NARINIG ko na naman ang katagang debate mula sa labi ni Pangulong Mayor Rodrigo “Digong” Roa Duterte. Noong Miyerkules, mu-ling lumabas ang naturang kataga mula kay Pangulong Digong nang upakan niya si dating Senador Antonio Trillanes IV, ang “tinaguriang sundalong kanin”ng ilang opisyal ng administrasyon. Ito ‘yung eksaktong sinabi niya kay Trillanes: “daldal nang daldal lang ‘yan, hindi naman lumalaban sa debate ‘yan”. Mahilig maghamon ng debate si Pangulong Digong laban sa mga kumakalaban sa kanyang administrasyon, subalit kapag tinanggap naman ang kanyang hamon ay ‘di naman kumakasa! Sabi nga…
Read MoreMonth: July 2021
LAGLAG ANG TAMBALANG LACSON-SOTTO!
NAGSIMULA nang umikot sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III upang malaman kung mayroong mga opisyal sa mga pamahalaang lokal, politiko at mga pinuno ng mga organisasyong masa na susuportahan ang kanilang kandidatura sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan sa halalang isasagawa sa Mayo 2022. Inuna ng dalawa ang Luzon sa kanilang konsultasyon. Isusunod daw nila ang Visayas at Mindanao. Pagkatapos niyan, iaanunsiyo ng dalawa sa Agosto ang “pinal” at “opisyal” nilang desisyon hinggil sa halalang 2022. Kung matutuloy si Lacson para sa pagkapresidente at si…
Read MoreDENR at DFA pinaaaksyon sa kababuyan sa WPS PINAS GINAGAWANG INIDORO NG CHINA
(BERNARD TAGUINOD) HABANG nangungunyapit umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa China, inidoro naman ang tingin ng nasabing bansa sa mga Filipino kaya itinatapon nila ang kanilang dumi sa West Philippine Sea (WPS). Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat ang pagtatapon ng China ng kanilang dumi sa WPS habang ginugunita ng mga Filipino ang ika-5 anibersaryo ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration ng United Nation na nagsasabing ang mga inokupahang teritoryo ng China sa WPS ay pag-aari ng Pilipinas. “Napakalaking sampal ito sa ating pambansang soberanya. Habang…
Read MoreMARCOS UMAYUDA SA TAAL VICTIMS
(NELSON S. BADILLA) HINDI na siya senador. Hindi rin siya nakapuwesto bilang pangalawang pangulo ng bansa, ngunit hindi tumigil si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa mga kagyat na nangangailangan ng tulong. Nitong Hulyo 12, nagtungo si Marcos, kilala rin bilang BBM, sa mga bayan sa Batangas upang matulungan ang mga residenteng nababagabag dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal. Sa kanyang pagpunta, direktang nakita ni BBM ang kalagayan ng mga residente sa Talisay, Laurel at Agoncillo. Personal na binigyan ni BBM ng ayuda…
Read More‘Di nagastos na P9-B pinalilipat sa ayuda PONDO NG AFP, PNP SOBRA-SOBRA
PINALILIPAT ng isang mambabatas sa Kamara ang mahigit P9 billion na pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hindi nila nagastos noong 2020. Ginawa ni House deputy minority leader Carlos Zarate ang pahayag kasunod ng report ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P9.352 billion halaga ng proyekto ng AFP at PNP noong 2020 ang hindi natapos. Nabatid sa COA na 41 proyekto ng AFP na nagkakahalaga ng P6,812,295,233.40 na nakapaloob sa 2020 national budget ang hindi nakumpleto o natapos sa itinakdang…
Read MoreCHINA KINONDENA SA PAGTATAPON NG DUMI NG TAO SA WPS
KINONDENA ni Senador Grace Poe ang China sa pagtatapon nito ng dumi ng tao sa karagatan na sakop ng West Philippine Sea na paglabag sa international at local environmental laws. Sa pahayag, sinabi ni Poe na isa itong tahasang insulto hindi lamang sa ating soberanya kung hindi maging sa lahat ng umaasa ng kabuhayan mula sa karagatan. “It is certainly infuriating and disgusting to hear the reports of human wastes being dumped on the West Philippine Sea,” ayon kay Poe. Aniya, hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay. “This…
Read MorePACQUIAO ‘PUNCH-DRUNK’ -DUTERTE
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon. “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala na P10 billion?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi. “That is a statement coming from a guy that is punch-drunk, lasing,” giit ng pangulo. Nauna rito, pinaputok ni Senador Pacquiao na…
Read MoreBAKUNA NI CONG. ZAMORA HINDI PASOK SA MIX-AND-MATCH
HINDI kinukonsidera ng Malakanyang na kaso ng mix-and-match ang pagbabakuna kay San Juan Congressman Francis Zamora. Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng pag-amin ng kongresista na tig-dalawang doses ng Sinopharm at Pfizer ang itinurok sa kanya. Aniya, hindi pa naman pinahihintulutan ang mixing and matching ng COVID vaccines sa Pilipinas o kahit sa alinmang bansa. Sinabi pa ni Sec. Roque na hindi rin naman maikukonsidera na mix-and-match ang pagbabakuna kay Congressman Zamora dahil ang pagturok dito ng unang dalawang dose ay mula sa iisang brand lamang.…
Read MoreINDONESIA, MALAYSIA PINASASAMA SA TRAVEL BAN
INIREKOMENDA ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isama ang mga bansang Indonesia at Malaysia sa travel restriction ng Pilipinas. Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque makaraang sabihin kamakailan ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng ikonsidera ng gobyerno ang naturang hakbang. Subalit, ngayon aniya ay rekomendado na ito sa harap ng paninigurong hindi makalulusot sa bansa ang Delta variant. Aniya, naghihintay na lang ang Task Force sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa bagay na ito. Sa kasalukuyan ay nakataas ang travel ban sa…
Read More