REQUIREMENTS SA TRAVELERS DEPENDE SA LGUs

NANANATILING nasa diskresyon ng lokal na pamahalaan kung ang isang domestic traveler ay kailangang sumailalim sa RT-PCR testing o magpresenta na lamang ng kanilang vaccination proof. Ito ang binigyang linaw ng Inter-Agency Task Force matapos ang ilang kalituhan sa ilang protocols. Nauna nang sinabi ng IATF na ang mga nakakumpleto na ng bakuna ay maaaring ipakita ang kanilang inoculation card o quarantine certificate sa halip na negative swab test result kapag bibiyahe domestically. Gayunman, sinabi ng ilang LGUs na nabigo ang task force na sila’y konsultahin at tinukoy na may…

Read More

SPECIAL FLIGHTS SA STRANDED FILIPINOS APRUBADO

PINAYAGAN ng Inter-agency Task Force (IATF) ang special commercial flights para makauwi ang mga stranded Filipino sa Oman, Dubai, Abu Dhabi, at iba pang bansa na mayroong travel restrictions na ipinatutupad ang Pilipinas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga special commercial flights ay “subject to guidelines” tulad ng pagkakaroon ng Special Working Group (SWG) para matukoy ang implementing protocols para sa special commercial flights, “in coordination with the concerned airlines.” Ang SWG ay binubuo ng Department of Health, Bureau of Quarantine, Overseas Workers’ Welfare Administration, Department of Foreign…

Read More

Pwede nang lumabas sa areas na GCQ, MGCQ BATA BAWAL PA RIN SA MALL

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na lumabas sa “outdoor areas” ang mga bata o ang mga chikiting na may edad 5 pataas sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ) maliban sa mga “heightened restrictions”. “Ano ba ang outdoor areas, ayon sa IATF kasama rito ang parks, playgrounds, beaches, bikings at hiking trails, outdoor tourist sites at attractions. Ayon sa Department of Tourism, outdoor non-contact sports courts at venues, at al-fresco dining establishments na matatagpuan sa aking mga binanggit na mga lugar,” ayon…

Read More

BORDER CONTROL PAIGTINGIN LABAN SA BAGONG COVID-19 VARIANT

NANINDIGAN si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na mas dapat paigtingin ang border control upang mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng COVID-19. Ayon kay Go, dapat habaan pa ng mga kababayan lalo na ang mga biyahero, ang kanilang pasensiya at sumunod sa mga itinakdang protocols ng pamahalaan. Sinabi ni Go na kung ano ang sinabi ng IATF na bilang ng araw ng quarantine, dapat sundin dahil iniiwasan lang ng pamahalaan na bumagsak ang healthcare ng bansa. Binigyang diin ni Go na kapag nangyari ito, mas mahihirapan ang mahihirap…

Read More

Sa halip na board at bar exams SOLON: ‘PANGGAGATAS’ SA PROFESSIONALS ALISIN

MAHALAGA ang board at bar exams kaya hindi ito dapat alisin. Sa halip, ang Continuing Professional Development Act na nagpapahirap at ginagatasan ang mga professional tulad ng mga abogado, doctor, nurses at iba pa ang siyang ibasura. Reaksyon ito ni ACT party-list Rep. France Castro kasunod ng suhestiyon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tanggalin na ang bar exam sa mga law student at board exam sa mga nurse. Ayon sa mambabatas, mahalaga pa rin ang licensure exams bilang requirement para sa mga propesyunal…

Read More

EVOSS TASK GROUP SUSI SA SAPAT NA POWER SUPPLY

MATAPOS lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) No. 143 na nagtatatag sa Energy Virtual One-Stop Shop Task Group (ETG) upang paigtingin ang pagpapatupad ng Energy Virtual One-Stop Shop Act o EVOSS, sinabi ni Senador Win Gatchalian na patunay lamang ito ng pagiging sinsero ng punong ehekutibo na wakasan ang red tape sa kanyang administrasyon. Ang ETG ay magpapatuloy sa naiwang tungkulin ng steering committee na may layong paikliin ang proseso ng aplikasyon ng mga namumuhunan sa proyektong may kinalaman sa enerhiya. Napaso na kasi ang termino ng steering…

Read More

TULONG IPINAABOT SA TAAL VICTIMS

PARA mabawasan ang pasanin ng mga taong naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano, agarang nagbigay ng tulong sa mga ito si Senator Cynthia A. Villar. Namahagi ang senador ng relief packs sa mga biktima ng volcano disaster sa bayan ng Laurel at Agoncillo sa Batangas. “Sa pagbibigay ng food packs sa mga biktima, nakatutulong tayo sa pamahalaan na pakainin ang ating mga kababayan partikular yaong nailikas na pamilya dahil sa volcanic activity.” ayon kay Villar. “We also gave them alcohol as a way to protect themselves as we are facing…

Read More

Mangingisda pinayagang pumalaot ‘WINDOW HOUR’ SA TAAL LAKE

LABIS ang tuwa ng mga mangingisda sa Taal Lake matapos payagan na silang pumalaot sa lawa. Pinahintulutan na ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon para pakainin ang mga alagang isda sa fish cages sa lawa ng Bulkang Taal. Tanging limitadong aktibidades at oras lamang ang pinayagan katulad ng emergency harvest, pagpapakain at pagtatanggal ng namatay na mga alagang isda. Ang mga hindi susunod sa itinakdang mga alituntunin ay maaaring sitahin lamang sa unang paglabag ngunit sa ikalawang paglabag ay maaari na…

Read More

2 DRUG DEALERS PATAY SA P30-M SHABU ANTI-NARCOTICS OPS

PATAY ang dalawang hinihinalang drug dealer sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 7 sa Barangay Mambaling, Cebu City. Tinatayang aabot sa P30 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa mga suspek. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 7 Director Brig. Gen. Ronnie Montejo, napatay sa engkwentro ang mga suspek na sina John Kerlou Pojas at isang alyas “Ryan”. Nabatid mula kay Police Lt. Col. Regino Maramag, pinuno ng PNP-PRO7 Police Drug Enforcement Group (PDEG), unang bumunot at tinutukan ng…

Read More