PROTEKSYON NG JOURNO NASA KAMAY NG SENADO

TANGING Senado na lamang ang hinihintay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ganap nang maging batas ang Media Workers Welfare Act. Sa nagkaisang pahayag ng mga miyembro ng media, isang panawagan ang paabot sa 24 na miyembro ng Senado – pagtuunan ng pansin at paglaanan ng panahon ang panukalang batas na magbibigay proteksyon at magsusulong sa kapakanan ng sektor na tinatawag na “Fourth Estate.” Sa kaugnay na balita, pinasalamatan naman ng Presidential Task Force on Media Security ang Kamara para sa unanimous approval ng House Bill 454 (Media Workers Welfare…

Read More

Former ES Vic Rodriguez sa PFP HUWAG KAYO MAGMALINIS!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MATAPOS ang mahabang pananahimik, inalmahan ni former Executive Secretary Vic Rodriguez ang aniya’y demolition job na ikinasa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) laban sa kanya bunsod ng naunsyaming pangarap na makontrol ang tatlong ahensya ng pamahalaan. Sa isang panayam sa telebisyon, hayagang ibinunyag ni Rodriguez ang ibinasura niyang “wishlist” kung saan di umano nakatala ang mga tanggapan ng pamahalaan na kailangan ilaan sa partido. “I could not grant every request coming from the political party because of the proper vetting procedures to be undertaken. I…

Read More

BUCKS TINUMBA NG BULLS

TRUMABAHO si DeMar DeRozan ng 36 points at eight assists at tinulungan ang Chicago Bulls itumba ang host ­Milwaukee Bucks, 118-113, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila). Sinimulan ng Chicago ang linggong may 6-10 record at ngayon ay nakabingwit ng NBA top two teams. Una munang winakasan ng Bulls ang nine-game winning streak ng Boston Celtics (121-107) noong Lunes. Nag-ambag sina Zach LaVine at Nikola Vucevic ng tig-18 puntos at si Coby White, 14 markers para sa Chicago. May 36 points, 11 rebounds at seven assists si Giannis Antetokounmpo para…

Read More

PBA Commissioner’s Cup TOP 2 SPOT AAGAWIN NG GINEBRA

Ni ANN ENCARNACION MAKUHA ang Top 2 spot at natitirang twice-to-beat advantage ang misyon ng Barangay Ginebra sa ongoing PBA Commissioner’s Cup. Nakatakdang sagupain ng Ginebra, may 7-2 panalo-talo, ang nanganganib mapatalsik na NLEX (3-7) sa tampok na laro sa 5:45 ng hapon ngayon (Biyernes) sa PhilSports Arena. Bago ito, maghaharap sa alas-3 ng hapon ang parehong naghahabol mapabilang sa Magic 8 na Blackwater (3-8) at Rain Or Shine (4-6). Kasalukuyang pangatlo sa standing ang Gin Kings at kung magwawagi kontra Road Warriors ay tatabla sa pumapangalawang Magnolia Hotshots (8-2).…

Read More

NURSES NA DUMULOG SA AKO OFW, NAKAUWI AT NABAYARAN NG AHENSYA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP UNANG nailathala sa ating kolum noong Oktubre 19, 2020 ang panawagan ng pitong nurses sa Riyadh, Saudi Arabia upang sila ay makalaya sa kulungan dahil sila ay ipinakulong ng kanilang amo na nagmamay-ari ng All Care Medical Care. Nagsimula ang problema ng grupo ni Kimberly Kho dahil lamang sa kanilang pagrereklamo sa Ministry of Labor sa Saudi Arabia dahil hindi sila binabayaran nang tamang suweldo at wala ring overtime pay na ibinibigay ang kanilang employer. Dahil sa kanilang pagdulog sa gobyerno ng Saudi…

Read More

YOU CAN’T KEEP A GOOD MAN DOWN

BISTADOR Ni RUDY SIM SA kabila ng pananahimik ni ­dating Executive Secretary, Atty. Vic Rodriguez sa ilang mga malisyosong paratang laban sa kanya at paglilingkod nito sa bayan bilang isang abogado, ay tila hindi pa rin matahimik ang kaluluwa ng ilang politiko na siraan ang dating opisyal sa pamamagitan ng paghuhugas-kamay at pagbaliktad sa kanya ng Partido Federal ng Pilipinas dahil umano sa pagtataksil at pagpapabaya nito sa partido. Tila nakapagtataka ang timing ng naging aksyon ng PFP laban kay Atty. Rodriguez dahil noon pang October 5 ito nagbitiw sa…

Read More

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, MAGTATAYO NG BAGONG SCHOOL BUILDING SA BAYAN NG MULANAY -GOV. HELEN TAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TUNAY na prayoridad ni ­Quezon Gov. Doktora Helen Tan ang edukasyon at marami pang sektor. Katunayan, tuloy-tuloy ang mga programa ukol dito para sa kanyang nasasakupan. Kamakailan nga, pinangunahan ni Gov. Tan ang groundbreaking ceremony ng itatayong dalawang palapag na gusali na may anim na silid-aralan para sa San Isidro Elementary School na matatagpuan sa bayan ng Mulanay. “Nagkaroon ng katuparan ang pagpapagawa ng pamahalaang panlalawigan ng bagong school building sa paaralan sa atas ni Governor Tan na nakasama sa ipinasang Supplemental Budget…

Read More

PERSONAL NA BUHAY NI SEC. TULFO, INUNGKAT SA PAGDINIG NG CA

RAPIDO Ni PATRICK TULFO NANGANGANIB na muling ma-bypass si DSWD Sec. Erwin Tulfo sa ikalawang pagkakataon, matapos na hindi makumpirma ng ­makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na binubuo ng mga miyembro ng Senado at Mababang Kapulungan. Ang mga isyung binabato sa kalihim ay may kinalaman sa ­kanyang pagiging US citizen, conviction sa kasong libel at maging ang ­pagkaroroon nito ng sampung anak sa apat na magkakaibang babae. Ang tanong na ito ay nanggaling kay Surigao del Norte ­Representative Johnny Pimentel, na tinanong nito ang kalihim kung maayos ba ang relasyon…

Read More

NASAAN KAYO NU’NG ‘DI PA SIYA KAMPEON?

INUULAN na ng pagbati nang magwagi, ngunit nu’ng nagpupunyagi ay nawiligan lang ng wisik ang ibinahagi. Inuwi ng siyam na taong gulang na si Bince Rafael Operiano ang ­kampeonato sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand. Napili si Operiano na maging kinatawan ng Pilipinas matapos ­magwagi sa Boys Under 9 category ng National Youth and School Chess ­Championship Grand Finals noong September sa Dapitan City, ­Zamboanga del Norte. Ang batang kampeon mula sa Barangay Busac, Oas Albay ay tatlong gabi umanong natulog sa airport, kasama…

Read More