OBIENA TATALON SA 7 TORNEO

SASABAK sa pitong ­malalaking torneo si world No. 3 at Asian pole vault record holder Ernest John “EJ” Obiena bago matapos ang taon bilang ­paghahanda sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia at Asian Games sa Huangzhou, China. “Suiting up for season 2022 Part 1. Let’s see what we have in the tank!” Ito ang socmed post ni Obiena, na patuloy nag-eensayo sa Areoporto Internazionale Capodichino Napoli sa Naples, Italy sa ilalim ng personal coach na si Vitaly Petrov. Kabilang sa mga torneong sasalihan ni Obiena ay sa Jockrim, Germany…

Read More

2 PINOY BOXERS KAMPEON SA MEXICO AT THAILAND

KASUNOD ng panalo ni Dave Apolinario sa South Africa dalawang linggo na ang nakararaan, ilang Pinoy boxer ang nagsipanalo rin sa kani-kanilang mga laban. Naitala ni IBF super flyweight top contender Jade Bornea ang 18th win (12 KOs) via ­seventh-round technical knockout kontra veteran Mexican fighter Ivan Meneses noong Biyernes sa Mexico. Matiyagang naghintay ng pagkakataon si Bornea, mula sa pasundot-sundot na body shots at combinations kay Meneses. Nang makitang bumagal ang Mexican, hindi na nagdalawang isip ang undefeated Pinoy at tinapos ang laban sa ikapitong round. Malakas si Meneses,…

Read More

GILAS FINAL 13

Ni ANN ENCARNACION NAGLANDING na ang ‘Final 13’ ng Gilas Pilipinas sa Beirut, Martes ng madaling araw para sa pakikipagsagupa nila sa Lebanon Cedars sa fourth window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifier. Kumpiyansa si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director at spokesperson Renauld “Sonny” Barrios sa tsansa ng national team, base sa nakita niya sa last practice ng ­Gilas bago tumulak sa Beirut. Ibinida niya sa Philippine Sportswriter Association (PSA) online forum kahapon, palaban at malakas ang national team na sasabak laban sa fourth window. Kwento niya,…

Read More

ESTUDYANTE MAS NATUTUTO SA F2F CLASSES – PRES. MARCOS

MAS malaki ang makukuhang karunungan ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan dahil personal silang matuturuan ng mga guro. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik ng face-to-face classes kahapon matapos ang dalawang taong online learning dahil sa COVID-19 pandemic. Kasabay nito, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga guro at mag-aaral na patuloy na i-obserba ang minimum health protocols upang matiyak na mananatili silang malusog habang natututo ng mga bagong bagay. Ito’y sa gitna na rin ng nananatiling banta ng COVID-19 sa bansa. Nauna rito, winelcome ni Pangulong Marcos…

Read More

E-SABONG MAGIGING PROPESYONAL AT KONTROLADO SA PAGBABALIK

sabong

ISANG propesyonal at kontroladong e-sabong ang matutunghayan sa pinakahihintay na pagbabalik nito sa bansa para maibsan ang pangamba ng publiko tungkol sa mga negatibong epekto nito sa lipunan. Ito ang ipinahayag ng tagapangulo ng Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines Batangas na si Fermin Solis dahil nakikita niyang malaki ang potensiyal ng industriya na lumago. Aniya, naiintindihan niya na may mga batas na dapat sundin sa komunidad ng pagsasabong at dapat itong masunod upang maipakitang propesyonal ang naturang industriya. “Lahat naman ng bagay ay tama na mayroon dapat regulasyon, sapagkat tayo ay…

Read More

ANTI-LANE SPLITTING, DISKRIMINASYON SA RIDERS

TINUTULAN ni Senador JV Ejercito ang dalawang panukala na maituturing na kontra sa kapakanan ng motorcycle riders. Bilang rider, iginiit ni Ejercito na hindi makabubuti sa kapakanan ng marami ang isinusulong na Anti-Lane Splitting Bill at ang proposed Motorcycle Rider Safety Act. Sinabi ni Ejercito na lalo lamang magdudulot ng matinding trapik ang mga panukala at makakaapekto sa pagtulong ng mga courier at delivery services sa pag-angat ng ekonomiya. Ipinaliwanag ng senador na maaaring mas maging delikado sa motorcycle riders ang pagbabawal sa lane splitting kaya’t may mga bansa na…

Read More

NETWORKING SCAMS PINATUTUTUKAN SA DTI

KINALAMPAG ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Trade and Industry upang tutukan ang modus ng ilang tinatawag na multi-level marketing at networking companies na nakapambibiktima na ng maraming indibidwal. Sa organizational meeting ng Senate Committee on Trade and Industry, inilabas ni Tulfo ang kanyang pagkadismaya sa malawakang scams ng mga kumpanyang nagpapanggap na legal at nangangako ng malaking kita sa mga maglalagak ng puhunan sa kanila. Hinamon ng senador ang DTI na palakasin ang kanilang hakbangin laban sa mga ito lalo pa’t marami sa kanila ang nabibigyan ng permit…

Read More

LEARNING RECOVERY TUTUKAN KASABAY NG PAGTIYAK NG KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE

SA pagbubukas ng School Year 2022-2023, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at magpatupad ng mga hakbang tungo sa tinatawag na “learning recovery.” Kahapon ng umaga ay bumisita si Gatchalian sa Marulas Central Elementary School at Valenzuela National High School sa Valenzuela City upang mamonitor ang kahandaan ng mga paaralan, mga guro, at mga mag-aaral sa gitna ng nananatiling banta ng COVID-19. Namahagi rin ang senador ng school supplies at iba pang gamit sa mga guro. Iginiit ng Chairman ng Senate Committee…

Read More

MAGANDA BA ANG DIRECT SELLING?

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO NAGING malaking tulong ang direct selling industries sa panahon ng pandemic, ayon sa ilang mga seminar, sinasabi nilang mahigit sa 3 milyong katao ang may involvement dito. Pero sa nakaraang pandemic, higit sa doble ang kinita sa direct selling mapa-online man o mapa-offline, talagang ­nakatulong ito sa nakararaming Pilipino lalo na ang mga ilaw ng tahanan. Nakalibre na sila ng ­pambayad ng kanilang Wi-Fi para sa kanilang mga anak na naka-online classes, at naging kabuhayan pa nila ito. Samahan n’yo ako na talakayin kung bakit napakaraming…

Read More