2 TUMBA SA COVID SA VALENZUELA

DALAWA ang naitalang namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19 noong Hulyo 12. Bunsod nito, umakyat na sa 542 ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa pandemya habang 144 ang active cases makaraang 68 ang bagong naging positibo at 61 naman ang gumaling. Pumalo na sa 20,922 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,236 na ang gumaling. Samantala, umakyat na sa 148 ang active cases sa Navotas matapos na walo ang nagpositibo sa virus habang dalawa lamang ang gumaling. Umakyat na sa…

Read More

MAHALAGANG PAPEL, GAGAMPANAN NG CSOs SA HALALAN 2022

ANG paghihigpit sa paghahain ng kandidatura, pangangampanya, pati na ang bilang ng mga botanteng papayagang pumasok sa loob ng presinto para bumoto ay ilan lamang sa mga limitasyong ipatutupad ng Commission on Election (Comelec) sa kanilang inilabas na panuntunan kaugnay sa “new normal” na pamamaraan sa gaganaping pambansang halalan sa susunod na taon. Bunga ng inilatag na paghihigpit, itinutulak ng Comelec ang paglahok ng civil society organizations (CSOs) sa gaganaping pangangampanya sa halalan partikular sa mga lugar na kinakailangan ang kaalaman ng mga botante upang maipaabot kaagad ang mahalagang impormasyon…

Read More

GREEN GROUPS SA SMC: IBASURA LAHAT NG ‘COAL PROJECTS’

NAGPAHAYAG ng pag-aalinlangan ang Power for People Coalition (P4P) sa anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na gumagawa na sila ng unang hakbang palayo sa karbon at balak na makipagsapalaran sa ‘greener energy’, habang pinananatili ng kumpanya ang posisyon nito bilang ‘key player’ sa national coal pipeline. Sa inilabas na pahayag nitong nakaraang linggo, sinabi ni SMC president Ramon Ang na ang tatlong coal projects sa Cebu at Quezon ay kinansela na dahil ang kanilang kumpanya ay plano nang ipatupad na ihinto ang pagtatayo ng mga bagong pasilidad ng karbon.…

Read More

TULOY-TULOY BILLIARD TOURNEY SA QUEZON CITY

DESIDIDO ang Quezon City local government unit (LGU) na maging ‘billiard capital’ ang lungsod hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Maliban dito, target ng LGU na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte na makatuklas ng mga bagong talento na magrerepresenta sa bansa sa iba’t ibang international tournaments. Kaya matapos ang 1st QC 10-Ball Open noong Hunyo 21-27, agad itong sinundan ng Saksi Speed Pool Challenge nitong Hulyo 10, at sa Hulyo 23-25 naman ang Shark’s Juniors 10-Ball Open na para sa mga cue artists na edad 17-pababa. Inorganisa ni…

Read More

TOTOY SUGATAN SA FRAT WAR

SUGATAN ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang barilin sa nangyaring rambol ng dalawang grupo ng mga kabataan sa Malabon City nitong Martes ng madaling araw. Dinala sa Tondo Medical Center ngunit inilipat sa Philippine Orthopedic Center ang biktimang si alyas Rodolfo, residente ng Navotas City. Tinutugis naman ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Albert Lozano at Ayan Calidro, kapwa ng Blk. 13, Hiwas St., Dagat-dagatan, Brgy. Longos, at Deniel Soria, ng Sawata St., Caloocan City. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Hiwas St., Brgy. Longos…

Read More

Suspek sa kidnapping at pamumugot 2 ABU SAYYAF NADAKIP SA TAGUIG

NAGBABALA si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Vicente Danao sa publiko na maging mapagmatyag sa kanilang paligid dahil sa posibleng presensya ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Metro Manila. Ginawa ng NCRPO chief ang babala makaraang maaresto ang dalawang miyembro ng ASG na sangkot sa kidnapping at pagpugot ng ulo sa ilang banyaga, pagdukot sa tatlong banyaga at isang Pinay sa Samal Island, at iba pang mga insidente ng pagdukot ng ASG. Kinilala nina Danao at SPD director, P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang dalawang…

Read More

P9.5-M PARTY DRUGS NASABAT SA QC

DALAWANG babae ang dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotic interdiction operation matapos tangkaing i-claim ang isang package mula sa Germany na naglalaman ng P9.5 milyong halaga ng party drugs. Higit 5,000 tableta ng party drugs na ecstasy ang nakumpiska sa isinagawang controlled delivery operation sa Quezon City Central Post Office na sinubukang kunin ng dalawang babaeng residente ng Quezon City at Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, inilatag ang patibong ng anti-narcotic operatives ng PDEA Regional…

Read More

6 PATAY, 3 SUGATAN SA VAN VS TRAILER TRUCK

QUEZON – Anim ang patay habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng isang trailer truck at van sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng madaling araw. Batay sa report ng Tagkawayan Police, magkasalubong na tinatahak ng trailer truck na minamaneho ng 29-anyos na si Arjay Brito Redecilla, at Nissan Urvan Escapade Van (TOJ512) na minamaneho ni Ron Aldwin Aquino, 30-anyos, ang palusong at kurbadang bahagi ng highway nang magkasalpukan ang mga ito dakong alas-12:20 ng madaling araw. Nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang van na…

Read More

EVACUEE SA BATANGAS POSITIBO SA COVID

NAGPOSITIBO sa isinagawang antigen test ang isang 51-anyos na ginang sa isang evacuation center sa bayan ng Agoncillo sa lalawigan ng Batangas noong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ng Municipal Health Office. Walang ano mang naramdamang sintomas o asymptomatic ang nasabing pasyente na dinala na sa quarantine facility habang patuloy ang pagbabakuna sa evacuees. Kabilang ang bayan ng Agoncillo sa high-risk na mga lugar kung saan nakapagtala ng 25 active cases ng COVID-19. Patuloy ang paglikas ng mga residente na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Halos 121 barangay…

Read More