GUN BAN, LIQUOR BAN IPATUTUPAD SA PISTA NG STO. NIÑO

NAGPALABAS ng kautusan si Manila Mayor Honey Lacuna- Pangan sa mga tauhan ng Manila Police District hinggil sa dalawang araw na pagpapatupad ng gun ban at liquor ban sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo, at Sto. Niño de Pandacan. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office, ang kautusan ni Lacuna ay magsisimula ngayong Sabado, Enero 14, hanggang sa araw mismo ng kapistahan ng Sto Niño sa linggo. Aniya, mahigpit na ipatutupad ang gun ban at liquor ban sa Tondo at…

Read More

MAGDYOWA TIMBOG SA P1-M SHABU

LUCENA CITY – Timbog ang isang babae at ang live-in partner nito matapos makumpiska sa mga ito ang tinatayang P1 milyong halaga ng illegal drugs  sa buy-bust operation sa lungsod na ito, noong Huwebes. Kinilala ng Lucena Police ang mga arestado na sina Leira Silverio, 42-anyos, at si Ericacio Sebuc, 47-anyos, kapwa nakatala bilang high value individuals (HVIs) sa drug watchlist ng  Quezon Provincial Police  Office. Napag-alamaan na si Sebuc ay dati nang may kaso ng pagtutulak ng ilegal na droga. Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan…

Read More

3 NIGERIAN NATIONALS BINITBIT SA ESTAFA

CAVITE – Arestado ang tatlong Nigerian nationals na may kasong estafa, sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng warrant of arrest, sa Imus City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Chinaesom Nwadike y Fedrick, 31; Bright Okoro y Chingoron , 32, at Chileta Iwunze y Justine, 32-anyos, pawang Nigerian nationals. Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon, nagsagawa ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng CIDG-Cavite PFU sa Brgy. Palico IV, Imus City Cavite kung saan naaresto…

Read More

JEEPNEY DRIVER BINAUNAN NG BALA

CAVITE – Humantong sa kamatayan ang pagmamalasakit ng isang 35-anyos na jeepney driver nang pagbabarilin ng dalawa katao matapos paalalahanan ang mga ito hinggil sa umiiral na curfew sa lugar sa Trece Martires City, noong Huwebes ng gabi. Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si  Mel Aubrey Mijares y Cabugnason, 35, may live-in partner, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa tatlong tama ng bala sa dibdib. Arestado naman ang mga suspek na sina Roland Marquez Magpuri, 44, at Ariel…

Read More

BASAG-KOTSE GANG UMATAKE SA RIZAL

RIZAL – Tatlo katao ang nabiktima ng Basag-kotse gang noong Huwebes ng gabi sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, Rizal. Unang dumulog sa himpilan ng Taytay Municipal Police Station ang biktimang si Norman Ray Eleazar bandang alas-10:59 ng gabi. Ayon sa kanya, bandang alas-7:30 ng gabi nang iparada niya ang kanyang gray na Mitsubishi Mirage Hatchback sa harapan ng Bahay Kawayan Restaurant sa Ilog Pugad Manila East Road, Brgy.San Juan upang kumain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya. Matapos ang hapunan ay nagpasya silang dalhin…

Read More

3 MOTORCYCLE RIDERS PATAY SA AKSIDENTE

CAVITE – Patay ang tatlong motorcycle riders sa aksidente sa kalsada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Isinugod sa Las Piñas General Hospital and Trauma Center ang biktimang si Jomar Diolata y Abellano, 31, ng Western Bicutan, Taguig City, habang sa Gen. Trias Medicare Hospital isinugod si Yrish Kate Arajo Lumagui, 22, ng Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias, City subalit kapwa idineklarang dead on arrival dahil sa mga pinsala sa katawan. Samantala, dead on the spot si Victorico Galit y Deguia, 53, isang barangay…

Read More

VILLAR, PASCUAL NAG-IKOT SA GUADALUPE MARKET

MAGKASAMANG nag-ikot ngayong Biyernes sina Senator Mark Villar, Senate committee chairman on Trade, Commerce and Entrepreneurship at DTI Secretary Alfredo Pascual sa palengke ng Guadalupe sa lungsod ng Makati. Layon nitong matiyak na natutupad ang tamang timbang at makita ang presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng karne at gulay partikular ang sibuyas na nananatiling mataas ang presyo. (DANNY BACOLOD) 24

Read More

WANTED SA TONDO, NATUNTON SA BULACAN

ARESTADO sa ikinasang Oplan Galugad at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation ng pinagsanib na puwersa ng DID-SMaRT at ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District (MPD), ang isang 30-anyos na wanted sa Tondo, Manila na may kasong murder at attempted murder, makaraang matunton sa Pulilan, Bulacan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na sina Rene Boy Golias, ng Barangay 105, Vitas, Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) bandang alas-5:30 ng hapon nang…

Read More

Ilapit ang mas maraming Kadiwa Centers sa mga mamimili – Gatchalian

Iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagtatatag ng mas maraming Kadiwa Centers upang mailapit ang mga produktong pang-agrikultura sa mga mamimili at mapababa ang mga presyo ng pagkain sa mas abot-kayang antas. “Para matugunan nang maayos ang problema sa mataas na presyo at kakulangan ng produktong pang-agrikultura, tulad ng sibuyas, kailangang mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas marami pang Kadiwa Centers,” ani Gatchalian. “Ang paglikha ng mas maraming farm-to-market retail centers, tulad ng Kadiwa, ay inaasahan nating magbibigay ng kapangyarihan sa mga…

Read More