BARIL, BALA NG NPA NADISKUBRE NG PNP-ZAMBALES

“YOU cannot wreak havoc with your convictions at the expense of the peaceful citizenry,” babala ni PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano Cardiño matapos madiskubre ng kanyang mga tauhan ang nakaimbak na mga baril at bala ng New People’s Army. Ayon kay Col Cardiño, matapos mapasuko ng kanyang mga tauhan ang isang aktibong kasapi ng communist terrorist group at isalang sa debriefing ay na-recover naman ang ilang baril at mga bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril. Bukod sa war materials, nasamsam din ng mga awtoridad ang ilang subersibong dokumento…

Read More

TOP 7 MOST WANTED PATAY SA PARAK

CAVITE – Patay ang isang 37-anyos na top 7 most wanted person (MWP) regional level ng NCRPO nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Romeo Panesa, alyas Boyet, ng Ericka Louise Village, Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macario ng Naic Police, dakong alas-4:25 ng hapon noong Huwebes nang isilbi ng mga operatiba ng DSOU at Naic Police ang warrant…

Read More

4-ANYOS PATAY SA MOTORSIKLO

CAVITE – Patay ang isang 4-anyos na bata nang masagasaan ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada matapos na maligo sa ilog sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Unang isinugod sa dalawang ospital ngunit dahil sa kakulangan ng kagamitang medical ay inilipat sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang biktimang si alyas Jayson, ng Sitio Ophir, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite. Kusang loob namang sumuko ang driver ng Honda Click na si Ricarte Densing, 53, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City.…

Read More

QC RESIDENTS PINAG-IINGAT SA FAKE VACCINATION CARDS

SINIMULAN na ng Quezon City government ang paglalagay ng tamper-proof security seals sa vaccination cards ng QCitizens kasunod ng kanilang second doses, para matiyak na hindi mapepeke ang cards at hindi magkamali para sa mga tunay o orihinal na may-ari nito. Ang rollout ay nagsimula noong Hulyo 9 sa anim na vaccination sites na naka-schedule para sa pagsasagawa ng second doses sa 4,000 individuals, at magpapatuloy hanggang ang national government ay magsimula na sa pagpapatupad ng kanilang centralized vaccination certification system. Ang nasabing hologram seal ay countersigned ng authorized representative…

Read More

PMMA CADET DEATH PINASISILIP SA NBI

HINDI kontento ang isang mambabatas sa Kamara na homicide lang ang kasong isinampa ng San Narciso Police Station sa Zambales sa isang kadete sa pagkamatay ni Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Cadet 4CL Jonash Bondoc at hiniling nito sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon. Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, kailangang magkaroon din ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Higher Education (CHED) dahil may mga indikasyon na hazing ang sanhi ng pagkamatay ni Bondoc. “I call on the NBI to lead…

Read More

ATTEMPTED HOMICIDE SUSPECT, NABITAG

NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago sa batas sa isang suspek sa attempted homicide nang madakip nitong Biyernes ng umaga sa Las Piñas City. Dakong alas-9:40 umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police, sa pangunguna ni P/Lt. Jay Joseph De Guzman, ang suspek na si Allan Bongabal, construction worker, sa Brgy. Talon 2 ng nabanggit na lungsod. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong attempted homicide na ipinalabas ni Hon. Judge Jean Desuasido Gil ng Metropolitan…

Read More

CURFEW VIOLATOR ARESTADO SA MARIJUANA

HUMANTONG sa karsel ang isang curfew violator nang makumpiskahan ng marijuana sa Valenzuela City. Swak sa hoyo si John Christian Delima, 20, ng Generoso St., Tomas Manuel, Karuhatan, Valenzuela City. Ala-1:30 ng madaling araw noong Hulyo 7 nang naispatan ng mga pulis si Delima na gumagala at nang ipalabas ang identification card ay nakakita ang mga pulis ng isang glass pipe na may marijuana sa loob ng sling bag ng suspek kaya’t agad siyang dinakip. Nasamsam din sa suspek ang isang nakatuping P20 na may nakaipit na marijuana, isang disposable…

Read More

4 TIMBOG SA FAKE SWAB TEST RESULTS

ARESTADO ang apat katao makaraang makumpiskahan ng pekeng RT-PCR test results ng magkasanib na pwersa ng Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa entrapment operation sa Lerma St., Sampaloc, Manila. Kinilala ang mga arestado na sina Ronilo Ronato, Alison Enrico, Rostica Navarro at Ronaldo Benitez. Batay sa imbestigasyon ng CIDG-Manila, nagkakahalaga umano ng P3,000 hanggang P3,500 ang pekeng RT-PCR results na ibinebenta ng mga suspek. Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek. Bunsod nito, isa sa mga…

Read More

9 KABABAIHAN NASAGIP SA BUGAW

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng umano’y bugaw habang nasagip ang siyam na kababaihan na kinabibilangan ng limang menor de edad, sa isinagawang operasyon sa Taytay, Rizal. Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Angelica Ollague. Batay sa ulat ng NBI-RIZDO, nakatanggap sila ng “tip” kaugnay sa human trafficking activities na nagaganap sa kalapit na bayan ng Rizal. Ayon sa impormasyon, ilang bugaw sa lugar ang nagmamantina ng mga prostitute na pawang mga menor de edad at dinadala…

Read More