CASH AID, CONTACT TRACING ‘DI PINONDOHAN

PINALAGAN ni Senador Nancy Binay ang hindi paglalaan ng badyet ng pamahalaan sa cash aid para sa apektadong sektor at contact tracing sa panukalang P5.024 trilyong 2022 national budget. “Ang mindset when the budget was made, there would still be COVID next year. Bakit walang nagtanong sa DILG? Bakit walang budget for contact tracing?” tanong ni Binay. Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on finance sa pamumuno ni Senador Edgardo Angara, sinabi ni Binay na dapat nakapokus ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa contact tracing bilang…

Read More

Isa sa mga natatangi sa ganda at kalidad sa bansa HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF

ISA sa mga natatangi at pinakamagandang golf course sa bansa ang HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF sa mapugad at malawak na burol ng Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna. Ang 72 ektaryang golf course na may 18 holes ay dinesenyo ni Japanese Architect Seiichi Inoue noong 1962. Unang nakilala bilang TAT Filipinas, noong Hunyo 1, 2021 ay binigyan ito ng panibagong pangalan– HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF. Ayon kay G. Erick San Juan, acting Relations Officer ng HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF, dahil sa pansamantalang tigil-operasyon ng mga golf course sa bansa…

Read More

Panukala pirmado na ni PDuterte BUMBERO MAG-AARMAS NA

TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maging ganap na batas ang Republic Act (RA) 11589 o “Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act”, na naglalayong payagan ang mga bumbero na magdala ng baril. “Bakit mo bigyan ng baril ang mga bumbero e sunog lang ang kalaban nyan? You know, the organization itself and the individual bumbero, they are exposed to so many dangers,” ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa isinagawang Signing of the Bureau of Fire Protection Modernization Act at Presentation ng Newly Enacted Laws on Various State…

Read More

PAG-IINGAY NG MGA SENADOR PARA LANG SA ELEKSYON – DUTERTE

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte noong Sabado na may iba’t ibang opisyal ng pamahalaan ang nasasayang ang oras at effort sa pagdalo sa Congressional hearings sa halip na gawin ang kanilang trabaho para tugunan ang COVID-19 pandemic. Aniya, ang mga imbestigasyon na ito ay maiiwasan kung babasahin muna ng mga…

Read More

FACE-TO-FACE CLASSES NG MGA BATA, INAWAT NG ACT CIS

NAKIKIUSAP ang ACT-CIS Party-list sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd), at Inter-Agency Task Force (IATF) na pag-aralang mabuti ang plano na simulan ang pilot testing ng face-to face classes ng mga bata ngayong pasukan sa mga lugar na mababa ang mga kaso ng COVID-19 virus. Sa isang panayam sa radyo kamakailan, sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap na, “mas maganda sigurong pag-aralan pa ng mabuti ng mga ahensya ang planong face-to-face classes ngayong pasukan dahil patuloy ang pagtaas ng COVID cases sa bansa dulot ng Delta…

Read More

PAGPASA SA DEPARTMENT OF DISASTER IGINIIT

MULING nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga kasamahan na ipasa na ang batas sa patatatag ng Department of Disaster Resilience matapos dumaan ang magkasunod na bagyong “Jolina” at “Kiko” sa bansa nitong nakaraang linggo lang. Sa pagbisita at paghahatid niya ng tulong sa mga residente ng Biñan, Laguna na naapektuhan ng Bagyong Jolina, sinabi ni Senador Go, ” huwag na po nating antayin ang panibagong bagyo o pagbaha na naman…kailangan na talaga natin ng isang cabinet secretary level na departamento para tumugon sa mga ganitong uri ng kalamidad”.…

Read More

14 casualties kinukumpirma pa P628-M PINSALA NG BAGYONG JOLINA SA AGRIKULTURA

MAHIGIT P628 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura habang patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa nawasak na imprastraktura matapos ang pananalasa ng bagyong Jolina sa bansa. Ito ay kasunod ng isinagawang aerial inspection ng Philippine Air Force hinggil sa lawak ng naging pinsala ng nagdaang bagyo. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, anim na rehiyon sa bansa ang lubhang nasalanta sa pananalasa ng bagyong Jolina kabilang ang Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Region 6 at Region 8. Sa inilabas…

Read More

ESTUDYANTE ITINUMBA SA CALAMBA

LAGUNA – Patay ang isang 20-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa Calamba City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Bryan Ben Jaurigue Victoriano, 20-anyos, residente ng Barangay Lecheria. Ayon sa report ng Calamba City Police, bandang alas-4:30 ng hapon, nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi kilalang suspek na armado ng maiksing baril. Bigla na lamang nitong pinagbabaril ang binata na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Isinugod sa Pamana Hospital sa Calamba City…

Read More

2 RIDER NA LASING TODAS SA HIGHWAY

QUEZON –Patay ang dalawang binatang magka-angkas matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nakaparadang sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hatinggabi. Kinilala ang Sariaya Police ang mga biktimang sina Van Jerick Cayabat Magsino, 19-anyos, driver, residente ng Barangay Gibanga, Sariaya, at Jerson Sarion Sayas, 24, backrider, residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City. Batay sa report ng Sariaya Police, tinatahak ng mga ito ang Maharlika Highway sa Barangay Gibanga nang sumalpok sa isang lumang SUV na pansamantalang nakatambak sa gilid ng highway…

Read More