Inanunsyo ng PlayTime ngayon ang paglagda ng South American Dota 2 sa kanilang pinalawak na professional circuit.
Ang bagong kabanatang ito ay dumating sa panahon na ang organisasyon ay humiwalay ng landas sa orihinal nitong majority Filipino core roster na sina Akashi, Pipi, Raven, DJ, at Kuku – kasama ang head coach ng grupo na si SunBhie.
Isang kinatawan ng PlayTime ang nagpahayag ng pasasalamat sa mga papaalis na manlalarong Pilipino, at sinabing, “We thank Akashi, Pipi, Raven, DJ, and Kuku for their dedication and contributions to PT Sports. They helped lay the foundation for our Dota 2 program, and we wish them nothing but the best in their future endeavors.”
Ang koponan na siyang dating nakikipaglaban sa ilalim ng banner ng “South American Rejects” ay dala-dala ang patunay sa kanilang naging track record sa mga pandaigdigang kompetisyon, ang pinakahuli ay ang pagkamit nila ng ika-5 hanggang ika-6 na pwesto sa PGL Wallachia Season 8 – isang patunay ng kanilang kakayahan na makipaglaban sa pandaigdigang tanghalan. Sa ilalim ng PlayTime banner, ang koponan ay magpapatuloy na ituloy ang mataas na antas ng kompetisyon, simula sa kanilang debut sa 1 Win Essence I Dota 2 tournament. Ang Dota 2 PlayTime team ay nakatakda rin makipagtagisan nang galing sa DreamLeague Season 29 na layon ng koponang makakuha nang mas maraming EPT points sa paghabol nito sa Esports World Cup (EWC) at The International (TI).
“The addition of this new roster marks a strategic milestone for PlayTime. These players have demonstrated resilience, mechanical excellence, and the competitive fire that defines our brand. We are proud to provide them a new home and look forward to seeing them fly the PlayTime banner in upcoming international tournaments.”
Narito ang opisyal na PT Sports Dota 2 roster sa mga sumusunod:
Hector Maximo Orozco Alza – WITS
Oswaldo Gonzalo Herrera Martinez – DARKMAGO
Frank Alberto Arias Ayala – FRANK ·
Elvis Joel De La Cruz Peña – SCOFIELD
Yelsthin Brayan Verde Hurtado – ELMISHO
Coach: · Juan David Angulo Nicho – VINTAGE
Nilagdaan ng bagong PlayTime roster ang multi-year contract na siyang magbibigay diin sa koponan ng esports sa kanilang pangakong bumuo ng pangmatagalang paligsahang para sa program ng Dota 2. Ipagpapatuloy nang PlayTime ang pagpapalawak sa kanilang presensya sa pandaigdigang esports, na magpapatibay sa kanilang pangakong bumuo nang champion-caliber rosters at iangat ang pandaigdigang talento sa pandaigdigang tanghalan.
Para sa mga pinakabagong update sa PlayTime at sa roster nito sa Dota 2, ang mga tagahanga ay maaring bumisita sa opisyal na PlayTime Entertainment website. Tuklasin pa ang tungkol sa paglalakbay ng koponan, mga susunod na torneo at iba pang sports events sa https://www.playtime.ph/sports.
122 
