NASAGI NG ARMORED VAN; LOLO TUMILAPON, PATAY

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical center ang isang 64-anyos na lolo makaraang masagi ang minamaneho nitong motorsiklo ng armored van sa southbound lane ng Padre Burgos St., Lagusnilad Underpass sa Ermita, Manila noong Huwebes ng hapon. Batay sa ulat ni Police Corporal John Patrick Ted Mañaol na isinumite kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Enforcement Unit (MDEU), namatay dakong alas-9:00 ng gabi ang biktimang si Pedro Tenerife , ng Palmera St., Sampaloc, Manila. Samantala, kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage…

Read More

6 CTG PATAY SA ENGKWENTRO SA SULTAN KUDARAT

patay

MULI na namang nalagasan ang hanay ng communist terrorist group nang makasagupa ang mga tropa ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion sa Sitio Sandigan at Sitio Mudti sa Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat. Ayon sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, kinilala ang mga napatay na sina Dennis Dolunan alias “Kalbo”, executive committee member, Deputy Secretary ng East Daguma Front remnants ng Sub-Regional Command (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR); Lailyn alias Aira, ang misis ni alyas “Kalbo” at siya rin ang medic…

Read More

WHALE SHARKS NAMATAAN SA TAYABAS BAY

KINUMPIRMA ng mga tauhan ng Bantay Dagat at environmentalist group na Tanggol Kalikasan ang namataang mga whale shark o butanding sa sa karagatan ng Tayabas Bay sa Quezon. Ayon kay Edwin Frias, miyembro ng Bantay Dagat ng Sariaya, 20 malalaking whale sharks ang kanilang namataan  habang sila ay nagpapatrolya sa territorial waters ng bayan ng Sariaya. May kasama aniya ang mga ito na maraming iba’t ibang klase ng mga isda na siyang ikinatuwa ng lokal na mga mangingisda. Ayon kay Frias, mula nang masawata ang illegal fishing sa lugar ay malimit na silang…

Read More

NIGERIAN, MAG-INA ARESTADO SA ANTI-CYBERCRIME OPS

ARESTADO sa entrapment operation ang isang Nigerian national at isang mag-inang Filipina matapos biktimahin ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa Silang, Cavite noong Huwebes ng hapon. Kasong paglabag sa Article 315 (swindling/estafa) ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng RA 10175 o kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012, at Sec. 5(a) (aiding or abetting in the commission of cybercrime) ng Republic Act No. 10175 ng Cybercrime Prevention Act of 2012, ang kinahaharap ng mga suspek na sina Rosalinda Geronimo y Bernal, 53, government employee;…

Read More

Stepdaughter binidyuhan sa banyo MANYAKIS NA STEPDAD, TIMBOG SA VOYEURISM

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang isang 50-anyos  na lalaki matapos na mahuli habang kinukunan ng video ang dalagang anak ng kanyang live-in partner habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Lucena City. Noong Huwebes ay ipinagharap ng sakdal ng biktimang si alyas “Tintin”, 20, ang suspek na si Johenes Vital, residente ng Barangay Ibabang Dupay. Batay sa reklamo ng biktima sa pulisya, nangyari ang insidente noong Martes ng umaga habang siya ay naliligo. Nagulat na lamang umano siya nang makita ang…

Read More

BA 5 SUBVARIANT NG OMICRON, NAKAPASOK NA SA BANSA

LABING-APAT na kaso ng BQ.1 lineage ng Omicron BA.5 subvariant ang umano’y nakapasok na sa bansa, ayon sa pinakahuling sequencing na isinagawa ng UP-Philippine Genome Center o PGC noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18. Base sa datos ng Department of Health (DoH), 6,070 samples ang isinalang sa sequencing kung saan kabilang dito ang 525 na uri bilang Omicron BA.2.3.20; 358 na XBB; 254 na XBC; 12 na BA.2.75. at 864 na ibang Omicron subvariants. Bukod dito, mayroon pang natukoy na 1,645 na Delta variant at subvariants. Karamihan sa mga kaso ng…

Read More

DANCE INSTRUCTOR HULI SA P680K SHABU

ARESTADO ang isang dance instructor nang mahulihan ng P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang suspek na si Mark Arthur Managaytay Mendoza, 32, ng Brgy. Culiat, Quezon City. Ayon sa report ni Batasan Police Station (PS 6) commander, P/Lt. Col. Morgan Aguilar, bandang alas-3:30 ng madaling araw noong Nobyembre 24 nang maaresto ang suspek sa buy-bust operation sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara, ng nasabing lunsod. Sinasabing nakatanggap ng tip ang mga awtoridad…

Read More

DAGDAG-SAHOD SA GOV’T WORKERS KASADO SA 2023

(CHRISTIAN DALE) TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa susunod na taon. Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno. “The Department of Budget and Management (DBM) wishes to note that the last tranche of the modification of the salary schedule for civilian personnel pursuant to Republic Act No. 11466 or the Salary Standardization Law V will be implemented in 2023. Hence, government…

Read More

PH-VIETNAM PARTNERSHIP SA FOOD SECURITY PALALAKASIN

NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng karagdagang pangako mula sa Vietnam pagdating sa usapin ng food security, climate change, defense at food supply. Ito’y matapos makapulong ng Pangulo si Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Miyerkoles. “I am looking forward to building upon excellent relationships between our two countries. And under your leadership, we will continue to work closely together and I am very confident under your leadership and with your experience, you will help contribute further to strengthen the bilateral relations…

Read More