon dahil sa “continuous drive to intensify its operational performance through enhanced trade facilitation, improved revenue collection, and strengthened border protection, the X-ray Inspection Project (XIP) generated significant impacts to the performance of the Bureau”. Mula Enero hanggang Hunyo, pumalo sa 380,037 containers ang nasiyasat ng XIP na nagresulta…
Read More