PINALAKAS pa ng Goldยญen State Warriors ang kapit sa ikatlong puwesto sa Western Conference, kasabay ng paghablot sa ika-50 panalo, matapos talunin ang Kings, 109-90 sa Sacramento, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila). Sina Andrew Wiggins at Jordan Poole, may tig-25 at 22 puntos, ang umakay sa Warriors sa nasabing winning record. Habang nagtala si Nemanja Bjelica ng season highs 19 points at 12 rebounds at six assists sa ikalawang sunod na panalo ng Golden State. “We’re playing for ยญseeding at this point and we really want to get as…
Read MoreDay: April 4, 2022
PAGBABALIK NI MELINDO
ALAWANG taong namahinga si dating world champion Milan Melindo mula sa boxing. Nagtala ang 34-anyos na si Melindo ng 7th round TKO win laban kay Cris Omayao sa kanyang comeback fight nitong Sabado ng gabi sa Southern City College Arena sa Zamboanga. Dala ng pandemya, kasabay ang pagsasara ng ALA ยญBoxing Promotions at ng ABS-CBN broadcasting network, ยญsinamantala ni Melindo ang makapag-relax mula sa napakahabang panahon niya sa boksing. Sa panayam nga ng ABS-CBN News online, nabanggit ni Melindo, dating IBF light flyweight champion, marahil gumawa ng paraan ang Panginoon…
Read MoreMILITAR, ABU SAYYAF NAGSAGUPA SA BASILAN
APAT na mga tauhan ng Philippine Army mula sa AFP Joint Task Force Basilan ang nasugatan nang makasagupa nila ang isang pulutong ngย Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ng isangย Pasil Bayali noong Sabado ng umaga. Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, commander ng JTF Basilan, nagsasagawa ngย combat operations ang kanilang mga tauhan nang masabat ang isang pulutong ng mga Abu Sayyaf sa Barangay Sucaten, Sumisip, Basilan bandang alas-7:31ย ng umaga. Matapos ang ilang minutong bakbakan tumakas ang ektremistang grupo subalit natunton silang muli ng mga sundalo kaya nagkaroon muli ng sagupaan.…
Read More2 ‘TULAK’ ITINUMBA SA QUEZON
QUEZON โ Patay ang dalawang magkaanak na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos tambangan ng dalawang gunman habang magkaangkas sa motorsiklo sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Manuel Roxas Pansoy, 51, at Randy Villanueva Roxas, 26, kapwa construction workers, at mga residente ng Brgy. Lusacan, Tiaong. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay parehong nasaย PNP drug watchlistย na nakatala bilang street level individuals (SLIs). Batay sa report, dakong alas-10:45 ng umaga, magkaangkasย ang dalawa sa isang walang plakang…
Read MoreMISSING PRIEST SA CAVITE NATAGPUANG NAKAGAPOS
CAVITE – Nakasalalay sa salaysay niย Rev. Fr. Leoben Peregrino y Octavo, Parish Priest ng Most Holy Rosary Parish Church sa Rosario, Cavite ang pag-uumpisa sa imbestigasyon ng kanyang pagkawala noong Biyernes ng umaga hanggang sa natagpuan itong tulala at nakagapos ang leeg at mga kamay sa Brgy. Lumil sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon kay P/Lt. Col. Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Police Station, pinakamatibay ang magiging salaysay ni Rev, Father Peregrino o kilala bilang “Father Phem”, 58, para masimulan ang imbestigasyon dahil siya…
Read More3 CPP-NPA KADRE NALAGAS SA SAGUPAAN
PATAY ang tatlong kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa sagupaan sa Panay atย Negros, ayon sa ulat ng military noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat na nakarating sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City, isang hindi pa nakikilalang communist terrorist umano ang napatay sa engkwentro nang magsagupa ang tropa ngย 31st Division Reconnaissance Company na nasa pangangasiwa ng 12th Infantry Battalion sa Sitio Maytaraw, Barangay Dalagaa-an, Libacao, Aklan. Nangyari ang bakbakan bandang alas-2:10 ng hapon noong Linggo na nagresulta sa kamatayan ng isang NPA…
Read MoreMay kaanak na kandidato sa May polls HALOS 2K PULIS SINIBAK
NASA 1,971 kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang inalis sa puwesto bago ang May 9, 2022 presidential and local election. Inihayag kahapon ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inilipat ng assignment ang kulang sa dalawang libong pulis dahil may mga kamag-anak silang tumatakbo sa eleksyon na saklaw ng kanilang mga AOR o area of responsibility. Ito aniya ay para matiyak na magiging ‘nonpartisan” o walang kinikilingan ang mga pulis sa pagganap sa kanilang trabaho. Bukod sa 1,971 na inalis sa puwesto ay mayroon ding 147 field commanders ang…
Read MoreDefensor bitin sa report kontra Mayor Joy OVERPRICING SA QC PINASISILIP SA COA
BITIN. Ganito inilarawan ng isang kongresista ang ginawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA) sa inilabas na audit report kaugnay ng mga biniling food packs ng Quezon City government para noong taong 2020. Giit ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, busisiin lahat ng procurement deals na pinasok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasabay ng patutsada sa aniya’y limitadong saklaw ng COA report. Aniya, tanging ang P479-milyong halaga ng financial assistance sa ilalim ng Bayanihan 2 law para sa taong 2020 ang laman ng annual audit report ng COA na…
Read More114 ELECTION HOTSPOTS TINUKOY NG PNP
MULING nagpulong kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bilangย paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022 at may 114 lugar ang kinategoryang ‘areas of immediate concerns’. Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, nagpatawag siya ng command conference upang magkaroon ng “assessment” sa security situation ng mga rehiyon. Base ito sa kanilang pinairal na color coding identifications, ang red category ang itinuturing na pinakamataas na alerto pagdating sa seguridad habang green naman ang pinakamababang alerto o inaasahan ang payapang eleksyon. Nabatid na may 100 munisipalidad at…
Read More